Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Diary Ng XXX Celebrity

Diary Ng XXX Celebrity

Caregiver sa gabi, secretary sa umaga, ganyan ang araw-araw na buhay ni Irina Elizalde matapos lamunin ng trahedya ang masayang pamilya niya. Nang mamatay ang Papa niya sa isang aksidente at mabaldado ang Mama niya, napilitan siyang maging breadwinner, kahit pa sinisisi siya ng Tita Shiela niya sa lahat ng nangyari. Sa pagiging caregiver, may konting ginhawa naman siya, lalo na’t mabait ang matandang inaalagaan niya na si Lola Vicky. Pero sa trabaho niya bilang secretary ng suplado at bastos na CEO na si Ravi Lopez, araw-araw siyang parang nasa impyerno. Mabuti na lang at guwapo at yummy, kaya napagtitiisan niya, kahit na, gusto na niya itong layasan. Isang gabi, panay ang iyak ni Irina sa inaalagaan niyang si Lola Vicky. Kinuwento niya rito ang lahat ng paghihirap na dinadanas ngayon sa buhay niya. Sa awa ng matanda sa kaniya, binigyan siya nito ng mission. Mission na kailangang hanapin ang pörnstar na may-ari ng diary na hawak ngayon ni Lola Vicky, at kapag nahanap niya ito, ipapamana ng matanda sa kaniya bilyong-bilyong yaman nito. Ang problema, tila screen name lang ang meron siya. Mr. Ryder King. Iyon kasi ang nakalagay sa diary nito. Bukod doon, gusto ng matanda na sila ang magkatuluyan. Makukuha lang ni Irina ang bilyong-bilyong mana nito kung pakakasalan siya ni Mr. Ryder King. Paano kaya kapag nalaman ni Irina, na ang may-ari pala ng Diary ng XXX Celebrity ay ang suplado, bastos at mayabang niyang Boss CEO na si Ravi Lopez, pakakasalanan niya kaya ito? Kung payag man si Irina na pakasalan ito para sa bilyong-bilyong mana ni Lola Vicky, pumayag naman kaya si Ravi Lopez na pakasalan siya?
Romance
1030.3K viewsCompleted
Read
Add to library
One Night Mission

One Night Mission

pink_miller
Si Jaxson Alconez a.k.a. Agent Fang ang tinaguriang pinakamahusay na secret agent ng National Intelligence Agency (NIA). Wala pang misyon ang hindi niya napagtatagumpayan kaya ganoon na lamang kalaki ang tiwala sa kanya ng kanyang kinabibilangan na ahensya. Dahil dito, siya ang malimit na ipadala na kanilang ahensiya sa mga malalaki at napakahalagang mga misyon. Ngunit sa pagdating ng rookie agent ng Philippine Intelligence Agency (PIA) ay unti unti na nagkaroon ng iringan sa pagitan ng dalawang ahensiya. Bago pa lumaki ang away ay pumagitna na ang gobyerno at nagbigay sila ng magkaparehong misyon sa dalawang ahensiya. At kung sino man sa kanilang napiling agent ang makakatapos ng ibinigay na misyon ay ito ang kikilalanin na pinamagaling na intelligence agency sa Pilipinas. At katulad ng inaasahan, si Agent Fang ang siyang piniling ipadala ng NIA sa misyon na ito. Ngunit hindi inaasahan ni Agent Fang na sa gitna ng kanyang misyon ay makakatagpo niya ang isang misteryosang dalaga na agad pumukaw sa kanyang atensyon at puso. Sandali na nakalimutan niya ang kanyang misyon at sa halip ay buong init na pinagsaluhan nilang misteryosang babae ang isang hindi malilimutan at madamdaming gabi na magkasama. Sandali na iniwan ni Agent Fang ang natutulog na babae para tapusin ang kanyang misyon pero sa kanyang pagbalik ay wala na ito. Dahil sa hindi malilimutan na gabi ng kanyang misyon ay ilang beses na sinubukan ni Agent Fang na hanapin ang babaeng nagnakaw ng puso niya ngunit wala ito iniwang kahit anong bakas at pagkakakilanlan. Para bang ito na naglaho na parang isang bula. Gayun pa man ay walang balak na sumuko si Agent Fang. Gagawin niya ang lahat para mahanap muli ang misteyosang babae. Tinawag niya ito na 'One Night Mission'.
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Unofficially Yours

Unofficially Yours

“Sampung milyon. Magpapanggap ka lang na buntis ka na at fiancee kita sa buong tatlong buwan. Matutulungan kita, matutulungan mo ‘ko,” pakiusap ang certified f*ckboy ng taon na si Joaquin sa bestfriend nyang si Abby. She agreed straight away. Seeesh! So easy. Chicken feed! No big deal. Walang malisya. Halos parang nakikitira na rin sya sa penthouse ni Joaquín sa dami ng gamit nya. And so she convinces herself. Pero habang tumatagal, lalong nagiging kumportable para sa kanya ang penthouse nito at lalong lumalamig ang mga gabi tuwing mahihiga sya na nasa kabilang dulo ng malambot kama ang bestfriend. Paano nya kokontrolin ang damdaming noon pa gustong makawala? Paano nya lalabanan ang sinasabi ng isip nya bestfriend lang sya? Hanggang kailan nya kaya kayang panghawakan ang kanyang pagpapanggap?
Romance
107.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying the heartles billionaire

Marrying the heartles billionaire

Angel married the heartles billionaire para tulungan ito na makuha ang mana niya , ngunit hindi niya inaasahan na mahuhulog pala siya dito dahil sa paraan ng pakikitungo nito sa kaniya.Pero ng araw na iyon ay hindi niya nasabi Kay Lance ang totoo niyang nararamdaman dahil sa sulat na nakalagay sa kama nila "My job to you is done nakuha ko na ang mana ko at Wala na akong ibang kailangan pa makakabalik ka na sa dati mong buhay at kung inaakala mong mamahalin kita nagkakamali hinding hindi Kita minahal at kailanman,kapag Nakita pa Kita dyaan sa loob ng pamamahay ko mamayang gabi ako mismo ang kakaladkad sayo palabas" ang mga salitang iyon ang dumurog sa puso niya at ang dahilan ng pagkasira ng relasyon nilang dalawa
Romance
10152.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Runaway Bride: Captured by the Billionaire

Runaway Bride: Captured by the Billionaire

Tatlong taon siyang naging mabuting asawa. Pero sa gabi ng pinaka madilim na sikreto, natuklasan ni Zoe Salvador na hindi pala siya ang mahal ng asawa niyang si Elijah Alcantara, kundi ang hipag pa nito. Sa halip na umiyak, tumalikod siya. Iniwan ang lahat—ang kasal, ang sakit, ang taong minahal. At sa paglayo niya, nakilala niya ang lalaking tunay na handang tumindig para sa kanya. Si Luther Chavez. Isang bilyonaryong lalaki… at sa kanilang pagkikita, nagsimula ang bagong kabanata ng kanyang buhay. Ngayon, habang siya’y nagdadalang-tao, bumalik ang ex niyang lumuhod sa harap niya. Ngunit huli na. Dahil ang babaeng minsang iniwan, ngayon ay may bitbit na bagong buhay at sa isang lalaking handang ipaglaban siya. Ngunit may pag asa pa kayang bumalik ang dati nilang pagsasama?
Romance
165 viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

Isabela? Caroline? Patricia? Vivian? Nakasubsob si Enrique sa gitna ng puting satin sheet at tinitigan ang blonde na may umaagos na buhok na natutulog sa tabi niya, pero wala siyang ideya kung sino ang babaeng iyon... Na para sa kanya ay normal lang, dahil tuwing gabi ay iba ang babae. nakahiga sa kanyang kama. Si Enrique ay isang batang bilyonaryong CEO na palaging nasa kanyang mga kamay ang lahat ng gusto niya... Mga mansyon, magagarang sasakyan at maging ang mga babae. Ang malamig, sarado at ganap na brutis na lalaki ay namumuhay sa isang madilim at mapanglaw na buhay na sarado sa sarili niyang mundo, ang hindi niya inaasahan ay ang isang matamis na yaya na may magandang kalooban at mapang-akit na ngiti ay magpapabaligtad sa kanyang buong mundo.
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Don's Vow of Ashes

The Don's Vow of Ashes

Sa ilalim ng katahimikan ng Hacienda Cortez ay nag-aalab ang apoy ng kasalanan at paghihiganti. Matapos ang limang taon ng paglalakbay sa dilim, bumalik si Don Rafael Cortez, ang pinakabatang pinuno ng sindikatong Cortez, upang ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang kapatid. Ngunit sa kanyang pagbabalik, nakatadhana siyang makaharap ang anak ng kanyang kalaban—Selena Villafranca, ang babaeng may dugo ng kaaway at apoy ng pag-ibig sa kanyang mga mata. Ginawang bihag ni Rafael si Selena bilang kabayaran ng dugo. Ngunit sa bawat gabi ng katahimikan, unti-unting nagbabago ang hangin sa pagitan nila, mula sa galit tungo sa pagnanasa, at mula sa kasalanan tungo sa pagtubos. Sa gitna ng abo ng Hacienda Cortez, kailangan nilang pumili: pag-ibig na magpapalaya o sumpang magtatapos sa kanila.
Romance
191 viewsOngoing
Read
Add to library
My Ex-Husband's Heir

My Ex-Husband's Heir

Sa gabi ng salo-salo ay nakilala ni Lianne Zambrano si Ethan Lopez, ang gwapong bilyonaryo na kasintahan ng kanyang stepsister na si Mildred. Sa pag-asang makapaghiganti sa galit kay Mildred ay binalak ni Lia na agawin ang atensyon ni Ethan mula rito. Nagtagumpay si Lia sa kanyang plano at nauwi iyon sa isang kasalan. Sa kabila ng kanyang intensyon, pinakasalan siya ni Ethan dahil sa galit at hinangad nitong saktan ang kanyang damdamin bilang kapalit. Para kay Lia ay may hangganan ang kanyang pagtitiis. Dumating sa punto na siya na mismo ang sumuko at nagpasyang iwanan si Ethan, dala ang balita na siya ay nagdadalang-tao. Lingid sa kanyang kaalaman, hinahanap siya ni Ethan. Patuloy pa rin bang malilihim ni Lia rito ang kanyang tagapagmana?
Romance
1077.0K viewsCompleted
Show Reviews (51)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
noong una ko nabasa Sabi ko maganda pero nagtagal...Hindi ko magnets kung ano pinupinto ni Ms A...Akala ko malapit na mag end at umamin na SI Ethan Gago Kay Lia..pero bigla nag out of town pra sa business niya gumulo ulit..Hindi ko magnets Ms A kung ano pinupinto mo Dito masyado na siyang boring
Melody Brazil
worth to read tanggal ang stress mo once you read this story, nkka kilig na nkka inis dhil sa pagiging matigas ni Lia pero maiintindihan mo yung pinanggagalingan kung bakit hirap siya ibigay ang tiwala at kpatawaran kay Ethan inshort hndi siya marupok kudos sa author nto npakasipag mg update ...
Read All Reviews
Take my Hand and Choose me

Take my Hand and Choose me

Astria Equilla, Isang mabuting estudyante, anak, at kaibigan, Lumaking masunurin sa matatanda at magalang. Not until, Nang Engagement Day na, her fiancé na childhood friend nya ay tumakbo sa Engagement Ceremony at nagtanan kasama ang Girlfriend neto. She suddenly realized kung gaano kamali ang Desisyon nyang pumayag sa plano neto, Napatingin sya bigla sa lalaking nasa likodan nya na tahimik at mariing nakatitig lang din sakanya. Cairan Funtaveriá, step brother of her supposedly Fiancé and her ex-lover, a gloomy man na binabalot nang kadiliman ang mundo pero tulad nang gabi, may isang bituing nagpapaliwanag sa buhay nya and It was Astria, the fiancee of his step-brother. Sa pagpapanic dahil magsisimula na ang Ceremony, Hinatak ni Astria ang kamay ni Cairan papuntang entablado at sinimulan ang Engagement Ceremony. Ano kaya ang mangyayari sa dalawa matapos ang kaninang mga desisyon?
Romance
9.835.6K viewsOngoing
Read
Add to library
[Tagalog] In Her Shoes

[Tagalog] In Her Shoes

Alex Dane Lee
Si Lara ay isang babae na may malungkot na nakaraan at buhay. Wala siyang sariling pamilya, wala siyang sariling ipon, at nagsusumikap siya sa araw-araw para lang mabuhay. Limang taon na siyang nagtatrabaho bilang janitress sa isang sikat at prestihiyosong kumpanya sa bansa, ang Etoile Cosmetics. Ang kanyang pang-araw-araw na gawain ay ang gumising ng maaga sa umaga, pumasok sa trabaho, umuwi sa tinitirhang apartment, at magpalipas ng malungkot na gabi nang mag-isa. Nais niyang maging katulad ni Amanda Montserrat, isang maganda, mayaman at isang makapangyarihang babae na nagmamay-ari ng kumpanya na Etoile Cosmetics. At mukhang nagkatotoo ang kanyang kahilingan. Nang dahil sa isang malaking aksidente ay nabubuhay siya ngayon bilang si Amanda Montserrat at kailangan niyang mamuhay sa mundo nito hanggang sa makabalik siya sa kanyang sariling katawan! Pero paano niya gagawin iyon?
Romance
101.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1718192021
...
40
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status