Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
LIFE FULL OF LIES

LIFE FULL OF LIES

Precious_Wannabee
Para sa mga taong, minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, sa mga taong minsan ng nagpalaya para sa ikabubuti ng lahat.Ito ay kwento ng isang teenage girl na minsan ng nakalimot sa kaniyang nakaraan. Ikinasal sa kababatang lalaki, sa edad na labing siyam. Makikilala niyang muli ang lalaking minsan ng nagkaroon ng malaking parte, sa kaniyang nakaraan. Mapapalapit muli ito sa pangalawang pagkakataon, na siya namang pag-iiba ng pakikitungo at trato sa kaniya ng naturang asawa.Darating ang panahon na malalaman at maalala niyang muli ang nakaraan. Gustuhin man niyang magalit at kamuhian ang mga taong malapit sa kaniya, dahil mistulang pinaglaruan siya ni kapalaran. Napunta siya sa taong minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, napalapit siyang muli sa taong minsan na niyang minahal at ipinaglaban.Pilitin man niyang talikuran ang lahat, at kalimutan ang nakaraan, ngunit pipiliin niya paring yakapin at harapin ang kasalukuyan, sa ngalan ng pag-ibig, sa huli mananaig padin ang pagmamahal at pagpapatawad.
21.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Running Away from the Villainous CEO

Running Away from the Villainous CEO

Akala ni Ellaine ay katapusan na niya nang mabangga ng isang malaking truck ang sinasakyan niyang kotse. Laking-gulat na lamang niya nang sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa isang madilim na siyang kuwarto... sa kama ng isang hindi niya kilalang lalaki. Akala rin niya ay iyon na ang pinaka-wild na nangyari sa kanya pero hindi pa pala. Mas wild pa pala nang ma-realize niyang napunta siya sa loob ng romance novel na huli niyang nabasa bago siya namatay. Ang masaklap... ang kasalukuyan niyang katauhan ay hindi ang Female Lead, hindi rin ang kontrabidang babae, maski ang secondary character na bestfriend ng Female Lead ay hindi pa rin siya. Siya lang naman ay isang cannon fodder character na hindi man lang naabutan ang simula ng main plotline! May mas masaklap pa pala... ang lalaking nakaniig niya nang unang gabing napunta siya sa loob ng nobela ay walang iba kundi ang Main Villain– ang big boss ng mga big boss ng mga kontrabidang hadlang sa buhay ng Male at Female Lead! Ano na lang ang mangyayari sa kanya kapag nalaman ng malupit na Big Villain na iyon ang nangyari sa kanila? Sigurado siyang hindi na talaga siya aabutan ng pagsisimula ng main plotline kung mananatili siya kaya napagpasyahan na lang niyang tumakas at mangibang bansa. Wala nga lang sa mga plano niya ang sorpresang iniwan sa kanya ng unang gabing iyon.
Romance
4.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Babysitting The Ruthless Billionaire's Son

Babysitting The Ruthless Billionaire's Son

Mag-a-apply sana si Giselle bilang Domestic Helper sa Saudi Arabia. Pero pagdating niya sa Maynila, nadukutan siya, nawala ang mga papeles pati na rin ang perang inipon ng kanyang ama. Dahil insidenteng iyon, napadpad siya sa puder ni Raul Montoya—isang single dad na ubod ng gwapo, matipuno, at mayamang negosyante, ngunit ubod nga lang din ng sungit at palaging iritado. Magtatrabaho siya rito bilang nanny ng anak nito. Unang araw pa lang niya sa trabaho, naranasan na niya ang hagupit ng sama ng ugali nito. Tila ang init ng dugo nito sa kanya at mas lumala pa ito sa mga sumunod pang mga araw hanggang sa natuto siyang lumaban dito, dahilan para mas lalo itong magalit sa kanya. Ngunit hindi mapaalis-alis ni Raul si Giselle dahil napalapit na rito ang anak niya. Nagpatuloy ang bangayan ng dalawa hanggang sa may nangyaring hindi inaasahan—isang makasalanang gabi ang nangyari sa kanilang dalawa. Isang gabing hindi nila malilimutan. Isang gabing nagparanas sa kanila ng kakaibang init at sarap. Ito na kaya ang maging hudyat ng tuluyang pagbabago ng relasyon nilang dalawa?
Romance
337 viewsOngoing
Read
Add to library
Tamara, The Mafia's Gem

Tamara, The Mafia's Gem

Tamara, the mafia's gem! But in real life, isa lang siyang walang kwentang tao na ipinadala sa mafia's underground world para patayin ang pinuno ng mga mafia group kasama na ang lider ng Devil's Angel Mafia Organization. Hanggang sa muling magtagpo ang landas niya at ng mga taong nagpadala sa kaniya sa mafia's world. Sa pagkakataong ito, kalaban na ang turing nila sa kaniya. Sa gitna ng panganib at kalituhan, isang alagad ng batas, sa katauhan ni Lt. Andrei Montillano, ang maninindigan upang iligtas siya sa bingit ng kamatayan. Dahil sa ginawa ni Andrei, ituturing siyang bayani ni Tamara. Subalit lingid sa kaalaman ng dalaga, pagbabayarin siya ng bilyonaryong binata sa kamatayan ng ama nito na minsan ay naging target niya sa isang misyon. Ngunit paano kung sa huli'y kapwa sila mahulog sa kumunoy ng mapaglarong pag-ibig? Handa ba nilang kalimutan ang poot sa kanilang mga puso alang-alang sa nanganganib nilang anak? May halaga ba ang salitang pagmamamahal sa dalawang taong handang ipaglaban ang prinsipyo at katarungan kung pareho na silang natutupok sa apoy ng galit?
Romance
1025.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Dearest Villain

My Dearest Villain

Hiraeth Faith 2
"Wala kang pagpipilian kundi tanggapin ang alok ko, Estelle," sabi ni Raziel na namumula ang mga mata. Ang tanging hangad lang ni Lady Vienna ay makasama ang lalaking bida ng kuwento. Hanggang sa lumitaw ang isang salamangkero at inabot sa kanya ang isang libro isang araw. Ang libro pala ay naglalaman ng daloy ng kanyang buhay! Ipinagpalagay pa nga niya na siya ang pangunahing babae, ngunit siya ang kontrabida sa kuwento! Nang malaman niyang papatayin siya ng kontrabida, si Duke Raziel, sa edad na 22, ginagawa niya ang lahat para maiwasan ito! Lumapit siya sa kontrabida at nalaman ang sikreto nito, na naging dahilan upang imungkahi niya sa kanya ang isang kontrata ng kasal kapag natuklasan niya ang katotohanan tungkol sa aktwal na katangian ng lalaking lead. Sa karamihan ng mga kuwento, ang mga kontrabida ay pinapatay, ang lalaki at babae ay nagpakasal, at sila ay nabubuhay nang maligaya magpakailanman; gayunpaman, tinututulan ni Lady Vienna "Estelle" Thaleia Xaviera ang pattern na ito. It’s up to Vienna na pigilan ang mga pagkalason, pagbabanta sa kamatayan, pagkakanulo, at pagpatay na mangyari bilang resulta ng aklat. "Mas mabuting magmahal ng kontrabida dahil alam naming gagawin niya ang lahat para sa iyo. Ang bida, sa kabilang banda, ay handang isuko ang iyong buhay para sa ikabubuti ng lahat.”
Fantasy
3.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Naghihiganteng Puso

Ang Naghihiganteng Puso

Parang bola kung pagpasa-pasahan ang buhay ni Stacey sa piling ng kanyang magkahiwalay na mga magulang. Ang nais lang sana niya ay umamot ng kahit konting pagmamahal sa dalawa ngunit balewala siya ng mga ito. All they think was enjoy themselves. Ni hindi naisip ng mga ito na nasasaktan na siya. So she seek attention to others. Hindi niya akalain na paglalaruan ng pinakamamahal niyang lalaki ang damdamin niya. Not until, she saw it with her own eyes and heard it with her own ears. Gustuhin man niyang sumbatan ito pero hindi niya nagawa. Wala nang mas sasakit pa sa kanya kundi ang palayasin at pagbintangan ng sarili mong ama. Scared and scarred she flew from Davao to Ormoc City and start a new life there. After ten long years, hindi niya akalaing muling tatapak sa lugar na isinumpa niya. Ano kaya ang naghihintay sa kanya?
Romance
4.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Pag-aari ko siya PS#1 (TAGLISH)

Pag-aari ko siya PS#1 (TAGLISH)

Alyana Perez, isang simpleng babae at ang tanging gusto niya lang ay makapag tapos ng college, mag trabaho para sa stepmom at mga kapatid niya na lagi nalang siyang sinasaktan at kinakawawa. Kahit mahirap na pagsabayin ang trabaho at pag-aaral ay kinakaya niya para may mapakain sa pamilya at may pambayad sa kuryente. One day, she didn't know that her stepmother sold her... Stephen Wilson, ang lalaking mahilig ikama ang mga babae at paglaruan ang mga damdamin nila. Sa tingin niya ay lahat ng babae ay kagaya ng ex niya manloloko at mukhang pera, pinaglaruan lang ang damdamin niya noon kaya gumaganti siya sa mga babaeng nakikilala niya. Ano kaya ang magiging buhay ni Alyana kasama si Stephen? Mababago niya kaya ang paniniwala ni Stephen na hindi lahat ng babae ay manloloko at mukhang pera? Mag bago kaya si Stephen dahil kay Alyana?
Romance
1064.4K viewsCompleted
Read
Add to library
BAKAS NANG KAHAPON

BAKAS NANG KAHAPON

Angela De Dios. Ang babaeng sinubok at pinatatag ng panahon at karanasan. Hindi sinukuan ang lahat ng hamon at dagok na dumating sa kaniyang buhay. Norman Villanueva. A certified bachelor. Kilala at mayamang negosyante. Mas inakala ng iba na isa siyang womanizer dahil sa sobrang kasungitan at aloof sa mga babae. Paano kung pagtagpuin sila ng tadhana? Magagawa kayang punan ng bawat isa ang isang bahagi ng kanilang mga pusong tila may kulang pa? Paano kung mabunyag ang isang pangyayaring gigimbal sa pagkatao ng bawat isa sa kanila? Matanggap pa kaya nila ang sukli ng tadhana? O, tuluyang kalilimutan nalang na minsan naging mapaglaro ang kapalaran?
Romance
9.923.6K viewsCompleted
Read
Add to library
SIRENS OF ATARGATIS  ⚫FILIPINO⚫ || WIP ||

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫ || WIP ||

AiriiTheCoffeeCat
Si Melodia ay isang nilalang sa ilalim nang madilim at malawak na dagat. A heart full of hatred, ang puso ng mga taong may kinikimkim na kasakiman, selos at pagkamuhi ang nagbibigay buhay sa kanila. Silang mga sirena'y may kagandahang tinataglay at boses na pang-akit sa biktima. Ngunit isang insidente ang magbabago ng lahat nang buhayin muli ni Melodia ang taong nag-aagaw buhay. Ang simpleng sitwasyon ay naging sumpa ang dulot. Ang kanyang buntot ay maging paa at ang paa ng tao 'yon ay naging buntot. Kaya napagpasyahan niya na manatili muna sa lupa kahit walang ideya kung paano mamuhay bilang tao. Isinama naman sa ilalim ng dagat ang taong ngayo'y nagibg sirena. Nakita siya ng isang lalaki na noo'y namamangka na kaagad siyang tinulungan. Sa paglipas ng mga araw ay muling nagbalik ang taong tinulungan i Melodia. Ngayon ay hatid niya ang pakiusap na tanggalin na ang sumpa, na ibalik na sa kanya ang mga paa ngunit hindi alam ni Melodia kung paano.
104.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Baby Maker

The Billionaire's Baby Maker

Lumaki sa hirap si Lyana Dela Merced kaya't maaga siyang namulat sa realidad. Hindi siya pinanagutan ng dating karelasyon at kapagkuwan ay namatay din ang anak niya dahil sa sakit. Mahirap mang tanggapin ang pagkamatay ng anak, pinilit pa rin ni Lyana na bumangon at huwag malugmok sa lungkot dahil sa kaniya umaasa ang kapatid na may sakit sa pag-iisip. Raket dito, raket doon-- lahat na ng trabahong maaari niyang mapagkuhanan ng pera sa legal na paraan ay natanggap na niya. Kaya naman nang isang gabi ay alukin siya ng kaibigang doktor ng trabaho para sa pamilya ng mga Tejada, agad niya itong tinanggap. Subalit mukhang nabahag ang buntot ni Lyana nang malamang hindi lamang simpleng trabaho ang inio-offer ng mga ito sa kaniya. Instead of being just a normal housekeeper, they want her to be a surrogate mother. Ayon sa kaibigang doktor, hindi magkaanak ang mag-asawa kaya't gusto siya ng mga itong kuhanin bilang surrogate. Would she accept the offer and be the billionaire's baby maker or just let the opportunity slip away because she's still longing for her child? Paano kung makalipas ang ilang taon ay muling pagtagpuin ng tadhana ang biyudong si Preston Tejada at ang naging surrogate ng anak nito na si Lyana Dela Merced? Maitatama kaya ni Lyana ang maling ginawa niya noon sa pamilya ng mga Tejada o unti-unti lamang mahuhulog ang loob niya sa binata?
Romance
1017.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status