Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Billionaire's Secretary

The Billionaire's Secretary

Ang misyon lang ni Solenn nung una ay ang akitin ang batang bilyonaryo kaya ito nagtrabaho bilang isang sekretarya sa Walton Corporation. "Anong ibig sabihin nito?" Galit na galit at kunot noo na pagtatanong ng chairman sa harap nila Solenn at Marcus habang dumausdos sa lamesa ang mga stolen shot na mga litrato nilang dalawa na magkasama. "May relasyon kayo? Halos mapatid ang litid ng matanda sa loob ng meeting room na yon. "Mauubusan tayo ng investors sa ginagawa mong kahihiyan?" Hasik pa ng chairman matapos nitong pukpukin ang lamesa na nasa harapan. Nakaramdam ng awa si Solenn sa bilyonaryong boss nya na katabi. Alam nyang wala siyang karapatang maramdaman yon sa lalaki dahil kabahagi siya ng plano at bayad siya para dito. Nakita nyang halos hindi maipinta ang mukha ng binata sa harap ng kanyang lolo. Tumikhim lang si Marcus ng walang kakurap kurap, inayos ang sarili sa pagkakaupo. Itinaas ang ulo mula sa pagkakayuko at hinarap ang chairman. "Solenn!" Buong loob na pagtawag nya sa sekretarya. "Sir?" Tila maamong tupang pagtugon ni Solenn.Walang halos makalabas na boses mula sa kanya. "Ikansel mo lahat ng commitment ko this week," at mataman itong tinitigan ang dalaga sa harap ng matandang lalaki. "Pakakasalan kita, bukas na bukas din." "Ha?" Gulat na gulat na pagtatanong ni Solenn. Nanatili siyang nakatulala sa narinig. Tumayo ng dahan dahan ang binata , naglakad ng mabilis at hinawakan ang door knob ng conference room. "Iuuwi na rin kita sa condo!" Ani ni Marcus bago lumabas ng pinto. Ano daw? Hindi makapaniwala si Soleen sa narinig. Napahawak ang dalaga sa sariling dibdib at nag unahang umagos ang mga luha sa kanyang pisngi na kanina pa nya pilit na pinipigilan. Ano na ang gagawin nya? Gulong gulo siya napahawak sa ulo. Pano na? Pagtatanong pa nya sa sarili.
107.5K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 165 kali sebagai throne room
Baca
+Pustaka
Ex-Husband's Downfall: The Fake Wife Found Her Domineering Lover

Ex-Husband's Downfall: The Fake Wife Found Her Domineering Lover

Dalawang taon nang naniniwalang legal wife si Isabel Cienne Lopez. Pero nang ipa-verify niya ang marriage certificate nila, doon niya nalaman ang totoo. Peke ang kasal nila ng asawa niyang si Joshua Casiño. Gusto niyang komprontahin si Joshua, pero may narinig siyang usapan sa study room nang puntahan niya ito. “Don’t worry, she still trusts me,” kampanteng sabi ng lalaki. “Good,” sagot ng babae. “Basta tandaan mo, ako ang legal wife mo.” Ang kausap nito? Si Sabrina Carpio. Ang dati nilang guidance counselor sa university na anim na taon ang tanda sa kanya. At doon bumagsak ang lahat-lahat para kay Isobel. Limang taon nang kasal ang dalawa, si Joshua at Sabrina. Ibig sabihin, ginamit lang si Isobel bilang shield. Siya ang pinakitang asawa sa publiko. Mas masakit pa, siya ang sinisisi kung bakit wala raw silang anak. Ang pinakamalala? Ang batang inampon nila ay tunay palang anak ng dalawa. Hindi nag-iskandalo si Isobel. Tahimik lang siyang tumawag sa abogado ng pamilya niya. “Attorney, single ako. No husband. No child. Lahat ng inheritance, sa akin lang.” “Are you sure?” “Yes.” At umalis siya nang hindi lumilingon. Akala ni Joshua babalik din si Isobel noong umalis ito. “She can’t survive without me, she loves me so much.” Pero ilang linggo lang ang lumipas, napabalita sa buong bansa ang isang engrandeng kasalan. Isang marriage alliance sa pagitan ng isang powerful tycoon at isang biglang lumitaw na heiress. Sa panonood ng TV, nanigas si Joshua. Si Isobel ang bride. Nakatayo siya sa tabi ng lalaking mukhang makapangyarihan, hawak ang kamay nito, confident at malamig ang tingin. “She is my wife,” sabi ng lalaki sa harap ng media. Sa pagkakataong ito, totoo na ang kasal ni Isobel. At doon lang na-realize ni Joshua na hindi pala siya kawalan kay Isobel. Siya ang iniwan, at siya itong maghahabol sa "asawa" na niloko niya ngunit hindi na niya maaabot pa.
104.1K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 82 kali sebagai throne room
Baca
+Pustaka
SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE

SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE

Si Margo, 22 anyos at nakapagtapos ng secretarial course ,iginapang ang sariling pag-aaral. Nag-iisang siyang anak sa pagkadalaga ng kanyang inang anak mahirap din. Ipinapangako niya sa sarili na itataguyod niya ang mga nakakabatang kapatid sa hirap at pag-aaralin ang mga ito. Ibininta siya nito sa isang mayamang lalake upang matubos ang malaking pagkakautang nila dahil sa pagkalulong ng ina at amain niya sa sugal. Dahil sa poot at galit sa ina ay naggawa niyang magpakalunod sa alak sa bar at natagpuan niya na lang ang sarili isang umaga sa isang hotel room na hubo't hubad at naipagkaloob niya na ang sarili sa estrangherong lalake dahil sa kalasingan. She escaped from that stranger man who took her virginity at dahil nga wala na ang iniingatang puri ay nakiayon na rin siya sa ina na maging pambayad utang. Sa gabing makakaharap niya na ang mayamang lalake ay napag-alaman niya na ang estrangherong lalake na nakaangkin sa kanya ay walang iba kung hindi si Marco Sullivan, ang mayamang lalake na pinagkakautangan ng kanyang ina at amain.Paano na lang kung higit pa sa isang gabing pambayad utang ang gusto ni Marco sa kanya? Gagawin siya nitong sekretarya sa kumpanya nito.Higit pa pala dahil gagawin siya nitong alipin ng araw-araw nitong libog at pagnanasa.Matatakasan niya kaya ang isang Marco Sullivan na isa pa lang arrogant monster? Paano na lang kung ang tingin pala sa kanya ni Marco ay isa lamang laruan at pampalipas oras.Mababago pa kaya ang kapalaran ni Margo kung ang pag-ibig sa puso niya ang pakikinggan niya lalo ng malaman niyang nagbunga ang maraming beses na nangyari sa kanila ni Marco? Paano kung malaman niyang may fiancee na pala ito? Handa kaya siyang ipaglaban ang karapatan ng magiging anak nila ni Marco?
183 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 5 kali sebagai throne room
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
91011121314
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status