Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The World of A Marriage Life

The World of A Marriage Life

Walang mapagsidlan ng saya ang puso ni Nieves Solanna o mas kilala sa pangalan na Snow nang maikasal siya sa pinakamamahal niyang lalaki na si Dalton Travis Donavan. Simula pagkabata ay wala na siyang ibang hiniling at pinangarap pa kundi ang maikasal kay Dalton. Anak ito ng Tito Gilbert niya, isa sa mga matalik na kaibigan ng Papa niya at nang marinig niya na hinihingi nito ang kanyang kamay para sa isang kasal ay walang pag-aalinlangan siyang pumayag. Kahit na alam niyang ang tanging dahilan lamang nito ay para sa family business nila. Forced into a marriage to merge their family business, Dalton Travis Donavan found himself falling in love with his wife. Mabait, mapagmahal at maalaga ang kanyang naging asawa kaya naging madali para sa kanya na masuklian ang pagmamahal na ibinibigay ni Snow sa kanya. Pero kakasimula pa lang nilang dalawang mag-asawa nang muling bumalik ng bansa ang isang babaeng minsan na rin niyang minahal. Walang iba kundi si Samantha Perez. Tinukso at inakit nang dating kasintahan kaya nagawa niyang pagtaksilan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin at tanggapin siya. "NILOKO MO AKO! AKO NA WALANG IBANG GINAWA KUNDI ANG MAHALIN KA! IKAW ANG UNANG SUMIRA SA PAGSASAMA NATING DALAWA! ANG SAKIT NA IBINIGAY MO SA AKIN ANG SIYANG NAGING DAHILAN PARA KAMUHIAN AT GANTIHAN KITA!" malakas na sigaw ni Snow sa asawang si Dalton habang puno ng mga luha ang kanyang buong mukha. "Oo, inaamin kong nagkamali ako. Pero hindi sapat 'yon para gantihan mo ako, Snow! Nag-iba ka na, at alam kong ako ang may kasalanan sa lahat nang ito," puno ng pait na sagot ni Dalton. Kaya pa kayang ibalik muli ang dating matamis na pagmamahalan? Kung nakaukit na sa buong puso at utak nila ang sakit at pagtataksil sa isa't isa.
101.2K viewsOngoingAdded to Library 42 Times as kasalanan english
Read
+Library
Love you still

Love you still

Meowpyyyyy
Love makes the world go round, sabi nila. Pero iba para kay Alexena dahil pinatigil nito ang isang bahagi ng buhay at pagkatao niya. Kahit na dala ang sakit ng kahapon ay pinili niyang mag-move forward at ngumiting muli upang ipagpatuloy ang buhay. Ngunit pagkatapos umalis nang walang paalam makalipas ang ilang taon ay hindi niya kailanman inakalang maglalaro ang tadhana at pagtatagpuing muli ang kanilang landas ng nag-iisang lalaki na kanyang minahal at iniwan sa nakaraan. Pero nagbago na ito, wala na ang bakas ng pagkatao ng lalaking kanyang nakasama noon. Wala na ni anino ng suyo kapag tinatapunan siya nito ng tingin at lambing sa tinig kapag kinakausap siya. Sa halip ay puro pang-iinsulto at masasakit na salita na lamang ang lumalabas sa bibig nito sa tuwing bubuka iyon. At ang nakakaloka pa ay napapansin niya na palagi na lang siya nitong pinag-iinitan at pinepersonal. Palagi ring iritado at akala mo ba ay may buwanang dalaw sa sungit. Aminado naman siyang may malaki siyang kasalanan dito. At mukhang dumating na rin ang panahon ng paniningil nito, ayaw man niya ay kailangan niyang magbayad. Ngunit sa kabila ng mga iringan nilang dalawa at hindi pagkakasundo ay hindi maikakailang ito pa rin ang nag-iisang tao na may kakayahang patibukin nang mabilis ang puso niya. Akala niya ay okay na siya, akala niya ay naka-move on na siya rito. Pero mukhang mali ang lahat ng naging paniniwala niya dahil tutol man ang isip niya sa kanyang nararamdaman ay sadya namang may pagkatraydor, suwail at balimbing ang puso niya basta pagdating na rito ang usapan. Love is sweeter the second time around, maging applicable naman kaya ang kasabihang iyon sa dalawang ito? O sa halip na maging matamis ay baka naman pait ang malasahan at maging kapalaran ng mga ito sa dulo?
2.5K viewsOngoingAdded to Library 67 Times as kasalanan english
Read
+Library
The Cripple Ballerina: Escaping The Billionaire’s Heartless

The Cripple Ballerina: Escaping The Billionaire’s Heartless

It's Byenn and Alaric's 5th wedding anniversary when Alaric's first love came back. At noong gabing iyon, aksidenteng nahuli ni Byenn si Alaric sa loob ng banyo, minamasturbate ang sarili habang binabanggit ang pangalan ng ibang babae. "Byenn, nakakaawa si Reia ngayong bumalik siyang mag-isa," paliwanag ni Alaric. "Tinutulungan ko lang siya bilang kaibigan." Tumango lang si Byenn at tipid na ngumiti. "Naiintindihan ko," maikli niyang sagot. Makalipas ang ilang araw, muling nagpaalam ang lalaki habang nag-eempake ng gamit. “Byenn, nangako ako kay Reia na ice-celebrate ko ang birthday niya sa isla. Tinutupad ko lang ang pangako ko noon.” "Okay.” "Byenn, this party needs a capable assistant," hirit ulit ni Alaric bago ang isang malaking event, tila minamaliit ang kakayahan ng asawa. "Mas bagay si Reia kaysa sa iyo para sa role na ito." "Okay, go ahead." Nang mapansin ni Alaric na hindi na siya nagagalit, hindi na umiiyak, at hindi na naggagawa ng eksena, naguluhan ito. Lumapit ito sa kaniya at nagtatakang nagtanong, "Byenn, bakit hindi ka na nagagalit?" Of course, hindi na siya galit dahil aalis na rin siya. Pagod na siya sa stagnant nilang kasal. Habang abala si Alaric kay Reia ay palihim siyang nag-aral ng English saka kumuha ng IELTS, at pasimpleng nag-submit ng applications para mag-aral abroad. On the day her visa was approved, she threw out the divorce papers. "Huwag kang magbiro nang ganyan," sarkastikong tawa ni Alaric habang tinitingnan ang papel. "Paano ka mabubuhay nang wala ako?" Hindi na nag-abalang sumagot si Byenn. She just turned around, bought a plane ticket, and flew straight to Europe. The next time Alaric saw news about her, it was through a viral video online. Kitang-kita ang ganda ni Byenn habang naka-red dress, dancing freely in the sky above a foreign land. She looked so alive.
125 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as kasalanan english
Read
+Library
I Accidentally Got Married With A Mafia Boss

I Accidentally Got Married With A Mafia Boss

Maisie Schneider
Galing ako sa mayamang pamilya. Pero hinde ko ikinasaya ang maging mayaman. Alam nyo kung bakit?. Basahin nyo ang bawat chapters at malalaman nyo ang sagot dyan. Isa lang akong medyo madaldal and medyo tamad mag basa and sweet and mapang asar na girl hihi. Oo medyo lang kaya wag kang umangal baka sampingilin kita tsk!!. Joke lang hehe. Isama na din natin ang pagka pilosopi ko hehe. At medyo lutang din. Medyo malambot din ulo ko!!. Nag sasabi lang ako ng ugali ko. Nag aaral ako sa isang unibersidad na nag ngangalang SCU(south campus university) I'm 19y/o naka tira sa lupa hehe. Char lang. * At merong hinde ko inaasahang mangyari sa buhay ko as in talaga. Kinasal ako nang hinde ko alam. Dahil nga sa tamad akong mag basa kaya pirma na lang ng pirma ng kung ano anong documents. At ito ang napala ko. Aksidenteng naikasal ako sa isang business man or tawagin nadin natin siyang CEO. Na masungit. Medyo lang hah!!. At meron din naman syang ka sweetan minsan mwehehe. Sa totoo lang talaga random yung reaction nya. At ito yun!. Angry. Sad. Happy.(minsan nga lang pag nasa mood sya) Hayst tagalugen nalang natin. Alam kong nahihirapan mag english si author. Right author?. (A/n: Tama ka, kaya wag mokong pahihirapan dito!! ) Oh wag nagagalit author baka high bloodin ka nyan eh haha. (A/n: oks lang yan mahaba haba pa naman pasensya ko sayo!!) Ang OA mo author haha!!. Okay. Balik tayo sa sinasabi ko ayaw kong ma istress si author baka hinde nya matuloy tong kwento ko eh huhu. * So ayun na pala lahat ng reaction nya wala na palang iba hehe. * At alam nyo bang hinde lang sya basta basta isang business man!!. Isa din syang...... Isa..... Syang..... Halaaaaaa...... MAFIA BOSS!!
102.1K viewsOngoingAdded to Library 44 Times as kasalanan english
Read
+Library
PREV
1
...
8910111213
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status