DHALIA's POV
Napansin ni Henri na hindi ako komportable. At alam kong talo na ako sa laban na ‘to—kilala ni Irina ang lahat ng naririto, at ang mas masakit, akala ng karamihan, sila pa rin ni Henri ang mag-asawa.
Naglalaro pa sila rito. At sa malas ko, tinawag ng host sina Henri at Irina para sumali. Kahit pa ilang beses tumanggi si Henri, sinasabing ayaw niyang iwanan mag-isa ang asawa niya, wala siyang nagawa.
Napansin kong tila aliw na aliw ang barkada nila sa pagtutukso sa dalawa.
"Are you sure it's okay, Dhalia?" tanong ni Henri, halatang nag-aalangan.
Tumango ako at pinilit ngumiti. "Oo naman, Henri. Huwag kang killjoy," sagot ko, kahit sa loob-loob ko, gusto kong sigawan ang lahat ng narito. Wala ba silang pakiramdam? Hindi ba nila naiisip na asawa niya ako at hindi na si Irina?
Hindi ko na kayang tingnan ang laro. Napayuko ako at itinuon ang paningin sa baso ng alak sa harapan ko.
Tiningnan ko lang ang mesa, pilit nilulunok ang bigat sa dibdib. Alam kong dapat akon