MasukDalawang taon nang naniniwalang legal wife si Isabel Cienne Lopez. Pero nang ipa-verify niya ang marriage certificate nila, doon niya nalaman ang totoo. Peke ang kasal nila ng asawa niyang si Joshua Casiño. Gusto niyang komprontahin si Joshua, pero may narinig siyang usapan sa study room nang puntahan niya ito. “Don’t worry, she still trusts me,” kampanteng sabi ng lalaki. “Good,” sagot ng babae. “Basta tandaan mo, ako ang legal wife mo.” Ang kausap nito? Si Sabrina Carpio. Ang dati nilang guidance counselor sa university na anim na taon ang tanda sa kanya. At doon bumagsak ang lahat-lahat para kay Isobel. Limang taon nang kasal ang dalawa, si Joshua at Sabrina. Ibig sabihin, ginamit lang si Isobel bilang shield. Siya ang pinakitang asawa sa publiko. Mas masakit pa, siya ang sinisisi kung bakit wala raw silang anak. Ang pinakamalala? Ang batang inampon nila ay tunay palang anak ng dalawa. Hindi nag-iskandalo si Isobel. Tahimik lang siyang tumawag sa abogado ng pamilya niya. “Attorney, single ako. No husband. No child. Lahat ng inheritance, sa akin lang.” “Are you sure?” “Yes.” At umalis siya nang hindi lumilingon. Akala ni Joshua babalik din si Isobel noong umalis ito. “She can’t survive without me, she loves me so much.” Pero ilang linggo lang ang lumipas, napabalita sa buong bansa ang isang engrandeng kasalan. Isang marriage alliance sa pagitan ng isang powerful tycoon at isang biglang lumitaw na heiress. Sa panonood ng TV, nanigas si Joshua. Si Isobel ang bride. Nakatayo siya sa tabi ng lalaking mukhang makapangyarihan, hawak ang kamay nito, confident at malamig ang tingin. “She is my wife,” sabi ng lalaki sa harap ng media. Sa pagkakataong ito, totoo na ang kasal ni Isobel. At doon lang na-realize ni Joshua na hindi pala siya kawalan kay Isobel. Siya ang iniwan, at siya itong maghahabol sa "asawa" na niloko niya ngunit hindi na niya maaabot pa.
Lihat lebih banyakMatapos ang mahaba-habang paghihintay, nawalan na rin ng pasensya si Henry sa panonood ng "palabas."Bumuntong-hininga siya, at mas lalong rumihestro ang pang-iinsulto sa kanyang mga mata."Don't be in such a hurry. Malapit na sila."Tumingin si Isobel sa relo niya at kalmadong sumagot.At pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita, biglang bumukas ang pinto ng meeting hall.Ang kaninang relaxed na pagkakaupo ni Henry ay biglang naging tuwid at nanigas.Pito lang ang main shareholders ng kumpanya.Bukod sa kanya, kay Kristine, at kay Isobel, ang natitirang apat ay mga loyal supporters ni Kristine, kaya imposibleng sumipot ang mga ito.Pero ang pumasok sa pinto ngayon ay dalawa sa apat na shareholders na iyon.Ang dalawang lalaking nasa 50s na ang edad ay naka-business suit at tila nagmamadali.Pagkapasok nila, hindi man lang nila tinignan si Henry at mabilis na naupo sa tabi ni Isobel na tila ba hiyang-hiya o takot na takot.Bumigat ang paghinga ni Henry habang nakadiin ang m
"Mr. Zamora..."Akmang magpapaliwanag na sana si Isobel tungkol kay Joshua.Pero naunahan siya ni Caspian."Personal life mo 'yan, I won't ask too many questions at hindi rin ako makikialam. Pero since we’re engaged now, I trust you can handle your past relationships properly."Walang matinding interogasyon, walang demand, dahil dito, nakaramdam si Isobel ng kaunting guilt.Akala niya kasi, dahil sa status ni Caspian, baka maging big deal dito ang past niya o kaya ay usisain ang bawat detalye, pero hindi pala ito nagtanong ng kahit ano."I... I’ll handle everything as soon as possible, trust me!"Dito na-realize ni Isobel na seryoso talaga ang lalaking ito sa engagement nila, at may kasama pang respeto ang trato nito sa kanya.Tumango si Caspian, pero sa loob-loob niya ay may kaunting inis siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag.Hindi naman sa hindi niya pina-imbestigahan si Isobel; alam niyang anim na taon ang itinagal ng relasyon nito noon.Sa tagal na 'yon, hindi k
Tumango si Isobel.Naalala niyang hindi mahilig si Caspian sa matamis, kaya tinanong niya ito kung mahilig ba ito sa maanghang.Nang makitang sandaling natigilan ang lalaki, nakuha na niya agad ang sagot."Okay, noted. Hindi mahilig sa sweet, at hindi rin sanay sa spicy food si Mr. Zamora.""I can eat a little bit, it's fine," sagot ni Caspian.Hindi naman siya mapili sa pagkain, pero totoo na hindi siya mahilig sa mga pagkaing sobrang tapang ng lasa.Hindi na nagtanong pa nang marami si Isobel.Nagsuot siya ng apron at nagsimula nang magluto.Dahil semi-open ang kitchen, kitang-kita ng lalaki ang bawat galaw niya habang abala siya sa pagluluto.Hindi maalis ni Caspian ang tingin niya kay Isobel.Bigla niyang parang naintindihan kung bakit ganoon na lang kapursigido ang dalawang matanda sa bahay na ipakasal siya.Sa malalaking pamilya kasi, laging mas matimbang ang business interest kaysa sa tunay na nararamdaman.Ang mga magulang ni Caspian ay naghiwalay na bago pa man siy
Habang nagsasalita si Isobel, napansin niyang pasimpleng sumisilip sa kanila ang katulong na nag-aalaga kay Lola kanina.Sinulyapan niya si Caspian para magbigay ng pahiwatig, at kahit hindi tumingin ang lalaki, alam na niya ang nangyayari."Ganyan talaga ang dalawang matandang 'yan, you'll get used to them soon. Next time, if it’s not convenient for you, pwedeng-pwedeng mo silang tanggihan."Umiling si Isobel."Actually, gusto rin naman kitang makita today, Mr. Zamora. Nakuha ko na ang project sa Laurel Group of Companies, and I know malaki ang tulong mo doon. I really wanted to find a way to thank you."Mahinang sumagot si Caspian,"It’s nothing. You don't have to be so formal.""Hindi naman sa pagiging formal, pero I genuinely want to do something for you. Let me think, ano bang magandang gift para sa 'yo?"Parang kinakausap na lang ni Isobel ang sarili niya.Halos nasa kay Caspian na ang lahat, kaya nahihirapan siyang isipin kung ano ang pwedeng ibigay na pasasalamat."A
Dahil sa walang tigil na pagpuri ng lola ni Caspian kay Isobel, hindi na nag-atubili si Wilma na ilabas ang inihanda niyang gift para sa dalaga.Isa itong set ng alahas na gawa sa mamahaling fire opal. Sobrang bihira at mahal nito, at kinuha pa ito ni Wilma mula sa isang auction house sa kabilang b
Sinuri ni Isobel ang mga suot na luxury brand ni Dina gamit lang ang tingin. Sa tantiya niya, kahit pagsamahin lahat, wala pang dalawang daang libo ang halaga.Ngayon lang nagkaroon ng ilang daang libo, usapang “circle” o social status na agad?May isang kaklase na tila may gustong ibulong. “Narin
Noong pinakamahirap na panahon ng kumpanya, palaging nasa tabi niya si Isobel. Lagi nitong sinasabi ang mga salitang gaya ng narinig niya ngayon kay Sabrina.At sa bawat pagkakataon, si Isobel talaga ang nauuna sa laban. Siya ang humaharap sa problema, siya ang sumasalo ng pressure para kay Joshua.
Ikalawang taon na ng kasal nila ni Joshua nang hindi sinasadyang mapunit ni Isobel ang kanilang marriage certificate habang nagliligpit siya ng drawer.Kinabahan siya at agad na pumunta sa Philippine Statistics Authority para magpa-reissue. Pagdating niya sa counter, nagtatakang nagsalita ang staff


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan