The Mafia Series: Laxus Morgan
Sa mundong pinatatakbo ng digital codes at madugong transaksyon, si Laxus ang hari. Isang makapangyarihang CEO sa umaga, at isang malupit na Mafia Boss sa gabi.
He is the powerful Mafia Boss of the London clan, bagama’t may lahi siyang Pilipino at lumaki dito sa pinas.
Hawak niya ang lahat—yaman, koneksyon, at ang buhay ng sinumang babangga sa kanya."
Ngunit may isang 'system' siyang hindi kayang kontrolin nang buo: si Amara."
Si Amara ang henyo sa likod ng mga firewall ni Laxus.
Bilang kanyang Elite Hacker at Personal Developer, siya ang nakakakita sa lahat ng duming ibinaon ni Laxus sa ilalim ng mga encrypted files. She holds the 'Kill Switch'—ang mga impormasyong sapat upang maipakulong ang kanyang boss habambuhay.
Gusto nang tumakas ni Amara. Gusto na niyang iwan ang madilim na mundong ito. Ngunit sa ilalim ng kumpas ni Laxus, ang pag-alis ay katumbas ng pagtataksil. At sa mundo ng Mafia, ang pagtataksil ay binabayaran ng dugo.
Gagamitin ni Laxus ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang panatilihin ang dalaga sa loob ng kanyang 'Golden Cage.' Pero habang sinusubukan ni Amara na i-bypass ang puso ng kanyang boss, unti-unti siyang nahuhulog sa bitag ng isang lalaking handang pumatay—at handang mamatay—para lamang manatili siya sa tabi nito.
Sino ang unang bibigay? Ang babaeng may hawak ng ebidensyang makakasira sa kanya, o ang lalakeng handang sunugin ang mundo para lang sa kanya?