Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hahamakin Ko ang Lahat

Hahamakin Ko ang Lahat

“Minsan, ang pinakamadilim na pagkabulag… ay ang pagkabulag sa pag-ibig.” Si Lorie Philip, ang nag-iisang tagapagmana ng Philip Empire, ay nawala ang lahat sa isang iglap. Isang aksidente ang kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang at nagdulot ng kanyang pagkabulag — iniwan siyang mag-isa, mahina, at umaasa lamang sa lalaking akala niya’y kanyang sandigan: si Jason Curry, ang asawa niyang ipinagkasundo sa kanya mula pagkabata. Ngunit ang pag-ibig na inakala niyang totoo, ay isa palang malupit na panlilinlang. Habang siya’y nabubuhay sa dilim, ginamit siya ni Jason upang makuha ang lahat ng ari-arian ng Philip family, habang palihim na nilalapastangan ang kanilang kasal kasama ang sekretarya nitong si Necy. Sa paningin ni Lorie, siya ay minamahal. Ngunit sa katotohanan, siya ay ginamit, pinagtawanan, at niloko. Hanggang sa isang araw, isang pagkadulas sa banyo ang nagbalik ng kanyang paningin at kasabay nito, ang katotohanang mas masakit pa sa pagkabulag. Nakita niya mismo ang kanyang asawa at sekretarya, naglalampungan sa study room, at mula sa bibig ni Jason, narinig ang mga salitang pumunit sa kanyang puso: “Hindi ko siya mahal. Kayamanan lang niya ang kailangan ko.” Ngunit ang mas mabigat na katotohanan, ang aksidenteng pumatay sa kanyang mga magulang ay hindi aksidente, kundi isang maingat na plano ng pamilya Curry. Sa gitna ng luha at galit, nanumpa si Lorie: “Pagbabayarin ko kayo sa lahat ng ginawa n’yo sa akin.” Sa tulong ng isang matalino at misteryosong private investigator na si Fernan James, unti-unti niyang binuo ang kanyang lakas upang bawiin ang lahat — kayamanan, hustisya, at dignidad. Ngunit habang lumalalim ang imbestigasyon, unti-unting nagigising ang damdamin niyang matagal nang natulog. Pag-ibig ba o hustisya ang pipiliin niya? At handa ba siyang magmahal muli sa lalaking handang ipaglaban siya, kahit kapalit ay buhay niya?
101.9K viewsCompletedAdded to Library 58 Times as galactic empire
Read
+Library
Taming The Ruthless Mafia King

Taming The Ruthless Mafia King

Sa mundong pinaghaharian ng kapangyarihan, pera, at takot, walang puwang ang isang tulad ni Katarina Monteiro. Isa lamang siyang mababang antas ng tagapaglingkod sa Kingswell Empire. Lumaki sa kahirapan, hindi nakapagtapos ng pag-aaral, at araw-araw na nakakaranas ng pangmamaliit mula sa mga taong mas mataas ang estado sa buhay. Ngunit sa kabila nito, hindi kailanman yumuko si Katarina. Matapang, palaban, at handang lumaban para sa kanyang dignidad. Ang hindi niya alam, isang tao ang bigla na lang papasok sa buhay niya. Si Lucien Kingswell. Ang nag-iisang Mafia King ng Prime Dominion. Isang lalaking kinatatakutan ng buong bansa. Isang lalaking kayang magpabagsak ng mga makapangyarihang tao sa isang utos lamang. Malamig, walang awa, at walang interes sa pag-ibig. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, isang simpleng banggaan sa loob ng mansyon ang naging simula ng isang koneksyong hindi nila pareho maipaliwanag. Habang unti-unting nahuhulog si Katarina sa madilim na mundo ng mga Kingswell, natutuklasan niya ang mga lihim na matagal nang itinago ng pamilya. Kasabay nito ang pagdami ng mga kaaway na gustong gamitin siya upang pabagsakin ang Mafia King. At nang ialok ni Selene Kingswell kay Katarina ang isang posisyon bilang undercover operative ng Kingswell Empire, napilitan siyang pumili. Manatiling isang hamak na tagapaglingkod o tanggapin ang pagkakataong baguhin ang kanyang buhay kapalit ng pagpasok sa mundong puno ng panganib, kasinungalingan, at dugo. Ngunit habang lumalalim ang kanilang pagsasama, isang mas malaking problema ang unti-unting nabubuo. Dahil sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, may isang taong naging kahinaan si Lucien Kingswell. At para sa isang Mafia King, ang pagkakaroon ng kahinaan ay maaaring maging dahilan ng kanyang pagbagsak. Sa pagitan ng kapangyarihan at pag-ibig, paghihiganti at katapatan, hanggang saan ang kayang isugal ng isang hari para sa babaeng hindi niya kailanman inaasahang mamahalin?
19 viewsOngoing
Read
+Library
SCALPEL'S KISS

SCALPEL'S KISS

Ang pag-ibig ay isang laro na puno ng hiwaga at roller coaster. Si Champagne Miranda, ang nag-iisang anak ng bilyonaryo at tagapagmana ng Miranda Empire, na nagmamay-ari ng sikat na restaurant chain at pastry outlet sa buong bansa. Si Champagne ay isang dalaga, napabayaan sa kusina ngunit pinalaki ng mag-asawang Mercy at Herbert, mga bilyonaryo at sikat na chef. 5 years niyang crush si Stephan, ang anak ng kanilang driver, at ang kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa likod ng matatamis na ngiti at force marriage, isang masakit na lihim ang unti-unting sumira sa kanyang puso. Natikman ni Champagne ang pinakamatinding sakit – pagtataksil mula sa lalaking pinakaminahal niya. Sa kanilang mismong tahanan, nakita niyang pinaglalaruan siya ng asawang si Stephan at ang kabit nitong si Pia Vasquez. Ang tagpong iyon ang nagbukas ng sugat na hindi lamang tumagos sa kanyang puso kundi nagdulot ng trahedyang nawala sa kanya ang pinakamahalagang bagay sa kanyang buhay – ang kanyang anak. Sa gitna ng dilim, isang estranghero ang naging sagot sa kanyang panalangin. Si Vash Delos Santos, isang tall, dark, and handsome billionaire at isang cosmetic surgeon na may-ari ng Vlash Aesthetic, sikat na cosmetic surgery clinic sa Bangkok at sa Pilipinas. Isang makapangyarihan at magiting na cosmetic surgeon ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong bumangon mula sa pagkakadapa. Sa tulong ni Vash, hindi lamang muling nabuo ang kanyang pagkatao – nabago rin ang kanyang anyo. Ngayon, si Champagne ay hindi na ang mahina at inosenteng babaeng minsang minanipula ng kasinungalingan. Siya ay naging isang matatag, makapangyarihan, at kaakit-akit na reyna, handang harapin ang kanyang mga kaaway. Ngunit sa kanyang puso, may nananatiling tanong: sa paghihiganti ba siya tunay na makakatagpo ng kapayapaan? O sa piling ni Vash, ang lalaking nagbigay ng liwanag sa kanyang madilim na kahapon, siya ay matututo ulit magmahal?
103.0K viewsCompletedAdded to Library 101 Times as galactic empire
Read
+Library
PREV
1
...
67891011
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status