Share

Chapter 24.1

last update Last Updated: 2024-09-23 23:56:55

NAGKAROON NG PAG-AALINLANGAN si Daviana na muling isipin ang pangyayaring iyon sa nakaraan nila. Hindi niya maiwasang makiramay kay Rohi ng mga sandaling iyon dahil sa labis na lungkot. Hindi na rin naman siya komportableng balikan ang malungkot na parte ng buhay na iyon ng binata. Baka oras na banggitin niya ito ay mauna pa siyang maiyak nang dahil sa nararamdaman niya pang awa. Walang imik na bumalik siya sa tabi ng binata at hinaayang malanghap ng ilong niya ang amoy ng sigarilyo na sumasama sa ihip ng hangin. Ngayon lang naman iyon. Biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay pagdating sa usok ng sigarilyo nito. Naalala niya ang t-shirt na ipinahiram sa kanya ng binata na may mahinang amoy ng tabako. Naisip ng dalaga na marahil dito iyon naggaling na nahaluan lang ng gamit na pabango ni Rohi.

“Nalabhan ko na iyong ipinahiram mo sa aking damit, ngunit hindi ko naman ito dinala ngayon. Hindi ko rin kasi alam na makikita kita ngayong araw. Ibibigay ko na lang iyon siguro sa iyo sa iban
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 102.2

    KULANG ANG SALITANG halos lumuwa ang mga mata at mahulog ang panga upang ilarawan ang pagkagulat ni Keefer sa matapang na sinabing iyon ni Daviana sa kanyang harapan. Nilingon na niya ang babae na may nagtatagong ngisi sa likod ng mga mata niya. Hindi siya makapaniwala.“Ah, plano mo palang dito na ulit tumira kaya pala tinatanong mo ako kung bakit ako narito.” bakas ang iritasyon sa kanyang boses habang sinasabi niya iyon at nakatingin pa rin sa babae.“Bakit hindi? Fiancee ako ng nakatira dito.” tugon pa ni Daviana na kinapalan na ang mukha niya, “Dati nga tumira na ako dito, ngayon pa ba na kasal na lang ang kulang sa aming dalawa ay hindi ko iyon kayang gawin? Masama rin bang magtanong ako? Syempre, maiilang ako sa’yo di ba?” Natutop ni Keefer ang kanyang bibig. Iba ang naging kahulugan ng sinabi ni Daviana sa kanya na kasal na lang ang kulang sa kanilang dalawa. Ibig bang sabihin ay seryoso na talaga ang babae? Saka bakit ba ang tanong nito? Huwag niyang sabihin na natikman na r

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 102.1

    SI ROHI NA ang kusang kumabig kay Daviana upang palalimin pa ang halikan na ginagawa nila, ngunit naudlot lang iyon nang biglang dumating si Keefer. Mabilis silang naghiwalay nang bumungad ito. Hindi man lang siya kumatok na nagawang makapasok na parang tagaroon lang. Habang tahimik na nililingon ni Daviana ang dalawa na nakaupo sa sofa ay bigla niyang naalala na hindi pa niya nagagawang e-finalized kay Rohi ang plano niyang pagtira sa hotel suite na iyon. Naaasar ng tiningnan niya si Keefer na para bang tagaroon lang kung makaasta. Kahit kailan talaga ay hadlang ito sa kanya. Tumayo si Rohi at bumalik na ng kanyang silid nang tumunog ang cellphone nito, naiwan silang dalawa ni Keefer sa sala na panay ang palitan ng kakaibang tingin.“Bakit ka ba dito nakatira?” Alam na ni Daviana ang dahilan, nabanggit na iyon ni Rohi ngunit gusto niya pa itong kausapin. Mula sa kanyang hawak na cellphone ay inilipat ni Keefer ang paningin sa babaeng nagsalita.“Ano sa tingin mo ang dahilan?” “Mag

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 101.3

    NILINGON NA NIYA si Rohi na agad naman nagtama ang paningin sa kanya. Titig na titig ito hindi sa mukha niya bagkus ay sa hawak niyang cellphone. She didn't understand the look in his eyes. Was he asking her to hang up the phone quickly? Nais ba nitong sabihin na patayin na niya ang walang kwentang tawag na iyon dahil mukhang wala na ‘ring silbi ang usap nila ni Warren?“Problema niyo na iyon. Wala na akong pakialam. Kung siya ang pinili mo ng araw na iyon, dapat naisip mo ang magiging balik noon sa’yo. Iyon dapat ang maintindihan mo na hindi porket lagi kitang inuunawa, ay palaging naririyan pa rin ako at maghihintay sa’yo upang tuparin ang kasunduan natin. Hindi na tayo kagaya ng dati, Warren. It is impossible to be like when we were little, and I will no longer maintain a superficial friendship with you.” bigay diin pa ni Daviana, tutal naroon na rin naman sila sa usaping iyon ay lulubusin na niya. “Dito na natin ‘to tapusin. Ito na ang huling sasagutin ko ang tawag mo, dahil gaya

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 101.2

    SA LOOB NG Hotel ay inip na umahon si Daviana sa kanyang kinauupuan nang makitang walang reply si Warren sa kanyang pinadalang message. Batid niyang mababasa iyon ng lalaki kaagad. Nang makitang wala pa rin ay binitawan na niya ang cellphone at hinanap kung nasaan si Rohi. Natagpuan niya ito sa loob ng kanyang silid, sa harap ng kanyang computer. Abala ang mga matang nakatuun sa screen na abalang may binabasa. Bukas man ang pintuan ay minabuti ni Daviana na kumatok pa rin upang ipaalam na naroon siya. Nilingon naman siya agad ni Rohi. “Nagtra-trabaho ka ba?” “Di ba major ka sa english?” Tumango lang doon si Daviana na humakbang na papalapit sa kanya. Nakisilip na rin sa screen. Nagbabasa lang naman si Rohi ng mga english emails niya. May hiring daw umano sila dito. Ngunit hindi iyon ang nakaagaw ng pansin sa babae, kundi ang larawan ni Rohi na ibang-iba sa hitsura ngayon. Kagalang-galang ito sa picture pero iba ang aura sa personal. Muli pang sinulyapan ni Daviana ang mukha ni Rohi

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 101.1

    BAGO NOON UMALIS si Warren, ang buong akala niya ay hindi na magkakaroon pa ng problema ang Lolo niya, lalo na at sinabi ng doctor nito na nag-improved na ang kanyang kalusugan kaya nakalabas na rin ito noon ng hospital. Confused na ang isipan niya ng mga sandaling iyon sa tunay na nangyari sa matanda. Ang makita naman ni Carol ang anak na nahihirapan ay hindi na siya nakatiis na aluin na ito. “Na-trauma lang ang Lolo mo, Warren, pero ngayon ay nasa hospital naman na siya at nalapatan na rin ng tamang gamot. Sabi ng doctor ay bumubuti na raw ang kanyang kalagayan kung kaya wala ka ng dapat na ipag-alala.” sinabi lang iyon ni Carol upang i-comfort ang kanyang anak na halatang nagsisisi na sa kanyang kasalanang nagawa dito.Doon napagtanto ni Welvin na kaya naman pala ganun ang anak ay dahil din sa asawa niya. Kunsintidor ito. Halatang kinakampihan at bini-baby kung kaya naman ganun din ang ugali.“Naunawaan ko na kung bakit ganyan katigas ng bungo ng anak mo, Carol.” walang amor na tu

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 100.3

    ILANG SANDALI SIYANG tinitigan ni Welvin at walang anu-ano ay biglang sinampiga ang mukha ng anak. Napasigaw na noon si Carol na nagkukumahog na bumaba ng kama nang makita niyang si Warren ang nasa labas ng kanilang silid. Napahawak na si Warren sa kanyang pisngi na agarang namanhid nang dahil sa lakas ng pagkakasampal dito ng nanggagalaiti niyang ama. Hindi lang iyon, bahagyang pumutok ang gilid na labi ng lalaki na naglabas na ng dugo. Nanlisik na ang mga mata ni Welvin sa presensya ng suwail at matigas ang ulo niyang anak na si Warren.“Dad, I am just asking which hotel Rohi is staying in?” Isang malutong na sampiga muli ang naging sagot ni Welvin sa kanyang anak sa kabilang pisngi.“Tama na Welvin!” harang ni Carol sa kanilang pagitan habang nakadipa na, “Mabuti nga at bumalik na ang anak mo. Hindi mo siya kailangang pagbuhatan ng kamay! Can’t you just talk to him nicely?” pagmamakaawa pa ng boses ni Carol na sa mga sandaling iyon ay halos paiyak na.Dala ng pinaghalong sama ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status