SINUNDAN NG MGA mata ni Daviana ang binata hanggang sa maglaho siya sa kanyang paningin at sumara ang pintuan. Mahinang irit ang kanyang pinakawalan na ibinaon na sa unan ang kanyang mukha. Hiyang-hiya siya sa inasta kanina. Iyong naging assuming siya na hahalikan nito ngunit hindi naman pala. Ang lala na roon ng utak niya.“Jusko naman, Daviana. Bakit ka naman niya hahalikan, aber? Sumagot ka nga! Bakit?” kastigo niya pa sa sarili.Upang libangin ang kanyang sarili ay pinagbalingan na lang niya ng pansin ang maletang nakuha niya kay Warren. Yupi na ang gilid noon. Malakas kasi ang pagkakabagsak dito ng gunggong kung kaya naman anong laban noon? Sa laki noon ay nungkang magagamit niya pa iyon. Mabuti na lang at walang nasira sa mga laman noon. Inihiga niya iyon sa sahig at pa-squat na kanyang binuksan. Una niyang nakita na naroon ay ang t-shirt na pinahiram ni Rohi dati. Hindi niya pa nagagawang isauli iyon sa binata. Wala sa sarili niyang inamoy iyon. Amoy sabon iyong panlaba ngunit
BUONG TANGHALI HANGGANG hapon ang ginugol ng grupo nina Rohi sa may waterfalls. Doon na rin sila nagkayayaan na kumain ng kanilang hapunan para sa pagbabalik ng hotel ay umano matutulog na lang sila. Habang kumakain sila ay hindi napigilan ni Anelie na maisip ang kanyang kaibigan. Lantarang kinuha niya ang cellphone niya. “Mag-order ako ng pagkain ni Daviana tapos ipadala ko na lang sa room. Wala siyang appetite kanina eh, malamang hindi pa iyon kumakain ng kahit na ano. Kailangan niyang kumain ng dinner. Baka dumilat na doon ang mata niya.”Mabilis na bumaling sa kanya si Rohi upang pigilan niya. “Hindi na kailangan, Anelie. Nakapag-order na ako ng pagkain niya.”Gulantang na ibinaba ni Anelie ang kanyang cellphone at hinarap na ang amo. Hindi niya iyon binigyan ng kulay. “Talaga, Mr. Gonzales? Salamat po sa pagiging thoughtful at generous niyo sa kaibigan ko…” Kumplikadong tiningnan ni Keefer si Rohi. Ilang beses niyang ipinilig ang kanyang ulo. Ang tigas talaga ng uli ng kaibi
NAGPATULOY NA UMINOM ang dalawa nang tahimik. Tanging mga lagok lang nila sa alak ang maririnig na may panaka-naka nilang maingay na paghinga. Wala naman sa plano ng dalagang uminom. Kung hindi lang niya natanggap ang tawag ng kanyang ama, hindi iyon sasagi sa kanyang isipan. Gusto niyang mamanhid upang tanggalin ang sakit ng masasakit nitong mga salita sa kanya. Hindi sapat ang pag-iyak niya lang. Hindi nito nagagawang maibsan ang poot na kanyang nararamdaman. Gusto niyang maparalisa ang mga nerves niya kahit panandalian lang. “Ano ba ang punto ng pagiging good girl ko ng ilang taon? Gusto ni Daddy na bigla na lang akong maging bad girl.” Doon napagtagpi-tagpi ni Rohi ang dahilan ng kanyang pag-inom. Hindi si Warren kung hindi ang kanyang ama.“Sana pala una pa lang naging bad girl na ako kung alam ko lang na pipilitin niya akong maging ganito ngayon!” Gustong linawin ni Rohi kung ano ang context ng kanyang mga sinasabi, ngunit lalabas naman siyang tsismoso. Hihintayin na lang ni
ANG TAHIMIK NA silid na kanilang kinaroroonan ay nabulabog na ng malakas na tibok ng kanilang puso. Panaka-nakang maririnig ang mahinang busina ng mga sasakyan sa labas ng hotel. Nanlalaking binuksan ni Daviana ang mga matang nagawang ipikit kanina. Sa paghalik ni Rohi na ginagawa sa kanya, pakiramdam niya ay biglang nawala ang tama ng alak sa kanyang katawan. Ang unang reaction ay dapat na itulak ang katawan nito papalayo, subalit iba ang sinasabi ng kanyang puso. Umano ay hayaan niya ang binata sa mga ginagawa sa kanyang labi. Naramdaman niya ang pag-init at pamamasa pa ng kanyang labi habang puno ng panunuksong hinahalikan ni Rohi. Maya-maya pa ay naramdaman na niya na may kasama na iyong gigil mula sa binata dahil bahagyang kinagat na iyon. Hindi na napigilan ni Daviana na mag-react. Pwersahang itinulak niya ang binata gamit ang dalawang palad sa dibdib dahil kapag hindi niya ginawa iyon, pakiramdam niya ay mauubusan siya ng oxygen sa kanyang katawan nang dahil dito. Naging matiga
KUSANG TUMIGIL SI Rohi nang mapagod ang kanyang dila, ngunit hindi niya naman tinanggal ang labi sa pagkakadikit sa labi ni Daviana. Kapwa na nila naaamoy ang mainit nilang hininga mula sa kanilang ilong. Ang namumulang mukha at at nahihiyang mga mata ay malinaw na makikita sa liwanag ng mga mata ngayon ng binata.“Hindi ka na makahinga?” Bahagyang inilayo ni Rohi ang kanyang mukha sa dalaga. Kapwa basa ng laway ang kanilang labing dalawa. Nanghihinang napasinghap na ang dalaga. Parang tatalon na sa mga sandaling iyon ang puso niya sa sobrang kaba. “Ikaw…anong...” hindi niya magawang dugtungan ang sasabihin nang dahil sa paghahabol niya ng sarili niyang hininga.Hindi lang iyon, natagpuan niya ang kanyang sarili na sobrang nangangatal nang dahil sa nangyari sa pagitan nila. Hindi nakaligtas sa paningin ni Rohi iyon. Lalo pa siyang nanginig nang sa sobrang tensyon na nararamdaman niya. Sa halip na ilayo ang katawan sa dalaga, muli niyang hinawakan ang baba nito upang magtama ang kani
KULANG NA LANG sy kumalas ang panga at mahulog iyon sa mukha ni Daviana nang dahil sa impact ng kanyang narinig. Sa labis niya pang takot na baka nga kung ano ang gawin ni Rohi sa katawan niyang walang kalaban-laban ay mariing itinikom na lang niya ang kanyang bibig. Parang basurang winalis ng ginawa ng binata sa kanya ang lahat ng kanyang mga problema. Walang natira kahit na ang mabigat na suliranin niya sa mga sinabi ng kanyang ama. Napalitan iyon ng event kung saan hinahalikan siya ng binata. Paulit-ulit iyong nag-replay sa utak.‘Walangya kang lalaki ka, anong kasalanan ko at bakit mo ako ginaganito? Bakit mo ako napapasunod? Kaanu-ano kitang kumag ka!’ Naubos na ni Rohi ang kanyang iniinom kung kaya naman tumayo na siya na parang walang anumang naging ganap sa pagitan nila ni Daviana. Iyon ang buong akala ng dalaga pero sa kaloob-looban ng binata ay hindi niya na maintindihan ang sarili kung bakit ginagawa iyon. Hindi na siya bata at lalong hindi siya inosente, pero in-denial si
PADAPANG ITINUMBA NI Daviana ang kanyang katawan sa ibabaw ng kama. Halos lumubog siya doon nang bumagsak. Ibinaon niya pa ang kanyang mukha sa unan ngunit pagkaraan ng ilang minuto ay agad din niyang tinanggal ang mukha dito upang huminga. Pakiramdam niya kung hindi niya gagawin ang bagay na iyon ay masu-suffocate siya. Paulit-ulit pang nag-replay sa kanyang isipan ang umaatikabong halikan nila ni Rohi kanina. “Daviana naman kasi, bakit hindi mo siya pinigilan? Gusto mo rin eh!” kastigo ng dalaga sa kanyang sarili na tumihaya na upang isipa-sipa lang sa ere ang kanyang dalawang mga paa, “Ano pang mukhang ihaharap mo sa kanya? Tingin mo kagaya pa rin kayo ng dati? Hindi na, girl! Mahihiya ka ng makisalamuha pa sa kanya kahit komportable.”Muling dumapa si Daviana at inilubog na naman ang kanyang mukha na animo ay itinatago iyon. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung kinikilig ba siya o nahihiya sa mga nangyari. “Sandali, bakit ang kalmado lang niya kanina? Ibig sabihin hi
SINAMAAN PA NG tingin ni Daviana ang kaibigan. Hindi na niya nagugustuhan ang tabas ng dila nito. Gusto na niyang tawirin ang kanilang distansya at lamukusin ang bibig nitong parang walang planong tumigil ng pang-aasar sa kanya.“Manahimik ka, Anelie! Huwag ka ngang gumawa ng isyu diyan! May makarinig sa’yong ibang tao tapos iba ang isipin.” naiinis at the same time ay nahihiyang turan ng dalaga na inikutan pa ng mga mata ang kaibigan upang ipakita na hindi na siya natutuwa sa mga pinagsasabi nito, “Narinig mo? Walang kwenta iyang mga sinasabi mo. Gumagawa ka talaga ng isyu kahit na wala naman. Tigilan mo nga akong asarin. Badtrip pa ako ngayon! Baka balingan kita diyan!”Tumayo na si Anelie. Siya naman ang nameywang kay Daviana. “Anong walang kwenta? Totoo ang mga sinasabi ko! Hiningi naman talaga sa akin ang card ng room ko, ni Mr Gonzales. Hindi ako nagsisinungaling sa bagay na iyon, aba.” giit pa nitong pinakatitigan na ang mukha ni Daviana, lumaki ang mga mata niya na tila ba ma
HINDI GUMALAW SA kinatatayuan niya si Daviana na nanatili ang malamlam na tingin sa nasa harapang si Rohi. Gusto niyang sundin ang suggestion nito ngunit pinigilan niya doon ang kanyang sarili. Pinagmasdan pa siya ni Rohi nang tahimik na may nase-sense na kakaiba kung bakit ganun na lang ang hitsura ni Daviana. Hindi mapigilan ng lalaki na punahin kung gaano kaganda ni Daviana sa kanyang suot na damit. Dangan lang at ayaw niyang purihin ito nang tahasan at sa malakas na tinig dahil paniguradong iiyak siya dahil sa ibayong sakit lang din ang dulot nito sa kanya. Hindi na nakaligtas sa kanyang mga mata ang emosyon ng pagiging desperado sa mga mata ng babae niyang kaharap. Pinatay na niya ang apoy ng sigarilyo at itinapon na iyon sa basurahan. Mabagal ng humakbang palapit kay Daviana. Gusto na niyang tanggalin ang suot na coat at ibigay sa babae dahil nakita niyang nangangatal na ang labi nito sa lamig.“Anong nangyari, Viana?”“Biglang nawala sa hotel na ito si Warren, mukhang pinuntaha
ILANG SANDALI PA ang lumipas at umahon na si Daviana sa sofa at mabagal na lumabas na ng dressing room na walang sinuman ang nagbibigay sa kanya ng atensyon. Busy ang lahat sa kanilang ginagawa kung kaya naman nagawa niyang makalabas nang walang sinuman ang nakakakita. Puno ng pananantiya ang hakbang niya sa hallway, tumitingin-tingin sa paligid kahit na kahibangan kung makikita niya doon si Warren. Hindi alam ni Daviana kung saan siya papunta. Gusto niyang lumabas na ng hotel kung kaya naman pumanaog siya kung nasaan ang banquet hall na puno na ng mga bisita. Kung dadaan siya doon, agaw pansin ang kanyang suot na damit. Paniguradong makikilala siya sa isang lingon lang nila.‘Punyeta ka talaga, Warren! Ipapahiya mo ba talaga ako? Bakit mo ako iniwan dito? Tatakas ka rin lang naman pala!’Namumutla pa rin ang kanyang mukha. Sa halip na dumiretso at ituloy ang kanyang paglalakad, muli siyang umikot upang bumalik sa kanyang pinanggalingan. Hindi siya pwedeng lumabas. Dinala siya ng kany
HINDI RIN SUKAT-AKALAIN ni Daviana na biglang tatakbuhan siya ni Warren. Kahit siya ay hindi naisip na magagawa niya ang bagay na iyon lalo pa at mayroon silang matinong kasunduan. Hindi nila nahulaan na angyayari ito kaya pati ang kanilang magulang ay nagawang mag-relax lang at makampante. Akala niya magiging kuntento na ito sa kanilang pekeng engagement, kaya bakit niya ginawa ang tumakas? Wala iyon sa choices.“Hindi siya nag-iisip! Ano na lang ang mangyayari sa kahihiyan ng ating pamilya?!” problemadong sambit ni Welvin na hindi na mapalagay, kung sinu-sino na ang tinawagan nito at kinakausap. “Mabuti sana kung tayo-tayo lang din na pamilya ang nakakaalam. May mga invited ka pang mga media, Carol!” baling na nito sa kanyang asawa.“Ano ba talaga ang nangyari, Daviana? Tumakas ba siya kasama ang babaeng iyon?” baling muli ng babae kay Daviana upang magtanong muli. “Hindi ko po alam, Tita Carol. Ang sabi lang po ni Warren ay may tatawagan lang siya.” hindi na niya sinabi pa ang pan
MAKAHULUGAN NG TININGNAN ni Anelie si Daviana na para bang binabasa nito ang laman ng kanyang isipan ng sandaling iyon na nabanggit ang lalaking alam naman nilang pareho na laman ng puso ni Daviana at hindi ito si Warren. Napaiwas na ng tingin si Daviana sa kaibigan niya. Kilala niya ang mga tinging iyon. Ayaw niyang kaawaan siya nito na iyon na ang nakikita dito.“Oo, Viana. Hindi lang din kaming dalawa ang narito. Actually, marami kami sa mga employee ng Gonzales Group kabilang na si Keefer. Nasa banquet hall na kami kanina malapit doon sa may pagdadausan ng engagement niyo. Inutusan lang ako ni Keefer na pumunta dito sa'yo upang alamin kung nagkita ba kayo ni Rohi. Alam mo na, iniisip lang namin na baka gumawa pa siya ng gulo.” Bumigat ang pakiramdam ni Daviana na para bang may invisible na mga kamay na pumipiga sa kanyang puso paulit-ulit at ayaw bumitaw. Bakit pa siya pumunta ng araw na iyon doon? Hindi naman na niya kailangan pang magpakita. Ayaw din naman niyang makita ang lal
HINDI SUMAGOT SI Melissa. Umiyak lang nang umiyak. Umiihip pa rin ang malakas na hangin sa pandinig niya. Pakiramdam ni Warren ay malapit na siyang liparin ng napakalakas na pressure ng hanging iyon. “Sige na Melissa, please? Bumaba ka na diyan at pumasok ka sa loob ng silid. Pag-usapan natin mabuti ang suggestion ko. Hmm? Makinig ka na…” That was a life, not to mention na girlfriend niya iyon. Umiinit na ang kanyang ulo pero pilit na kinakalma upang huwag siyang magalit. Nanghihinang sumandal na ang katawan niya sa pader. Pumikit na siya nang mariin. Tila may dumaang picture ni Melissa sa balintataw na nahulog ito mula sa palapag, may dugo at scenes na lumilipad sa kanyang isipan.“I don't want you to get engaged…” nabubulunan ng sariling luha na sambit ni Melissa, “Hindi ko kayang tanggapin. Sinabihan na kita noon di ba? Bakit ayaw mong umalis ng bansa at sumama sa akin? Pumunta tayo sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Lugar na hindi nila tayo mapipilit na maghiwalay, Warren.
GANUN NA LANG ang naging pag-iling ni Warren matapos na huminga nang malalim. Nasa screen pa rin ng kanyang cellphone ang mga mata; sa nunero ng nobya na patuloy pa rin sa ginagawang pagtawag.“Hindi na. She might be a little emotional today…alam mo na, engagement natin. Ayokong marinig ang boses niya na umiiyak at nasasaktan dahil baka hindi ko kayanin.” sagot nitong nakatitig pa rin sa screen. Napakunot na ang noo ni Warren nang may picture na sinend si Melissa at nag-appear iyon sa notification bar ng kanyang cellphone. Nagbago ang hilatsa ng kanyang mukha nang makita iyon. Masusi at tahimik na pinanood pa ni Daviana ang kanyang reaction. Nahuhulaan na niyang may mali sa kaharap.“Anong meron, Warren?” tanong niya nang mapansing namutla pa ang kanyang mukha, napuno ng takot ang mga mata ng malingunan na si Daviana. “V-Viana, saglit lang ha? Tatawagan ko lang siya.”Ipinagkibit-balikat iyon ni Daviana kahit na medyo bothered na siya sa naging reaksyon ng lalaki. Alam niyang may ma
ILANG SANDALI PA ay pumanaog na si Daviana hawak ng magkabila niyang kamay ang gilid ng damit upang huwag niyang maapakan. Nang makita niyang naroon na si Warren ay bahagya lang siyang tumango dito at naglakad na patungo sa ina niyang si Nida. Nakatitig pa rin sa kanya si Warren ng mga sandaling iyon. Ang tagal niyang hindi nag-react. Nang bumalik siya sa kanyang katinuan, ang kanyang puso ay marahas na tumitibok na animo ay tinatambol. Hindi niya maiwasang tumingin ulit sa likod niya kung nasaan ngayon si Daviana kausap pa ang kanyang ina. Mula sa anggulo ni Warren ay kitang-kita niya ang magagandang collarbone nito ba nagmistulang butterfly at balingkinitan naman na puting swan ang leegnito. Binawi ni Warren ang tingin, ngunit ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Kasama niyang lumaki si Daviana, kaya kailan pa siya naging ganito kaganda at bakit hindi niya ito nakita?Malalim ang hinga ni Nida nang pinagmamasdan ang anak na bihis na bihis. Malaki na ang anak na hindi man lang ni
SA BISPERAS NG kanilang engagement ay nagpadala ng message si Melissa kay Warren. Pinag-isipan niya itong mabuti. At nang hindi makatanggap ng reply sa kasintahan, minabuti na lang niya na katawagan na si Warren na kinailangan pang patagong lumabas ng kanilang bahay dahil sa maraming tao doon. Kinukumpirma nila ang mga detalye ng mangyayaring engagement nila ni Daviana kinabukasan. Sumasakit ang ulong sinagot na niya ang tawag ni Melissa. “Hey, bakit ka tumatawag? Alam mo namang busy ako—” “Ang engrande ng magiging engagement niyo ni Daviana aat halos mga kilalang tao ang bisita. Sa tingin mo magagawa mong i-cancel iyon at hindi matuloy na mauwi sa kasalan?” puno ng lungkot, selos at pagdududang turan ni Melissa dito. “Sinabi ko naman sa’yo di ba? Gagawa ako ng paraan. Hahanapan ako ng paraan. Wala ka bang tiwala sa akin, Melissa?” Suminghot na doon si Melissa na halatang umiiyak na naman dahil sa sinabi niya. “Sinabi ko rin naman sa’yo na hindi ko hawak ang lahat. Wala akong kon
IBINUKA NA NI Warren ang kanyang bibig upang lumaban, ngunit ang mga salita ay natigil lang sa dulo ng kanyang dila. Ano ang sasabihin niya naman? Noong una ay gusto niyang igiit na kung gusto niya, maaari rin naman niyang puntahan ang lalaking nagugustuhan anumang oras, ngunit hindi niya ito masabi. Ayaw ni Warren na makita niya ulit ang lalaking iyon. God knows whether that mysterious man is good or bad. Anyway, simula nung nainlove si Daviana sa lalaking ‘yun, wala ng nangyaring maganda sa buhay ng dalaga. “Ano pa nga bang magagawa ko sa inyo, Warren?” “Wala, Viana. At most I can see Melissa less before we break off the engagement. Sinabi ko na rin sa kanya na dapat hindi na kami magkita ng madalas gaya ng dati. Okay na sa’yo iyon? Masaya ka na ba ha?”Wala namang pakialam si Daviana kung magkita pa sila o hindi na. Ang sa kanya lang ilugar nila dahil maaaring simulan iyon ng iba’t-ibang uri ng tsismis. Ayaw din naman niyang maging laman ng mga iyon. “It was you who proposed th