Im His True Love SPG
Kilalang tahimik, seryoso, at walang paligoy-ligoy kung magsalita si Rafael Montenegro-ang CEO ng Montenegro Corp at nagmamay-ari ng mga luxury hotels sa buong bansa. Isang lalaking bihirang ngumiti at mas pinipiling manahimik kaysa makihalubilo,maliban sa kanyang mga kaibigan at pamilya.
Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Misty Vergara-isang simpleng dalaga na may pangarap sa buhay.
Naging katulong si Misty sa bahay nila Phyton sa loob ng isang buwan ng una siyang makita ni Rafael.
Hanggang sa magsimula ang kwento nila sa asaran,away ,at tampo.Pero may hangganan ang lahat.
Sa muling pagtanggap ng trabaho mula sa employ ni Misty,hindi niya akalain na si Rafael pala ang maging boss niya.Pero huli na ang lahat para siya ay umatras.
Ngunit paano kung sa kalagitnaan nang kanilang pagmamahalan,dumating ang mga pagsubok na magpapabago sa lahat.
Bumalik ang unang pag-ibig ni Rafael-ang babaeng minsang minahal niya nang lubos. At kasabay nito, ang alok ng ina ni Rafael kay Misty: layuan ang anak niya kapalit ng katahimikan at kapakanan ng lahat.At ang isang milyong piso.
Pero pinili ni Misty ang umalis nang walang paalam.
Hindi alam ni Rafael na sa kanyang paglisan, dinadala na niya ang bunga ng kanilang pagmamahalan.
Ngunit paano niya sasabihin ang katotohanan kung sa kanyang pagbabalik ay malalaman niyang kasal na si Rafael sa babaeng matagal nitong hinintay?
Kaya mas pinili ni Misty ang manahimik,upang sa ganun hindi makasira ng pamilya.
Upang hindi siya matawag na kabit.
Ngunit isang balita ang muling gigimbal sa mundo ni Misty-nasa bingit ng kamatayan si Rafael.
Sa kabila ng lahat ng sakit at paglayo…
Makakaya ba niyang tiisin ang lalaking minahal at hindi kailanman nakalimutan?
O mas pipiliin niyang mananatiling tahimik?