Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Magnet

Love Magnet

[COMPLETE] Ang makahanap ng marangal na trabaho ang naisip na paraan ng lesbianang si Maria Sienna De Dios upang makawala sa poder ng kaniyang ama na paulit-ulit siyang dinidiktahan na magpakasal sa kaniyang long-lost childhood friend. Kaya noong may inirekomendang trabaho ang kaniyang kaibigan ay pinatos niya na iyon nang walang pag-aalinlangan. Ang hindi niya lamang inaasahan ay muli niyang makakaharap ang lalaking nasapak niya noon na si Yevhen Thyne Villamayor, sa araw ng kaniyang interview. Nang makilala siya ng binata ay on the spot siyang ni-reject nito kahit na nakiusap pa siya. Mabuti na lang ay may dumating na isang mabait na ginang at kinuha siya bilang secretary ng CEO ng MARIA Corporation. Ngunit kakayanin niya kaya ang trabaho gayong si Yevhen pala ang kaniyang magiging boss? At paano kung ang tsismosang tulad niya ay may malaman sa nakatagong katauhan ng binata? Love Series 3 Yevhen Thyne Villamayor xMaligaya©October2023
Romance
1013.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me

Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me

Alam ni Tessa na hindi siya ganoon kamahal ni Zander, ngunit nanatili pa rin siya sa tabi nito dahil may kailangan siya kay Zander at ganoon din naman ang lalaki sa kanya. Pero nang bumalik ang dating minahal ni Zander, bihira na lamang itong umuwi sa kanila. Nanatili si Tessa sa walang laman na silid, ginugugol ang hindi mabilang na gabi na hindi niya kasama si Zander. Kalaunan, nang mapagod na si Tessa, tinanggap niya ang isang tseke at tuluyan na niyang iniwan si Zander. Nang muli silang magkita, may iba nang lalaking kasama si Tessa. “Mr. Velasquez, ikaw ang unang nakipaghiwalay. If you want to date me, kailangan mong pumila.” — Tessa Jewel Morales. Kinabukasan, nakatanggap si Tessa ng deposito na isang daang bilyong piso at isang dyamanteng singsing. May pag-asa pa kayang magkabalikan ang dalawa? O mas pipiliin ni Tessa na hindi na bumalik sa buhay ni Zander?
Romance
1074 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
TEMPTATION WITH MY NINONG

TEMPTATION WITH MY NINONG

“Wala ka bang balak magpakasal?" Ang tanong na paulit-ulit na sinusundan si Abraham Consunji, isang kilalang negosyante na sa dami ng ari-arian, wala pa ring sariling tahanan pagdating sa pag-ibig. Hindi dahil bitter siya, kundi dahil masyado siyang abala sa pagpapatakbo ng imperyo ng pamilya. At kung tutuusin, ayaw niya talaga sa istorbo. Malapit na siyang tumuntong ng kwarenta, pero ni minsan, hindi niya naramdamang may kulang. Para sa kanya, sapat na ang katahimikan at kontrol sa buhay—dalawang bagay na sa tingin niya ay mawawala kapag may babae sa paligid. Pero isang pabor ang babaligtad sa takbo ng lahat... ang pag-aalaga sa inaanak niyang si Yvonne, na ngayon ay isa nang makulit at maganda nang dalaga. At sa bawat araw na magkasama sila, hindi lang ang pasensya niya ang sinusubok, pati ang pagpipigil sa sariling naaakit sa isang bagay na hindi dapat. Makakaiwas ba siya? O tuluyan na siyang matatalo sa tukso ng isang bawal na damdamin?
Romance
1023.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE SEVEN DORK'S BOSS.

THE SEVEN DORK'S BOSS.

@SimplyMarjo
Hindi na nagdalawang isip pa si Yanie Seo-ri na tanggapin ang isang trabaho na inaalok sa kanya ng isang BTS (Bangtan Sonyeondan) Manager. Nakitaan kase siya nito ng galing sa pakikitungo sa mga kpop idols na dumarayo sa isang mamahaling bar kung saan talaga siya nagtatrabaho. Permanente siya roon ngunit mas maganda ang magiging sweldo niya kung ang pagsisilbihan niya ang pinaka sikat na Boy group sa buong mundo. Sa dami rami ang naghangad na pagsilbihan ang pitong binata na ito ay siya na nga siguro ang isa sa pinaka swerte. Maiituring nga ba niyang swerte o kailangan lamang niyang panindigan ang trabahong tinanggap niya?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Pregnant With Her Boss

Pregnant With Her Boss

WennieWrites
Tatlong araw pa lang nagtatrabaho sa kompanya si Cresilda ay hindi na niya maiwasan ang hindi mainis sa boss nila. Ubod ito ng sungit, at hindi man lang ngumingiti. Parating galit at perfectionist pa. Kaya naman ng dumating ang araw ng ika-78th anniversary party ng kompanya ay wala siyang balak na dumalo. Pero ipinag-utos ng boss nila na ang hindi dumalo ay walang Christmas bonus na matatanggap. Kaya naman, walang choice si Criselda. Halos ubusin na niya ang wine sa wine counter sa sobrang inis habang nasa party. Pero ganon na lamang ang gulat niya nang magising siya kinabukasan na walang suot na damit at katabi ang boss nila.
Romance
495 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Beautiful Bastard

Beautiful Bastard

I choose to love you in silence, because in silence I feel no rejection "Kung ako lang ang masusunod, ngayon na okay na ako? Ayaw na kitang makita. Kung pwede nga lang na hindi mo makilala ang anak ko ay gagawin ko, pero hindi ako gano'n ka selfish at kasamang tao na pagkaitan ang anak ko ng ama. I already suffered a lot when I was a child, not having my Mom and Dad by my side and I know how painful it is, kaya hindi ko ipaparanas 'yon sa kanya. Mas gugustuhin ko pa na ako na lang ang mahirapan at masaktan huwag lang ang anak ko." Si Kiara ay nag iisang kapatid ni Storm, bata pa lang ng maulila sila dahil namatay ang kanilang mga magulang, pero kahit gano'n pa man ay hindi nakaramdam ng kakulangan sa pagkatao ang dalaga dahil nandyan ang kanyang kapatid na laging nakasuporta at nakaalalay sa kanya. Darating ang araw na susubukin siya ng isang problema na magiging dahilan ng muntik niya ng pagsuko. Ang dating masiyahin ay mapapalitan ng lungkot at hinagpis. Makakayanan niya pa kayang makalabas sa isang madilim na buhay? Paano kung isang araw ay malaman nila na mali ang kanilang pinaniniwalaan? Paano kung bumalik sa buhay nila ang taong ni minsan ay hindi nila maisip na makakasama pa nila ulit? May pag asa pa kayang makuha niya ang kasiyahan na matagal ng hinahangad?
Romance
1014.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
His Inevitable Obsession

His Inevitable Obsession

AtengKadiwa
Wala ng mahihiling pa si Candice Gonzales, dahil sa kaniya na lahat. Subalit isang araw, kinausap siya ng kaniyang magulang na ipapakasal siya sa anak na lalaki ng kaibigan ng kaniyang ina. Hindi iyon nagustuhan ni Candice Gonzales, lalo at may kasintahan siya! Pero hindi niya akalain na ang lalaking ipapakasal sa kaniya ay ang antipatikong lalaki na nakabangga sa sasakyan niya at humalik sa kaniya. Pero, pumayag din siya magpakasal. Dahil ba iyon sa halik na pinagsaluhan nila na nagdala sa kaniya sa alapaap kaya siya pumayag?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Perfect Lie  (A Billionaires Fake Wife)

Perfect Lie (A Billionaires Fake Wife)

Panyang
Dalawang lalaki na nakilala niya sa magkaibang pagkakataon na magpapagulo sa tahimik niyang mundo. Samahan niyo ang bida natin tuklasin at alamin kung ano talaga ang tunay na kahulugan nang pagmamahal at saya. Isang kwento na punong puno nang emosyon.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
LOVE ISLAND: HER SWEET LIES

LOVE ISLAND: HER SWEET LIES

The first time Daphne and Steven met, she knew they will hate each other. Kaya naman nang muli silang magkita sa isla na pagmamay-ari ni Steven sa Albay ay kinailangan pa niyang magtahi ng kwento para lamang manatili siya roon ng matagal. Bukod dun ay may matinding atraso siya rito. Ngunit mas lalong nagalit si Steven sa ginawa niya kaya balak siya nitong ipakulong. Paano kung unti-unti na siyang napapamahal rito pero balak pala na ibenta ni Steven ang isla na tila paraiso na nagugustuhan niya na? Sapat na kaya ang pag-ibig ni Ryse para iligtas ang kanilang paraiso at ayusin ang kanilang mga nabasag na nakaraan, o ang mga anino ng panlilinlang ay maghihiwalay sa kanila magpakailanman?---
Romance
621 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Wayward Daughter

The Wayward Daughter

msalchemist
Ibinibida ang isang babaeng hindi padadaig sa mga pagsubok na darating sa buhay nito. Kahit na nga ba masama ang tingin ng nakararami rito, patutunayan nito na mali ang sabi-sabi ng iba. Malalaman dito ang tunay na kwento ng mga tinatawag nilang 'malandi, kaladkarin, babaeng mababa ang lipad'. Tampok ang buhay ng apat na bidang sinubok ng panahon at pinatatag ng karanasan sa buhay. Kilalanin sina Clip, Sinatra Blue, Ross, at Badong. Iba't ibang taong pinaglapit ng kinagisnang lugar. Iisa ang ginagalawan. Walang lumisan, walang nang-iwan. Patuloy na bumabalik. Lagi silang bumabalik dahil baka totoo nga na ang happy place nila ay matatagpuan sa mga apat na bidang pinagtagpo pero pilit nilalabanan ang tadhana.
YA/TEEN
3.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
4445464748
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status