Rejected by my Family, Desired by a Billionaire
Umikot ang mundo ni Sunshine kay Angelo at sa anak nilang si Daryl ngunit imbes na pagmamahal, nagtulong pa ang mag-ama na ipadala siya sa kulungan.
Paglaya niya matapos ang dalawang taon, mismong birthday din ng anak niya. Pero ang kahilingan nito?
“I want a new mommy.You're a bad woman! I don’t want you as my mom!”
Ang asawa niya ay malamig ang boses na nagsalita. “Sunshine, let’s get a divorce. I’ll take our son.”
At ang kabit nito, ngiting-ngiti na tumingin sa kanya. “Sunshine, your husband and your son are mine now.”
Tiniis niya ang panlalait ng biyenan, panghuhusga ng lahat at pagiging malamig ni Angelo. Pero sa loob lang ng dalawang taon, nawalan siya ng ama, ng anak, ng asawa… ng tahanan.
Sa huli, napuno rin si Sunshine. “Then let's end it. Let’s divorce.”
Pagkatapos ng lahat, may isang lalaking muling lumapit sa kanya, ang matagal na niyang crush noon. Tahimik, mabait, at laging nariyan para sa kanya.
Doon lang niya nalaman kung gaano kasarap mahalin ng taong totoo kang pinipili.
Pero totoo nga ba ang pinakikita nito sa kanya o isa lang itong patibong ng tadhana para muli siyang ilugmok habang pinipilit niyang itayo ang sarili mula sa pagtalikod ng pamilya sa kanya?