공유

Chapter 36.3

last update 최신 업데이트: 2024-10-17 23:55:23

MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN NA sina Daviana at Warren nang makita nila ang ama. Napansin agad ni Danilo ang tensyon na nasa pagitan ng anak at ni Warren sa pamamagitan pa lang ng kakaibang mga tinginan nila. Lumipad ang kanyang mga mata at may nakitang papel sa ibabaw ng center table.

“Anong meron? Bakit bigla yata kayong natahimik?”

Ilang beses na umiling si Daviana. Ibig niyang ipahiwatig kay Warren na hindi niya na kailangang sabihin sa ama ang ipinunta ng kaibigan sa bahay nila. Malamang pipilitin siya nito kapag sinabi niyang ayaw niyang sumama. Ano pa nga ba ang kanyang aasahan sa kanya?

“Inimbitahan ko po si Viana, Tito Danilo na magpunta sa Hacienda namin. Sabi ko po ay doon niya gugulin ang bakasyon pero tinanggihan po niya. Busy raw po kasi siya eh.”

Mariing ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata. Napahilot na siya ng kanyang sentido. Sumama pa ang pakiramdam niya nang lingunin siya ng ama at bigyan ng mga tinging kailangan niyang sumama at pumayag sa paanyaya ni Warren. Ma
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (3)
goodnovel comment avatar
Eileen Castillo Puson
gagong tatay nayan lumayas kana vina punta ka ky rohi
goodnovel comment avatar
Winnie Caisip
wag kn bumalik viana useless nmn db wala sila kwrntang magulang
goodnovel comment avatar
shelleflorano02
siraulong tatay binenta ung anak nia
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 100.1

    NASAPO PA NG babae ang kanyang noo na para bang hindi pa tapos doon ang kanilang problema.“Tingnan mo na kung anong klaseng problema ang idinagdag mo sa balikat ni Rohi?” si Keefer na hindi na napigilan na sumawsaw sa kanilang usapan, “Dami na nga niyang isipin sa trabaho!”Kawangis ng sakit ng mga salita ni Keefer ay ang pakiramdam na tinarakan ng patalim ang puso ni Daviana. Hindi niya man tahasang aminin, apektado siya ng paratang nitong tunay naman. Sinamaan na ni Rohi ng tingin si Keefer. Tinaasan lang naman siya nito ng isa niya pang kilay.“Prino-protektahan mo talaga siya, ikaw ba? Kaya ka bang protektahan ng babaeng iyan, Bro?”Pabirong nilamukos ni Rohi ang

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 99.3

    MAKAHULUGAN NA SIYANG tiningnan ng ina. Iyong tipong parang nang-aasar ang mga mata nito. Tinakpan na ni Daviana ang kanyang mukha upang itago na ang labis noong pamumula.“Ano ang gusto mong sabihin ko sa’yo? Bilang ina, dapat turuan kita ng tamang asal na hindi magpapababa ng pagkababae mo ngunit alam ko naman na may special kang plano kung kaya katanggap-tanggap itong plano mo para sa akin kahit na sa ibang tao ay hindi.”Nabuhayan ang mga mata ni Daviana.“Pero paano mo iyon sasabihin kay Rohi? Hindi ito kagaya ng dati mong sitwasyon noong lumayas ka sa bahay. Binigyan ka na ng tahanan ngayon, dapat may valid kang dahilan anak.”“Gagawa ako ng paraan, Mommy. Saka f

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 99.2

    HINDI MUNA BUMALIK si Daviana sa loob ng bahay. Nanatili siya sa kung saan siya iniwan ni Rohi na nakatayo. Dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa. Nagtipa siya ng message kay Rohi na mag-iingat ito pauwi at mag-send ng message kapag nasa hotel suite na. Ngunit hindi niya magawang i-send iyon. Panay lang ang baba ng kanyang mga luha. Na-realtalk siya ni Rohi. Hindi nito intensyon, ngunit alam niyang nais lang nitong ilabas ang kanyang nararamdaman.“Nakakainis, kasalanan ko naman kaya bakit ako ang may karapatang umiyak?”Nakagat na niya ang labi. Pilit na patahanin ang kanyang pag-iyak dahil sa sinabi ni Rohi. Upang mas libangin ang kanyang sarili, minabuti niyang tawagan si Anelie. Ayaw din naman siyang tanungin ng ina pagpasok kung bakit namumula ang mga mata niya. Magpapalipas oras muna siya. Mamaya p

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 99.1

    KAGAYA NG DATING tayo. Paulit-ulit na umaalingawngaw ang mga salitang iyon sa magkabilang tainga ni Daviana na para bang pilit na sinasalpak iyon sa kanyang isipan upang sabihin na kailangan niyang intindihin iyon. Nanigas na ang katawan niya sa kinatatayuan. Nangapal ang mukha niya na para bang nakatanggap siya ng mag-asawang sampal. Hindi niya inalis ang mga mata at nakipagsukatan pa siya ng tingin kay Rohi. Hindi niya alam na ganun na pala ang pakiramdam ng lalaki sa mga ginagawa niya pero wala lang iyon sa kanya. Hindi naman niya iyon sadya, hiningi lang ito ng pagkakataon kaya niya nagawa. Kaya lang hindi niya pwedeng iyon ang idahilan at gawing katwiran kay Rohi. Alam niyang sobrang laki ng kasalanan niya dito. Tinalikuran niya ito, ipinamukha na hindi dapat piliin pero ito pa rin ang nagligtas sa kanya dito.“Hindi mo man lang ba naisip na makasama ako habangbuhay?” may tono ng sakit ang tanong na iyon ni Rohi nang makita niyang parang walang plano si Viana na tumugon, “ Kasi a

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 98.3

    NAIS NA NI Daviana na lumubog sa kanyang kinauupuan. First time niya nga, alangan naman na magaling na siya agad? Isa pa, hindi naman kailangan na sabihin iyon ng ina niya.“First time ko pa lang naman magluto, sa sunod matututunan ko rin iyon agad. Saka hindi iyan masasayang, uubusin ko iyan. Favorite ko kaya ang mga gulay lalo na ang kangkong.”Hindi siya pinansin ng inang inilapit na ang niluto niyang ulam sa kanyang manugangin.“Hijo, kain na.” Salitan silang tiningnan ni Rohi. Maya-maya pa ay dinampot na ang kubyertos. Napatanga na ang mag-ina nang makita nilang kumuha si Rohi ng maitim na kangkong sa plato ni Daviana. Diretso niya iyong sinubo sa bibig at kapagdaka ay sumubo na rin siya dito ng kanin. Nanatili ang tingin ng mag-ina sa ginawa nitong pagnguya sa pagkain na parang ini-enjoy. “Ayos lang naman, sakto sa kanin.” komento nito na alam ni Daviana na pampalubag-loob. Alam niya sa kanyang sarili na maalat at naparami ang toyo na kanyang inilagay. Napanguso na si Daviana

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 98.2

    MALALAKI ANG MGA hakbang ni Rohi na tinulak na ang shopping cart nila. Sinundan naman siya ni Daviana habang hawak pa rin ang kanyang cellphone kung saan bukas ang kanyang bank account at handa ng i-transfer ang pera. Nang maabutan ay kinulit niya ulit. “Rohi? Scan ko na lang ang QR-code mo. Akin na.” Hindi pa rin siya noon pinansin ni Rohi. Naaalibadbaran na si Daviana. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang naging ganun ang reaction ni Rohi, gayong noong engagement sumasagot naman ito sa kanya kapag kinakausap niya. Nagsisisi na ba ito dito? Ang isipin iyon ay parang pinipiga ng invisible na mga kamay ang kanyang puso. Pakiramdam niya ay palayo nang palayo ang damdamin sa kanya ni Rohi kahit ang lapit nito. “Rohi—” Kinausap ni Rohi ang ibang staff kung saan sinabi nitong e-deliver ang iba sa kanilang pinamili dahil hindi nila kayang bitbitin ang lahat ng iyon. Itinikom na lang ni Daviana ang bibig kahit na nakalulan na sila ng sasakyan. Kung ayaw siya nitong kausapin, eh ‘di

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status