Billionaire's Toy
Angela Lee
Hambog, babaero at manggagamit; ganiyan ilarawan ng mga kakilala ang dalawampu't walong taong gulang na si Raymund Capri. Tila part-time job na nga nito kung ituring ang panghuhuthot ng pera sa mga babaeng kaniyang napapa-ibig. Palibhasa'y likas ang angking kagwapuhan, matangkad at matikas ang katawan kaya't ganoon na lamang kadali sa kaniya ang gawin ito. Katunayan, maging si Vivien Guinto ay napa-ibig niya nang kamo'y una siya nitong makita. Higit pa nga sa nanalo sa lotto ang kagalakang kaniyang naramdaman nang kaagad siya nitong alukan ng kasal. Ito lang naman kasi ang CEO ng Guinto Company na isang kilalang brand ng gintong alahas.
Ito na nga kaya ang simula ng kaniyang pag-ahon sa kahirapan?