HINDI NA NAPANSIN ni Daviana na sobrang lapit na ng mukha niya kay Rohi. Hindi niya iyon na-re-realize dahil sobrang invested siya na makakuha ng sagot sa tinatanong niya sa binata. Gustuhin mang umiwas ni Rohi ay hindi niya magawa dahil biglang mailang sa kanya si Daviana. Kung kanina ay may pagitan pa silang dalawa sa gitna ng sofa, ngayon ay wala dahil sinakop na iyon ng dalaga. Nasa gitna na ito at sinisiksik na niya sa gilid si Rohi. Hindi lang iyon, nakalagay na ang isang braso ni Daviana sa isang hita ni Rohi. Hindi niya pa rin iyon napapansin ng sandaling iyon.
“S-Sagot…totoo bang iyon lang ang pakay mo kaya nakikipagkaibigan ka sa akin?”
Naamoy na ni Rohi ang matamis na amoy ng fruit wine sa hangin nang dahil sa hininga ni Daviana. Napaiwas na siya ng tingin sa dalaga. Ngunit hindi siya nakatiis. Muli niya itong nilingon at ang nakaagaw ng pansin niya ay ang pagbuka at pagsara ng mga labi ni Daviana na parang ang sarap kagatin. Kulay cherry pink ang mga ito, at kumikinang na