Share

Chapter 21

Author: EL Nopre
last update Last Updated: 2024-12-18 22:09:13

"WOMEN!"

Napasulyap si Yeonna sa rearview mirror. Pinupunasan pa rin ni Khal ang nabasang damit nito habang nagngingitngit sa inis.

"Full of lies and pretentious!"

Napailing na lang si Yeonna. Kalmado si Khal kaninang pag-alis ni Liz. Lumabas nga sila ng restaurant na nakataas ang noo nito at nakaliyad ang dibdib.

Baka gusto lang nito na itago ang inabot na kahihiyan. Pero hindi naman kasi nito ipinagtanggol ang sarili laban sa maling akusasyon dito.

"Ganoon ba talaga kayong mga babae? Hindi lang naibigay ang gusto, magagalit na kayo? Magsisinungaling na? And even pretended like a victim?"

"Ako po ba ang kausap niyo, sir?"

"Bakit? Hindi ka ba babae?"

Tumikhim siya, "Minsan lang."

"What?"

"Walang nanliligaw sa akin kasi para raw akong lalaki kung umasta. Ah, may isa rin pala na nagtiyaga." Hindi na binanggit ni Yeonna ang pangalan ni Mark. "Madalas niya ring sabihin sa akin na 'no feminine' at all sa kabuuan ng aura ko. So, I might be a man by heart na nagkatawan lang bilang babae."

"D
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Parang may monthly period itong si khal ah............
goodnovel comment avatar
Jennelyn Casiguran
aso t pusa ee
goodnovel comment avatar
Eleanor Tenebroso Cisneros
grabe nakakatuwa tong love story nila
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Special Chapter [6]

    "MAY bisita tayo!"Umalingawngaw ang malakas na boses ni Lola Tasing sa pag-anunsiyo nito sa mga kasama sa bahay ng presensiya roon ni Hardhie."Maupo ka, iho.""Salamat po, Lola."Ngumiti ito habang nakatitig sa binata. "Siguradong magaganda't guwapo ang mga magiging apo ko sa tuhod sainyo ni Amira."Napangiti rin si Hardhie."Dumating na ang bisita natin?" Lumabas ng kusina si Lolo Dan kasunod si Pablo. "Ang aga naman?" Napatigil ito sa paghakbang nang iba ang mabungaran nito. "Sino siya?""Ang magiging future asawa ni Amira.""Furniture? Kinakulang pa ba siya sa mga gamit dito sa bahay?"Napailing si Lola Tasing."Future, pa. Hindi furniture." Itinuwid ni Pablo ang sinabi ng matanda. "Bakit ba tinanggal mo ang hearing-aid mo?""Masakit sa tainga." Ibinalik nito ang tingin kay Hardhie. "Guwapo naman pala. Okay siya sa akin para kay Amira."Lihim na nagdiwang ang puso ni Hardhie. Two out of five. Not bad. Malakas na ang laban niya."Pa, huwag kang tumingin sa panlabas lang.""Bakit?

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Special Chapter [5]

    "TANDAAN mong mabuti, ha? Hindi dapat magkapalit-palit ang mga ibibigay mong regalo sa kanila.""Bakit ba kasi hindi mo pa sinulatan ng pangalan?""Nakalimutan ko nga.""Wala ka man lang ballpen.""Bakit? Meron ka?""Wala rin," tugon ni Hardhie."Tandaan mo na lang sa kulay. Itong pula ay kay Lola Tasing. Itong asul kay Lolo Dan. Itong dilaw kay Papa Pablo. Itong itim kay Mama Alona. Itong huli ay kay Miko.""Bahala na.""Hindi puwedeng bahala na. Kailangan na makuha mo agad ang loob nila bago pa man dumating ang karibal mo.""Wala ba sa loob si Amira?" tanong ni Hardhie nang nakatanaw sa tinapatan nilang malaking bahay."Nagpa-salon siya.""Huhh! At talagang pinaghahandaan niya ang araw na ito! Pinaasa niya lang ba ako?""Haist! Huwag kang mag-isip ng ganyan. Always think positive.""Nagbago na ba siya? Hindi na ba niya ako mahal?""Sinabi nang huwag kang mag-isip ng mga negatibo!" asik ni Yeonna. "Baka magdala pa iyan ng kamalasan."Binitbit na ni Hardhie ang mga paper bag. "Hindi

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Special Chapter [4]

    "SAAN ba tayo pupunta?""Kailangan mong mag-recharge."Muli namang ibinagsak ni Hardhie ang katawan sa kama nang bitiwan siya ni Yeonna sa paghila nito. Ayaw pa sana niyang bumangon, pero kanina pa ito namimilit. "Tinatamad ako.""Ano ba? Tumayo ka riyan at magbihis!""Ayoko nga munang lumabas ng bahay."Inis na hinablot ni Yeonna ang unan na itinakip ni Hardhie sa mukha matapos na tumagilid ng higa. "Ngayon ang blind date ni Amira.""Ilang beses mo nang sinabi iyan sa akin.""Oo nga. Pero wala ka man lang plano.""Ano bang gagawin ko? Desisyon niya iyon.""Wala ka kasing ginagawa. Ang kupad mo. Alam mong naghihintay lang si Amira para kumilos ka.""Pero sinabi mong pinakaguwapong bachelor ang ka-date niya, 'di ba?""Magpapatalo ka? Guwapo ka rin naman, ah?"Napansin niya ang pagtitig sa kanya ng kaibigan. "Bakit ganyan kang makatingin sa akin? Teka. May muta ba ako?" sabay sipat niya ng sarili sa maliit na salaming nakapatong sa bedside table."I think kailangan mo nang dagdag self-c

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Special Chapter [3]

    "OKAY ka lang ba talaga?""No worries. Kayang-kaya ko ito."Sinundan na lang ng tingin ni Yeonna ang pagdagdag ng weight plates sa barbel na binubuhat ni Hardhie.For the past few days, inaabala ng kaibigan niya ang paraan upang ito'y tuluyan nang maging lalaki.But they did not come to every gym in town para lang magpalaki ng muscles. Because in that kind of place, men are everywhere; macho, guwapo, physically attractive. At iyon ang gustong labanan ni Hardhie.Masasabi niya na unti-unti na ngang na-reclaim ng kaibigan niya ang dating gender nito na nawala lang noong gusto itong pilitin ng ama na pumasok sa PMA.He had training already for a month, pero hindi talaga ito masaya.Hardhie does not want to be a police or soldier. So, his own family thought that he's a gay. At pinanindigan na nito iyon upang maiwasan ang nais ng ama."Tama na 'yan," pagpigil ni Yeonna nang akto uling dadagdagan ng weight plates ng kaibigan ang barbel. "Baka bago ka pa man maging tunay na lalaki ay bali-ba

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Special Chapter [2]

    "PAKIULIT nga ng sinabi mo?""Hindi ka pa raw tuli," tugon ni Yeonna."At sino namang nagsabi sainyo?"Mabilis na bumalik sa sofa si Khal nang sulyapan ito ng tatlo at patay-malisyang nagbasa ng magazine."Sanggol pa lang ako, tinuli na ako."Nakahinga nang maluwang si Amira habang pinukol naman ng matalim na tingin ni Yeonna ang asawa."At nakakabuntis ang lalaki kahit hindi pa tuli," wika nito nang nakatitig kay Amira."Bakit ganyan kang makatingin? May plano ka na bang buntisin ako?"Muling napatayo si Khal. "Ano bang klase 'yang mga pinag-uusapan niyo, ha? Ikaw," sabay hila nito kay Amira nang lumapit ulit sa grupo. "Magpakasal ka muna bago ka magpabuntis!""Haist!" Hinatak niya ang braso mula sa pagkakahawak ng kapatid. "Hindi ba 'yan naman ang sinasabi ko sa iyo kanina? But you interrupted saying na hindi pa tuli ang mapapangasawa ko!""Teka. Hindi ko naman alam na siya pala ang tinutukoy mo.""Nagpapalusot ka pa talaga, Kuya. Alam mo namang siya lang ang lalaking gusto kong pak

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Special Chapter [1]

    "BAKIT nandito ka?"Nakangusong tumabi si Amira kay Khal. "Kuya, ano bang gagawin ko?""Bakit? May problema ba?""Naiilang ako sa kanila.""Bakit? Pamilya mo naman sila.""Sa loob ng maraming taon, ikaw lang ang itinuring kong pamilya. Kaya hindi pa ako komportable."Halos mag-iisang linggo na rin mula nang malaman ni Amira ang tungkol sa kanyang nakaraan. Halo-halo ang mga emosyon na nararamdaman niya, pero mas nanaig ang kasiyahan sa puso niya.She now has a family she can call her own. Hindi nga lang siya komportable. Normal lang naman siguro iyon sa tulad niya na inakalang ulila siya dahil lumaki siya sa ampunan."Masasanay ka rin. Pero kung lagi kang nandito, paano ka niyan masasanay. Go and leave.""Itinataboy mo na ba ako? Haist! Na-miss pa naman kita.""Make up those time na nawala sainyo ng pamilya mo. Alam kong iyon din ang nais nila. So, instead of avoiding it, mas mabuti na harapin mo na lamang ang bago mong buhay at mundo.""Kuya...""Nandito pa rin naman ako." Ginagap ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status