The Nurse Who Ruined My Life...And My Heart
Isang nurse.
Isang imperyo.
Isang kasal na pinirmahan sa dugo.
Hindi kailanman hinangad ni Stefanie Rivera ang kapangyarihan—pero isang malupit na kasunduan ang nagtulak sa kanya bilang tagapagmana ng pinakamalaking airline empire sa Asya… at mortal na kaaway ng sinumang nais maagaw ito.
Si Adrian Zubiri—malamig, matalino, at sugatan ng nakaraan—siya dapat sana ang tunay na tagapagmana. Pero ngayon, napilitan siyang pakasalan ang babaeng pinaka-kinamumuhian niya para mabawi ang lahat. Ang plano niya? Wasakin siya. Ipahiya siya. Durugin siya.
Ngunit hindi marunong yumuko si Stefanie. Lumalaban siya—at ang apoy niya’y lalo lang nagiging tukso kay Adrian.
Mula sa kasunduang puno ng galit, sumiklab ang isang mapanganib na laro ng pagnanasa. At sa gitna ng mga kaaway, iskandalo, at nag-aalab na damdamin, pipili si Adrian: protektahan ang imperyo… o ang babaeng kailanman ay hindi dapat naging kanya.
Sa mundong ang kapangyarihan, ang pera at ang pag-ibig ay kahinaan—
Mas ligtas ang galit.
Pero bakit siya nauuhaw sa babaeng puwedeng tuluyang sumira sa kanya?
"She was supposed to be his punishment. He was supposed to be her enemy. But in a war between hate and love—only the heart can decide who wins"