Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Bachelor's maid

The Bachelor's maid

Dahil sa utang ng nanay ni Alexa kay Madam Elsa, in-alok nito ang kaniyang serbisyo na maging katulong ng mga Buenavista. Hindi tatanggap ng sweldo dahil ang magiging sweldo n'ya ay bayad sa utang ng nanay n'ya kay Madam Elsa. Sa pagiging katulong ni Alexa kila Madam Elsa. Makilala n'ya si Karlos na bunsong anak ni Madam Elsa. Naging mabait si Karlos sa kaniya hanggang sa nahulog ang loob nito dito. Pero alam n'yang mali. Dahil si Karlos ay ultimate crush ng bestfriend n'yang si Pia. Sa paglipas ng mga panahon, naging malapit sa isa't isa ang dalawa hanggang sa may nangyari sa kanila isang gabi na pinagsisihan ni Alexa. Nagbunga ang gabi na kanilang pagsasama. Nalaman nalang ni Alexa na buntis ito at nasisigurado n'ya na si Karlos ang ama. Hanggang sa pinagtapat n'ya kay Karlos at narinig ni Madam na nagalit sa kaniya dahil nagpabuntis itong si Alexa sa anak n'ya. Pero kalaunan tinanggap naman ni Madam Elsa si Alexa sa bahay nila. Ang akala ni Alexa mabait si madam sa kaniya. Pero nagkakamali siya. Dahil may masamang binabalak ang dating amo sa kaniya na kasabwat nito ang anak n'yang si Karlos. Naging miserable ang magiging buhay ni Alexa sa ginawa sa kaniya nila Madam Elsa at ng anak nito. Makakaya ba ni Alexa ang lahat o maghihiganti siya sa mag-inang ito? Hanggang saan ang kayang ipaglaban ng dating katulong sa amo nito?
Romance
16.7K viewsCompleted
Read
Add to library
EXPLICIT LOVE: THE FORBIDDEN AFFAIR WITH BILLIONAIRE DON

EXPLICIT LOVE: THE FORBIDDEN AFFAIR WITH BILLIONAIRE DON

Ang istoryang ito ay ang Book 2 ng Ofw Wife of A Billionaire. Si Louisse Nicolas ay napilitang maglayas sa puder ng kaniyang mga magulang dahil sa halos araw-araw nitong pagbabangayan dahil sa pagka-lulong ng kaniyang ama dahil sa sugal. Dahil dito napilitan si Louisse na mamasukan bilang cleaner sa isang Motel sa Malate. Nang dahil sa isang pagkakamali ay nalagay sa panganib ang kaniyang sarili dahil sa isang bagay na hindi niya dapat makita. At iyon ay ang pagtatalik ng isa sa mayaman at maipluwensyamg tao na si Lester Duavit sa isang babae na ngayon lang niya nakita sa buong buhay niya. Lingid sa kaalaman ni Louisse na dahil dito ay pagtatangkaan ni Lester ang katahimikan ang kaniyang buhay, ngunit sa kasamaang palad ay pumalpak ang plano ni Lester at nabuhay si Louisse. Tila pumapabor naman kay Louisse ang ikot ng mundo ng madampot at matulungan siya ni Anthony Eduardo. Ang Don sa Malate. Ang lalaking tinitingala ng lahat. Anong mangyayari kung sa paggising niya ay malaman niyang si Lester na nagtangkang pumatay sa kanya ay ang nakababatang step-brother ni Anthony at ang babaeng binabayo ni Lester ay walang iba kundi ang fiancee ni Anthony. Hanggang kailan nila maitatago ang kanilang pagtataksil sa kaniyang boss/step-brother? Paano kung malaman niya na ang kaniyang kanang kamay at pinagkakatiwalaan niya ay step brother pala niya? Hanggang saan ang kayang ibigay ni Louisse kay Anthony kung umamin itong hulog na siya sa dalaga?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Melancholic Wife

Melancholic Wife

Puno ng pagdadalamhati si Jenissa Reillen Sarosa-Bennett matapos siyang tangkaing patayin ng mismong asawa niya at ng kaniyang matalik na kaibigan. Nawala sa kaniya ang kaniyang supling kaya ay puno ng galit ang puso niya at ang hangad nito ay ang makapaghiganti sa mga tumaksil sa kaniya. Sa kaniyang muling pag-bangon ay layunin niyang iparanas sa asawa niya at sa kalaguyo nito ang impiyernong minsan niyang naranasan sa mga kamay nila. Wala siyang ibang hangad kun'di makamtan ang hustisya na nararapat lamang para sa kaniya at sa anak niyang nawala. Matutupad kaya ang nais niyang makapag-higanti? Paano kung ang paghihiganting ito ang maging tulay upang matuklasan niya ang katotohanang gugulantang sa kaniyang natutulog na isipan?
Romance
1014.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Si Alexandria Saavedra— Maangas. Basagulera. Walang trabaho. May bisyo. Matigas pa sa adobe ang puso. Higit sa lahat, galit sa mundo. Lalo na sa sariling amang ginamit lamang siya para sa pansariling pangangailangan... Hanggang ang magulo niyang mundo ay binulabog ni Heiz Mikael. Isang binatang basta na lamang sumusulpot sa t'wing nasa panganib ang kanyang buhay. Sa pagdating ni Heinz sa kanyang buhay, 'di inaasahan ni Alexandria na pati na ang nananahimik niyang puso ay ginulo ng binatang ito. . . Sa unang pagkakataon, ang pusong niyang kasintigas ng adobe ay napalambot nito. Subalit isang araw, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya ang totoong dahilan nang biglang pagsulpot nito sa kaniyang buhay...
Romance
1025.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Call Me, Kuya!

Call Me, Kuya!

Nag-iisa niyang tinaguyod ni Unique ang kanyang pamilya kaya bukod sa pagtitinda ng balut sa gabi ay naisip niya na magtrabaho bilang secretary sa malaking building na naghahanap ng secretary, dahil confidence siya na matatanggap siya sa trabaho dahil nakapagtapos naman siya ng highschool. Pero sa pag-apply niya ng trabaho at sa pag-aakala ni Unique na natanggap ito bilang sekretarya ang maging trabaho niya pero iyon pala ay magpanggap si Unique na anak sa nagmamay-ari ng building na tinatrabahuan nito. Kaya niya bang tanggapin ang alok nito kapalit ng malaking halaga para sa kanyang pamilya? Hanggang kailan ang kaya niyang magpanggap kung sa kabila ng lahat may nararamdaman na siya na pag-ibig sa anak ng kanyang tinuturing na magulang?
Romance
8.826.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Nawawalang Bilyonarya

Ang Nawawalang Bilyonarya

Sa kahirapan ng buhay ay namulat ang isang bilyonaryang si Glory Belle Padilla Arevallo. Noon ay wala pang kaalam-alam ang babae sa totoo niyang pagkatao at sa tunay niyang mga magulang. Lumaki siya sa pamilyang puno ng pagkukunwari. Lingid sa kaalaman niya, binalak ng tumayong magulang niya'ng ibenta siya sa bahay-aliwan para maging bayaran at maruming uri ng babae. Iyon daw ay para mabayaran niya ang mga sakripsisyo ng pamilya sa pagpapalaki sa kaniya. Wala nang nagawa si Glory Belle sa naging plano ng mag-asawa. Sa kaunting halaga ay nagawa siyang ipagpalit ng mga ito nang ganoon kadali. Ang masaklap pa, hindi nga siya naibenta bilang babaeng nagbibigay ng aliw pero mas higit pa roon ang kinasasadlakan niya-- ang maikasal sa isang lalaking hindi niya at mahal na isang matandang halos dalawampung taon ang tanda sa kaniya---si Samson Aguirre na isa nang biyudo, kilala sa lipunan at mula sa mayamang angkan! May isang anak na lalaki ang matanda na nangangalang si Loid Xavier Favila Aguirre. Ang inaasahang pilegro ni Glory Belle/ Yzza sa kamay ni DOn Samson ay mas malala pa pala sa inaasahan niya! Ayaw kasi ng binata na ikasal ang Dad niya o may pumalit sa namayapang ina nito. Ginawa ng binata ang lahat para siraan siya sa Dad nito at dumihan ang pangalan niya. Paano kung ang pagnanais ni Loid na hindi maikasal siya sa Dad nito ay may mas malalim pang dahilan? Paano kung this time, si Loid na mismo ang gustong mapasakaniya ang babae? Paano nga ba ni Glory Belle haharapin ang katotohanang ampon lamang siya ng kaniyang Itay Ramon at Inay Miriam at ang solong dahilan kung bakit gusto siyang ipakasal sa DOn ay dahil din sa kaniyang pagkatao? Paano mahahanap ng isang nawawalang bilyonaryang ang daan pauwi sa mga totoong nagmamahal sa kaniya?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Play-Off

The Billionaire's Play-Off

Rhenkakoi
Si Joanna Rissa Lico, nawala sa kaniya ang lahat dahil sa panloloko ng kaniyang boyfriend. Kinuha na nito lahat ng yaman niya, pati mukha niya ay sinunog nito. Dahil sa pinagdaanan ni Joanna na dumurog sa puso niya ay binalak niyang magpakamatay pero hindi 'yun natuloy dahil kay Marvin Guevarra, isang gwapong bilyonaryo na masungit at walang modo para kay Joanna. Inalok siya ni Marvin na tutulungan siya nito sa paghihiganti sa dating nobyo ni Joanna sa pamamagitan ng isang kasal, wala man naibigay na dahilan ng pagtulong ay kinuha ni Joanna ang pagkakataon na 'yun upang makapaghiganti sa dati niyang nobyo. Pero paano kung sa paglipas ng mga araw ay biglang makipaglaro si Marvin kay Joanna na mahuhulog ito sa kaniya, mapigilan kaya ni Joanna ang kaninyang nararamdaman upang manalo sa larong inumpisahan ni Marvin? Maging totoo kaya ang larong ginawa nila?
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Female Boss

My Female Boss

Jhuke
Mula sa mayamang angkan si Gladyz siya na ang namamahala sa mga kompanyang naitatag ng kanyang ama. Nag-iisang anak at nakukuha nyang lahat ng gusto sa isang senyas lang ng kanyang daliri. Pero hindi lahat ng pagkakataon ay umaayon sa kanya lalong-lalo na pagdating sa pag-ibig. Minsan na siyang nasaktan sa una nyang relasyon minahal nya ng husto si Jake pero nagawa siya nitong lokohin at ipagpalit sa ibang babae. Hindi nya alam kung paano magtiwala ulit sa isang lalake dahil tingin nya lahat ng lalake ay manloloko. Ayaw na nyang sumugal at magtiwalang muli sa mga lalake dahil sa sakit na kanyang naranasan. Pero nagbago ang lahat ng makilala nya si Adrian isang simpleng tao, gwapo, magino pero medyo bastos..Nagtatrabaho ito sa kanya bilang isang assistant.
Romance
103.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Palitan ang Tadhana, Bagong Simula

Palitan ang Tadhana, Bagong Simula

Sa mismong araw ng aming kasal, ang childhood sweetheart ni Hansel Lennox na si Nara Sullivan, ay nagbantang tatalon mula sa isang gusali. Hindi niya ito pinansin at itinuloy ang kasal. Ngunit nang talagang tumalon si Nara, saka siya nag-panic. Simula noon, palagi na siyang pumupunta sa simbahan, unti-unting naging isang deboto. Pinipilit pa niya akong bigkasin ang mga banal na kasulatan at lumuhod habang nagdarasal—lahat sa ngalan ng pagsisisi sa aking mga kasalanan. Dahil sa kanya, nawala ang aking anak. Sa araw na nakunan ako, gusto ko nang makipag-divorce. Ngunit sinabi niyang pareho naming pinagkakautangan si Nara, kaya dapat kaming magsisi nang magkasama. Ginamit niya ang aking pamilya upang takutin ako at panatilihin sa kanyang piling. Inaksaya ko ang buong buhay ko para sa kanya. Ngunit pagmulat ko ng aking mga mata, bumalik ako sa mismong araw ng aming kasal. Sa pagkakataong ito, ako mismo ang magtutulak kay Hansel kay Nara. Ako naman ang magpapahirap sa kaniya.
Short Story · Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Luna Rossa

Luna Rossa

Tan Jiro Alvez
Payapang namumuhay si Dea kasama ang kaniyang pamilya sa isang kagubatang malayo sa sentro ng Malefica-ang kaharian ng mga mangkukulam. Ilang taon na silang naninirahan dito upang makaiwas sa namumuong sigalot sa pagitan ng mga kauri niyang mangkukulam at bampira. Ngunit isang madaling araw, isang halimaw ang umatake sa kanilang tirahan at walang awang pinaslang nito ang kaniyang ina at nakatatandang kapatid na babae. Hindi pa nakuntento ang halimaw at ginawaran ng isang sumpa ang kaniyang bunsong kapatid. Naging isang mabangis na halimaw ang kaniyang kapatid at halos hindi na makilala pa dahil sa pagbabagong anyo nito. Sa araw ding iyon, nagtagpo ang landas ni Dea at ang reyna ng mga mangkukulam. Sinabi nito sa kaniyang isang bampira ang halimaw na lumusob sa kanilang tahanan at ang may kagagawan sa lahat ng kaguluhang nangyayari sa buong Malefica. Ang pangalan ng bampirang ito ay Trevor Hemlock. Namuo ang matinding galit sa puso ni Dea at nangakong ipaghihiganti ang sinapit ng kaniyang pamilya.
105.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3637383940
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status