Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Exclusive For Him

Exclusive For Him

Umalis ang nobyo ni Elisa, papuntang Maynila pang doon 'ay mas makaipon ng pera para sa kanilang pagpapakasal. Ngunit hindi pa nagtatagal si Francis sa Maynila, ay bigla na lang itong hindi nagparamdam kay Elisa, labis ang pag-aalala ni Elisa, sa kaniyang nobyo dahil nawala na ang koneksyon nilang dalawa. Dahil sa pag-aalala at takot na rin dahil sa isipin ni Elisa, na baka may nangyaring masama sa nobyo ay agad siyang lumuwas ng Maynila. Ngunit sa kaniyang pagluwas ay magbabago bigla ang takbo ng buhay niya dahil kay, Smael Chavez. Smael Cuervo, a mafia boss na sasamahan ni Elisa, kapalit ng tulong na hahanapin ang nobyo niya ay ang pagsama niya kay Smael, ngunit sa kaniyang paghahanap kay Francis, ay matutuklasan niya na ang nobyo ay may ibang babae ng kasama.
Romance
104.3K viewsCompleted
Read
Add to library
REVENGE LGBT

REVENGE LGBT

Nain love ka sa unang pagkakataon at sa matalik mo pang kaibigan. Hindi mo kinaya at pinili mong ipagtapat ang lihim mong nararamdaman para sa kanya. Isang bagay na pinagsisisihan mo dahil nalaman mong ayaw nya sayo at pati ang pagkakaibigan nyo ay kasinungalingan lang din pala. Paanu kung makalipas ang sampung taon mag krus muli ang landas nyu? Ang dating mayaman na si Klio Krixton ngayon ay nag aapply bilang assistant mo. Sa pagkakataong ito nais mong maghiganti. Paiibigin mo siya saka ipamumukha ang sakit na naidulot niya 10 yrs ago. Pero paano kung ang isang Bria Brixton ay umiibig pa din pala kay Klio Krixton? Mananaig ba ang Revenge na sinimulan mo o true love really does exist?
LGBTQ+
9.237.2K viewsCompleted
Read
Add to library
HEIGHT DOESN'T MATTER

HEIGHT DOESN'T MATTER

Sofia Grace Alejo, iniwan ng kaniyang ina sa panga-ngalaga ng kaniyang abusadong tiyahin simula ng iwan sila ng ama niya. Nahihihirapang makahanap ng trabaho dahil kahit magna cum laude siya noong kolehiyo ng secretarial ay pagdating sa height niya ay doon siya bumabagsak. Ang malas niyang buhay ay biglang mapapalitan ng suwerte ng matanggap siya sa isang law firm bilang Personal logistic Assistant, ng isa sa kilalang lawyer ng Valenzuela firm, si Ezekiel Nehemiah Riego. Workaholic, masungit na lawyer na wala pang naitatalong kaso. Paano magki-click ang isang 4'11 na si Sophia at isang 6'9 na si Ezekiel kung sa height at ugali ay hindi sila magkasundo. May mabuo kayang pag-ibig na parehas babago sa buhay nila? "Sinusumpa ko! Hindi ako maiinlove sa egocentric kong boss!"
Romance
666 viewsOngoing
Read
Add to library
His Secret Obsession (FILIPINO VERSION)

His Secret Obsession (FILIPINO VERSION)

Josie frank
Athena Ramirez Ang trabaho ay eksakto kung ano ang gusto niya. alam niyang magagawa niya ito ng maayos. Tuwang-tuwa si Athena sa pagkakataong magtrabaho hanggang sa sinabi ng babae sa ahensya na walang puntong mag-aplay dahil, ang mahalaga ngunit hindi nasabi na mga kwalipikasyon ay ang pagiging kasal, o nasa katanghaliang-gulang, at ako ay hindi. Tila, si Eros Ramazzotti ang CEO ay isang workaholic na may sakit na ang kanyang mga batang sekretarya ay umibig sa kanya at nawalan ng konsentrasyon sa kanilang trabaho. Lumalabas na ang pagiging hindi kaakit-akit ay itinuturing na isang bonus dahil hindi rin niya nais na magambala. Ngunit hindi siya ganoon kadaling sumuko. Ang trabaho ang tanging pag-asa at pagtakas niya kaya nakumbinsi ni Athena ang ahensya na ipadala siya para sa interbyu. Inalis niya ang kanyang mga pampaganda, namuhunan sa isang murang singsing sa kasal, nagsuot ng mga damit na dowdy. Para sa mabuting sukat, nagdagdag siya ng isang pares ng pangit na salamin, hinila ang kanyang buhok sa isang hindi nakakaakit na tinapay, at voila. May asawa at hindi kaakit-akit. Oo, nakuha niya ang trabaho, Oh, and guess what? Sa wakas ay naunawaan na niya kung bakit hindi makapag-concentrate ang ibang mga sekretarya sa trabahong ito. Si Eros Ramazzotti ay ang pinakamainit na CEO na nabubuhay, na ginagawang imposibleng magtrabaho para sa kanya ngunit ang kanyang desperadong krisis sa pananalapi ay naging dahilan upang lunukin niya ang anumang pagnanais na mayroon siya para sa kanya...
Romance
107.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Maid For Me

Maid For Me

Misty22
Sa sobrang kalasingan ni Drei ay hindi sinasadyang may nangyari sa kanila ng kanyang katulong sa bahay ngunit hindi malalaman ni Drei na ang katulong nya ang kanyang nakasiping dahil pag gising niya ay wala na siyang katabi at hindi niya maalala ang mukha ng dalaga na kanyang nakasama. Gusto niyang panagutan ang nangyari sa kanila dahil bukod sa birhen ang babae ay maari pang mabuntis ito dahil isa lang ang sigurado niya , hindi siya gumamit ng proteksyon ng gabing iyon. Paano maitatago ni Lianna ang kanyang pagbubuntis na bunga ng isang gabing pagkakamali kung ang pinagtataguan nya ng kanyang lihim ay kasama lang nya sa iisang bubong ang amo niyang si Alexandrei Zanders.
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Youniqueen
Nagimbal ang mundo ng labinpitong taong gulang na si Elyne nang matuklasan ang isang sikretong matagal na panahong inilihim sa kan’ya. Dala ng matinding galit, unti-unting binago ng masakit na katotohanang iyon ang tahimik niyang buhay. Iyon din ang nag-udyok sa kan’ya upang tahakin baluktot na landas na hindi niya ginusto. Kailanman ay hindi niya naisip na ganitong kapalaran ang ibinigay sa kan’ya ng mapaglarong tadhana. Ni sa hinagap ay hindi rin niya naisip na magiging magulo ang kan’yang buhay. Maniniwala pa kaya siya na babalik din ang lahat sa dati? Maniniwala pa kaya siya na darating ang araw na mararanasan niyang maging masaya ulit? Maniniwala pa kaya siyang pagsubok lang ang lahat ng nangyayari? Maniniwala pa kaya siyang mayro’n pang natitirang pag-asa? Pero paano nga ba niya magagawang maniwala kung pakiramdam niya, pati ang Diyos na lumikha’y kinalimutan na rin siya?
1029.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Sino Ang Ama

Sino Ang Ama

Hindi kamukha ng tatlong taong gulang na anak kong lalaki ang asawa ko. Naghihinala, ang father-in-law ko ay kumuha ng paternity test para sa anak ko. Ang resulta ay nagpakita na walang biological na relasyon sa pagitan nila. Galit at napahiya, ang father-in-law ko ay sumabog sa galit, nagbato ng mga insulto sa akin at pinagbantaan pa na patayin kami. Ang asawa ko, galit din, ay sinampal ako ng malakas sa mukha. “Walang hiya ka! Hinayaan mo ako na palakihin ang anak ng ibang lalaki ng tatlong taon!” Habang nakatitig sa kanilang nagaakusang mga mukha, kalmado akong gumawa ng isa pang report—paternity test sa pagitan ng asawa ko at ng kanyang ama. Kinumpirma nito na sila ay hindi din biological na magkaugnay. Ang kanilang mga ekspresyon ay napahinto sa gulat. Na may maliit na ngiti, sinabi ko, “Mukhang hindi natin alam kung sino ay hindi parte ng pamilyang ito, hindi ba?”
Read
Add to library
The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

[COMPLETED] Dalawang hindi magkakilalang tao ang nagkaisa nang dahil sa kasal na magulang lang ang siyang may kagustuhan. Isang arogante na lalaki, at naging sunod-sunuran na babae. Isang nagngangalang Aurora ang tiniis ang lahat sa kamay ng napangasawa na si Lucas nang dahil sa pagmamahal sa kaniyang mga magulang. Isang walang kaalam-alam na Aurora na pinakasalan ang isang lalaki habang hindi lingid sa kaalaman na ito ay isang kilala bilang isang makapangyarihang mafia sa bansa. Isang misteryoso at napaka-pribadong Lucas na walang ibang ginawa kung hindi ang manakit ng kaniyang asawa at isipin si Iris na kaniyang minahal simula pa noong una. Ngunit nang dahil sa kinabangga na isa pang makapangyarihan na grupo ng isang mafia at nadamay ang kaniyang asawa, posible nga ba na sa unang pagkakataon ay maging maayos ang pakikitungo niya kay Aurora? Posible kaya na sa unang pagkakataon ay maiparamdam niya kung ano ang tunay na kahulugan ng isang asawa o hahayaan na lamang ito sa mga kamay ng halang din ang kaluluwa?
Romance
1020.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge

Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge

Pinuntahan ni Monique si Aidan sa condo niya pero sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya nang makita niyang walang saplot ang dalawang taong mahalaga sa kaniya. Hindi siya makagalaw sa sobrang gulat. Nang makita siya ni Aidan ay blangko lang ang mukha ni Aidan. Pinulot ni Aidan ang damit niya at isinuot niya yun saka niya nilapitan si Monique. Ang buong akala ni Monique ay magpapaliwanag sa kaniya si Aidan kung bakit kasama ni Aidan ang bestfriend ni Monique pero para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang paalisin siya ni Aidan at hindi man lang nagpaliwanag kung ano bang nangyayari. Tiningnan ni Monique ang bestfriend niya pero umiwas ito ng tingin. Minahal ni Monique si Aidan kahit na sa kabila ng alitan ng kanilang mga pamilya. Ang buong akala niya, katulad niya ay ipaglalaban din siya ni Aidan pero nagkamali pala siya. Paano niya nagawang pagkatiwalaan ang dalawang taong mahalaga sa kaniya? Hindi niya akalaing mga taong malapit pala sa kaniya ang wawasak ng puso niya.
Romance
1026.4K viewsCompleted
Read
Add to library
NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

Twenty-three years old si Tori nang makilala niya si Taj na isang bombero sa isang maliit na bayan sa Guimaras. Nasa kasagsagan siya noon ng tagumpay bilang isang popstar ngunit na-in love siya sa lalaki at ang dating organisado niyang buhay ay nagulo. It was a whirlwind romance ngunit dahil sa pangingialam ng kanyang ina ay napilitan siyang magpakasal nang lihim kay Taj. Kung gaano sila kabilis na nagkalapit ng lalaki ay ganoon din sila kadaling nagkalayo nang pumutok ang balitang nabuntis si Tori ng CEO ng Crystal Music na si Sid Rodriguez kasunod ng pagkakatuklas niya sa tunay na pagkatao ni Taj. Limang taon na ang dumaan at pareho na silang may magkaibang landas na tinatahak. Ayaw na ni Tori na magkaroon pang muli ng kaugnayan kay Taj ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil muling nagsanga ang landas nila sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Muli kaya silang magkakalapit o tuluyan na nilang tutuldukan ang ugnayang siyang naging dahilan ng kirot sa puso na pareho pa rin nilang nararamdaman?
Romance
1022.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2829303132
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status