SINUNDAN NG MGA mata ni Daviana ang binata hanggang sa maglaho siya sa kanyang paningin at sumara ang pintuan. Mahinang irit ang kanyang pinakawalan na ibinaon na sa unan ang kanyang mukha. Hiyang-hiya siya sa inasta kanina. Iyong naging assuming siya na hahalikan nito ngunit hindi naman pala. Ang lala na roon ng utak niya.
“Jusko naman, Daviana. Bakit ka naman niya hahalikan, aber? Sumagot ka nga! Bakit?” kastigo niya pa sa sarili.
Upang libangin ang kanyang sarili ay pinagbalingan na lang niya ng pansin ang maletang nakuha niya kay Warren. Yupi na ang gilid noon. Malakas kasi ang pagkakabagsak dito ng gunggong kung kaya naman anong laban noon? Sa laki noon ay nungkang magagamit niya pa iyon. Mabuti na lang at walang nasira sa mga laman noon. Inihiga niya iyon sa sahig at pa-squat na kanyang binuksan. Una niyang nakita na naroon ay ang t-shirt na pinahiram ni Rohi dati. Hindi niya pa nagagawang isauli iyon sa binata. Wala sa sarili niyang inamoy iyon. Amoy sabon iyong panlaba ngunit