My Daughter's Doctor is my Ex Lover
Dinala ni Naomi Mendoza ang kanyang anak sa ospital para sa isang consultation. Ngunit tila pinaglalaruan siya ng tadhana dhil ang attending physician ay ang ex boyfriend niya.
Sa loob ng pitong taon, binago na ni Naomi ang kanyang pangalan, tinakasan niya ang nakaraan, at mula sa pagiging chubby na babae ay isa na siyang sexy at charming. Hindi siya nakilala ng lalaki at lalong hindi nito alam na nagkaroon sila ng anak.
Hinawakan ng kanyang anak ang kamay niya at mahinang nagtanong, “Mommy, bakit ka umiiyak?”
Hindi nakasagot si Naomi. Ang tanging gusto niya ay tumalikod at tumakbo palayo.
Pitong taon na ang nakararaan, si Naomi ang naging tampulan ng tukso sa St. Aurelius University nang lihim siyang maging girlfriend ng school heartthrob na si Cormac Lagdameo.
Inakala niyang tunay ang pagmamahal nito sa kaniya hanggang sa winasak ng malamig na tinig nito ang kanyang puso. “It’s just for fun. I’m going abroad soon.”
Naomi ended that bitter love.
Ngayon, muling pinagtagpo sila ng tadhana. Pilit na lumalayo si Naomi, ngunit hindi siya pinakawalan ni Cormac. Ginamit nito ang kapangyarihan, at kayamanan upang muling itali siya sa mundo ng lalaki.
"Dr. Lagdameo, may asawa na ako."
Sa loob ng marangyang Maybach, mahigpit na hinawakan ng lalaki ang kanyang baywang bago siya mariing hinalikan.
“Naomi, let me be your lover. I’m richer, younger, and I’ll give you a better experience than him.”
Seven years ago, she was his secret girlfriend. Now, he’s begging to be her lover.