KINABUKASAN AY MAAGANG pinuntahan ni Warren sa bahay nila si Daviana upang sunduin. Aayaw-ayaw pa nga sana doon ang dalaga ngunit maaga siyang binulabog ng ama. Wala tuloy siyang ibang nagawa kundi ang sundin ito kahit na labag iyonn sa kalooban niya. Pinilit niya ng amang maghanda. Hindi lang iyon, inihatid pa siya ni Danilo sa labas ng kanilang bahay at hinintay na makalulan ng sasakyan ni Warren nang sa ganun ay siguradong makakasama ang anak at wala itong anumang magiging palag. Nakahalukipkip lang si Daviana sa passenger seat. Hindi niya nililingon si Warren kahit na nahahagip ng kanyang mga mata ang panaka-naka ting pagsulyap na ginagawa sa kanya. Wala siyang planong kausapin ang lalaki.
“Nasa trunk pa rin ng sasakyan ko ang luggage mo. Kunin mo na lang pagbalik natin.”
Si Warren ang unang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa loob ng sasakyan. Hindi pa rin siya nilingon ni Daviana na halatang wala pa rin sa mood makipag-plastikan sa kanya. Muli siyang sinulyapan ni Warren. Me