Mayor Ishmael (SPG)
Anim na taong gulang si Jae-young nang magkahiwalay sila ng kakambal niya dahil sa paghihiwalay ng kanilang ama’t ina. Si Jae-young De Paz, kasi ang isinama ng Itay niya dahil pinili ng Inay niya ang kakambal niyang si Jelay.
After seventeen years, muli silang nagkatagpo na magkapatid dahil lang pala may pakay ang kakambal ni Jae-young sa kaniya.
“Okay ka lang, Jelay? Uutusan mo akong magpanggap na mag-ina kami ng anak mo sa ama ng pamangkin ko na si Ishmael Martinez, kahit na ni hindi ko nga kilala ang lalaking sinasabi mo? Akala ko pa naman kaya mo ako pinahanap dahil gusto mong makasama mo ako bilang kapatid at kakambal mo.”
“Sige na Jae. Ilang ulit na akong nagpakilala sa kaniya ngunit hindi siya naniwala sa ‘kin. Wala raw siyang maalalang may nangyari sa ‘min kaya paano raw kami nagkaanak.”
“Jelay, mag-da-dalawang taon na ang pamangkin ko pero ngayon mo lang naisip ito?”
“Isang taon na lang mawawala na ako sa mundo. Gusto ko bago ako mawala, kilalanin muna ang anak ko ni Ishmael Martinez—”
“M-may sakit ka?”
“Oo Jae. Please? Pumayag ka na. Ayaw kong maiwan na mag-isa ang anak ko.”
“S-saan ko ba matatagpuan si Mayor Ishmael Martinez?”