SABAY NG NAPATINGIN sina Rohi at Warren kay Daviana nang malakas na itong sumigaw. Hindi maikakaila sa dalaga ang takot na nararamdaman niya sa mga pagbabanta ni Warren na paniguradong gagawin. Ayaw naman ng dalaga na mawalan ng trabaho si Rohi nang dahil lang sa kanya. Ayaw niyang maging involved ito sa away nila ni Warren kung kaya naman pagbibigyan na lang niya kung ano ang gusto nitong mangyari, nang tumahimik na ang lalaki. Gusto lang naman siya nitong makausap. Wala rin naman siguro itong masamang gagawin sa kanya. Pilit siyang ngumiti kay Rohi nang magtama ang kanilang mga mata. Pinaparating niya sa mga tingin niya na ayos lang siya at hindi dapat ikaalala.
“Ayos lang ako Rohi, mag-uusap lang naman kami. Babalik din ako agad. Bitawan mo na ako.”
Masunuring binitawan ni Rohi ang braso ni Daviana na kanyang hawak at itinaas na ang kamay.
“Bitawan mo na rin siya, Warren. Nasasaktan na sa ginagawa mo si Daviana.”
Sa halip na sumunod sa utos ni Rohi ay mas humigpit pa ang hawak ni