"MAS guwapo ka pala sa personal."
Napatingin ang dalawa kay Yeonna nang lumikha ng ingay sa pagkakataon na iyon ang pagpipigil ng pagtawa. Totoo naman na guwapo si Khal. Pero masyado kasing 'cheesy' ang linyahan ng babae. Taliwas sa aura nito na sophisticated at halata namang edukada o galing sa elite clan. Hindi bagay rito ang maging 'pabebe'.
"Anyway, let's meet from time to time. Para naman makilala natin ang isa't isa."
"There's no need for that. I think kilala na kita," wika ni Khal.
Napangiti ito. At muling nagpapungay ng mga mata sa binata. "Talaga?"
"As I have known, kilala kang 'shopaholic' sa fashion world."
Nabura ang ngiti sa labi ng babae. "That's not the right term. I just love to shop."
"In any way, it's still called 'add!ction'. And I would be very straightforward. I hate women who love luxuries rather than working hard for the future."
"Fine. I can work. But I can't force myself to stop shopping. It's my happiness."
"You're not working?"
"Well, my parents do. At mayam