DHALIA's POV
Pagkatapos ng tensyonadong usapan namin ni Henri, nagdesisyon akong manatili sa sala, pilit pinapalipas ang bigat sa dibdib. Nakaupo ako sa sofa, hawak ang baso ng gatas na kanina ko pa hindi naiinom. Samantalang si Henri naman ay tahimik na nakatayo sa tabi ko, waring may gustong sabihin pero nag-aalangan.
"Baby," basag niya sa katahimikan.
Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko, ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala.
"Hindi mo kailangang mag-alala kay Irina."
Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ako sasagot.
"Para sa negosyo lang talaga ‘yun," dagdag niya. "At kung nag-aalala ka kung bakit hindi ko agad sinabi sa'yo, hindi ko lang gustong mabahala ka nang hindi naman kailangan.”
Tumingin ako sa kanya. "Pero bakit siya, Henri? Maraming ibang modelo."
Umiling siya at hinaplos ang pisngi ko. "Alam kong hindi mo gusto, pero ito ang pinakamagandang desisyon para sa kumpanya. Ikaw ang asawa ko, Dhalia. Hindi siya."
May kung anong init ang lumukob sa puso ko sa