"THEY'RE HERE!" impit na tili ni Tati
Nag angat siya ng tingin mula sa pag kakaupo sa lawn ng garden. Sinindahan niya ang huling kandila na nasa loob ng isang mason jar na ikinalat nila sa lawn. Ideya iyon ni Tati para daw mas romantic.
Akay nina Shimmer ang Daddy nila at akay naman ni Shine si Tita Melody. Parehong may piring ang mga mata ng mga ito.
Dinala ng kambal ang mag asawa malapit sa round table na inihanda nila para dito
Humilera naman sila sa gilid nina Tati na kanina pa halos mamilipit sa kilig, katabi nito si Amanda na panay naman ang irap dito. Wala si Geneva dahil sinundo ito ng biological mother nito kanina.
"What's really happening girls?" Nangingiting sabi ng Daddy nila
"Okay love birds pwede niyo ng tanggalin ang piring niyo" masayang sabi ni Tati
Sabay ngang tinanggal ng dalawa ang mga piring.
"Happy anniversary!" Duet nilang mag kakapatid
Lumapit dito si Amanda at iniabot ang binili niyang bouquet kanina.
"Oh my god.." Naiiyak na sabi ni Tita Melody. Bakas sa mukha nito ang sobrang kaligayahan. Inakbayan ito ng daddy nila na namamasa ang mga mata halatang masaya rin ito sa ginawa nilang surpresang mag kakapatid "Oh god.. You all prepare this for us?" Naluluhang sabi ni Tita Melody
"Ah-huh" tatango tangong sagot ni Tati ang lapad ng ngiti nito "do you like it?"
"No! I love it! Oh my god thank you.. thank you.." Tuluyan ng naiyak ang Tita Melody niya.
"Aaww" sabay na sabi ng kambal habang parehong naka labi
"Group hug!" Sigaw ni Tati na nanguna ng tumakbo ng yakap sa mga magulang nila. Sumunod na rin sila at naki group hug narin
Pag katapos ng group hug ay nag silbi silang waiter at pinag silbihan ang mag asawa. Hanggang sa nainggit ang kambal at kumandong sa tig isang hita ng daddy nila, kaya naman nakisali narin sila. Napuno ng tawanan at biruan ang buong garden
Pumasok siya sa kusina para kunin ang desert. Nasalubong niya si Amanda na papasok na.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya dito
"Sa taas. matutulog na. kalabisan na ko sa labas" nakairap na sabi nito. Napailing nalang siya at tumuloy na sa garden
Natanaw niya ang mga kapatid at magulang nag kakasayahan ang mga ito
Napangiti siya habang pinag mamasdan ang mga ito.
Ang mga ganitong pag kakataon ang dahilan kung bakit mas ginugusto niyang ma buhay araw araw. Napakasaya niya dahil natagpuan siya ng Daddy niya ng mga panahong isinuko niya na ang kagustuhang mabuhay.
Pinag masdan niya ang mga ito. Nakayakap si Tati sa likuran ni Tita Melody at habang kandong ng daddy niya ang kambal. Larawan ng isang masayang pamilya ang mga ito kapag wala sila nila Geneva at Amanda sa eksena.
Tama si Amanda, kalabisan nga sila sa mga ito. Ang mga ito ang tunay na mag kakapamilya.
Samantalang sila.. Siya? Nakikisali lang sa pamilya na meron ang daddy niya
Ayaw man niya pero hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit para sa mga kapatid. Dahil ang mga ito buo ang pamilya nila, masaya nag mamahalan..
Hindi kailangan ng mga kapatid niya na bantayan ang bawat kilos para hindi maka offend dahil sa pag aalala na mapaalis sa bahay na ito. Naiinggit siya sa pakiramdam na kahit anong gawin mong kamalian alam mong tatanggapin at patatawarin ka ng mga magulang mo dahil sakanila ka galing. Hindi ba nga ang mga magulang daw ay hindi kayang tiisin ang mga anak? Oo nga at tunay siyang anak ng daddy niya pero ang nangingilag siya sa Tita Melody niya. Takot siya na mag kamali at magalit ito sakanya. Kaya hanggang maaari hindi pinipilit niyang hindi mag bigay ng problema sa mga ito. Kahit ang pang bubully akanya sa school ay never niya pang na i-open sa mga ito dahil sa takot na isiping puro problema ang dala niya, kaya naman pinipilit niyang umiwas sa gulo kahit na lagi siyang pinapahiya at sinasaktan sa school inililihim niya. Lagi niyang iniisip na wala siyang karapatang istorbohin ang daddy at Tita Melody niya dahil takot siyang may maipintas ang mga ito sakanya.
Noon nga lang pinatawag ang mga ito sa opisina ng dean halos umiyak na siya sa sobrang hiya sa mga ito.
At kahit gustuhin niyang lumipat ng school di niya magawang i-request sa mga ito dahil na rin sa hiya.
Matagal na niyang itinanim sa isip niya na wag abusuhin ang mga ito. Tanggapin kung ano lang ang ibigay ng mga ito at sundin kung anuman ang bilin ng mga ito sakanya at mag pasalamat na binago ng mga ito ang buhay niya
Hindi niya ka-level ang mga kapatid na sina Tati, Shimmer at Shine. Lehitimong anak ang mga ito mas may karapatan kesa sakanya.
Hindi siya dapat mag reklamo, wala siyang karapatan.
Mas maganda na ang buhay niya ngayon kesa sa impyernong pinanggalin niya kaya walang dahilan para mag reklamo siya, ang lugar na ito ay matuturing na niyang langit.
Napangiti siya ng mapait.
---------------------------------
"KAMUSTA KANA?" tanong ni Jessa habang abala sa pag scroll sa cellphone niya. Nag lalakad sila papunta sa swimming class nila
"Ayos lang" sabi ko na pasimpleng sinilip ang iphone nito. Ngayon lang kasi ito parang bising-busy sa cellphone nito na halos di nito napansin na tatlong beses na siya nitong tinanong kung kamusta na siya mula pa kaninang nag kasama sila
Napansin naman nito ang pag dukwang niya sa cellphone nito kaya agad nitong iniiwas ang cellphone sakanya
"You are invading my privacy!" Duro nito sakanya na ikinagulat naman niya. Dati rati naman ay wala itong pakialam kahit silipin niya kung sino man ang ka chat o ka text nito sa tagal ng pag kakaibigan nila
Hindi naman siya na offend dahil sanay na siya sa pa iba ibang mood nito, pero mas lalo lang siyang na curious sa pinag kaka abalahan nito sa cellphone nito.
Napakamot na lang siya sa tungki ng ilong niya
"Ano ba kasi yan" tanong niya dito
"N-nothing" sagot nito saka mabilis na nag lakad palayo sakanya
"Hoy intayin mo ko!" Tawag niya dito ng makitang mabilis na lumiko na ito kaya nilakihan niya ang mga hakbang para makaabot siya sa kaibigan. Sa pag mamadali niya hindi niya napansin na may makakasalubong pala siya sa pag liko kaya naman ng bumangga siya sa kasulubong niya ay nawalan siya ng panimbang
Akala niya ay tuluyan na siyang babagsak sa sahig pero may mga braso na humapit sa bewang niya at hinila siya papunta sa katawan ng kung sino mang nag ligtas sa kanya
Hindi niya napansin na mahigpit pala ang pag kaka pikit niya kaya ng unti unti siyang nag mulat parang huminto ang mundo niya ng masilayan ang magagandang pares ng mata na nakatunghay din sakanya
Amusement was written in his beautiful blue green eyes. Napalunok siya. Parang na hi-hypnotize siya sa mga mata nito at nawawala sa realidad at unti unting dinadala sa pantasya. Napakasarap titigan ng mga mata nito, kahit ata buong mag hapon silang mag titigan walang problema sakanya
Tumikhim ito pero parang wala siyang narinig. Ngumiti ito na parang naaaliw sakanya. Lumabas tuloy ang mga biloy sa mag kabilang gilid ng labi nito.
Ang bilis ng tibok ng puso niya parang sasabog na yon sa sobrang lakas.
"Ayos ka lang?" Tanong nito na nakangiti parin sakanya
Wala sa loob na umiling siya. Ni hindi niya alam kung para saan ang pag iling niya. Basta ang alam niya ayaw niyang bitawan siya nito. Masarap sa pakiramdam ang pag kakalapit ng mga katawan nila at ang pag kakapulupot ng braso nito sa baywang niya
Tumikhim uli ito. Niluwagan ang pag kakahawak sakanya saka inalalayan siyang makatayo ng ayos. Nakaramdam siya ng pang hihinayang dahil sa pag kakalayo nila
"Gusto mo bang samahan kita sa clinic?" Tanong nito na halata ang pag pipigil ng pag ngiti
Pinamulahan siya ng mukha ng marealize ang kagagahan. Sino ba siya para pag kaabalahan ni Kristoff?
"H-hindi n-na.. Pasensya k-kana" nabubulol na hinging paumanhin niya dito. Nakayuko siya at hindi matitigan ang mukha nito na kanina lang ay kay lapit lapit sakanya.
"Are you sure?"
Tumango nalang siya. Sa isip ay kinakastigo ang sarili. Para siyang timang kanina na nakipag titigan pa dito habang pinapantasya ito.
"E-excuse me" sabi niya saka nag mamadaling lalagpasan na sana ito pero mabilis nitong hinawakan ang kamay niya
"Wait" pigil nito sakanya
Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sakanya saka sa mukha nito
Nakangiti ito sakanya na para bang mag kaibigan sila. Lalong nag wala ang puso niya. Sino ba namang hindi? Si Kristoff Sandoval ang nasa harapan niya! A drop dead gorgeous and one of the most popular in their university!
"B-bakit?" Nahihiyang tanong niya dito
Binitawan nito ang kamay niya saka nag kamot ng batok na parang nahihiya at nag aalangan sa sasabihin.
"Are you free tomorrow night? Meron kasing gagawing party para sa pag ka panalo ng team this season"
Nanlaki ang mata niya hindi siya makapaniwala sa narinig mula dito. Did he just invite her to his party? Siya na isang nobody? Alam ng lahat kung gano ka bongga mag pa-party ang mag kapatid na Sandoval. Ang lahat ay nag nanais makarating don at ang ibang nakakapunta naman ay di mag kamayaw sa pag yayabang na naka attend sila. Everyone dreams to attend to that party even her. She wants to come too but no one invite her. No one would ask her to come in anyone's party. But now, Kristoff Sandoval invites her himself to come to his fabulous party. Sino siya para tumanggi? Mabilis siyang tumango
Lumapad ang pag kakangiti nito
"You can come with a friend if you want" sabi pa nito "So, I gotta go may practice pa kami eh"
Yun lang at nag paalam na ito sakanya. Kumaway pa ito kaya wala sa loob na itinaas din niya ang kamay saka marahang kumaway dito. Hindi siya makapaniwa. For the first time makaka attend siya ng party at si Kristoff pa mismo ang nag imbita sakanya.
to
becontinued....NAGING civil ang pakikitungo ni Kristoff sa kanya sa mga nakalipas na araw. At nakokontento na siya doon.Pilit niya ring iniiwasan si Kenobi. Hindi naman mahirap sa kanya iyon dahil madalas naman na wala ang binata sa mansion. Minsan ilang araw ding hindi umuuwi ito.Kahit papaano nakakakita siya ng progress sa kanila ni Kristoff kahit pa malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya.Isinara niya na ang thermal bag na naglalaman nang niluto niyang lunch para kay Kristoff at isinukbit ang shoulder bag niya.Naisipan niya kasing hatiran ng lunch si Kristoff. Susubukan niya lang humakba pa ng kaunti papalapit dito. Sa tingin naman niya ma-aappriciate nito ang effort niya.Sumakay siya sa taxi na tinawagan niya kanina. Nagpahatid siya sa company ng mga Sandoval. Ngayon pa lang siya makakapunta kaya excited siya dahil feeling niya marami pa siyang bagay na hindi alam sa asawa.Bumaba siya ng taxi at pumasok sa building. Nagbigay siya ng I.D. at
Mina's POVMALAMIG na tiles ang kinahihigaan niya. Masakit at parang binibiyak ang kanyang ulo. Marahan siyang bumangon at inilibot ang paningin sa paligid.Nasa loob siya ng isang banyo. Napapikit siya at napahawak sa sentido niya ng bigla na naman sumigid ang kirot. Pilit niyang inalala kung nasaan siya.May ipinadalang box si Krisstoff. Excited siyang nag ayos at sumama sa driver pahatid sa isang bulwagan. May kausap siya hanggang sa labas si Kristoff na galit sa kanya. Isinama siya nito sa bulwagan. May mga kausap si Kristoff hanggang sa magpaalam siyang pupunta sa restroom... Nakita ni si Elizabeth... At umagos ang mga luha niya ng maalala ang mga sinabi nito. Napatakip siya sa bibig niya para pigilin ang mas malakas pang paghagulgol. Bumalot ang sakit sa puso niya at parang may kamay na pumipiga doon.Inabot ng kamay niya ang sink at nagpumilit na tumayo. Napatingin siya sa harap ng malaking salamin.Isang puting t-s
Hannah's POVSHE decided to play the role of her alter. Napakadali namang gawin niyon. Magbait-baitan at plastikin ang mga nakakaharap niya. She has a better plan now.Magkunwaring si Mina at gamitin si Kenobi.Naisip niya kung noon ay nagawa siyang isailalim ng Daddy niya sa isang hypnosis para ibalik ang control ni Mina maaaring magawa rin nito iyon ngayon.Blessing in disguise na ngang maituturing ang pagtatagpo nila ni Kenobi sa parking lot at ang pagkakabuko nito sa sikreto niya.Kaya naman sumama siya dito sa mansion ng mga Sandoval para maging si Mina, ang asawa ng antipatikong si Kristoff. Okay, given na gwapo nga si Kristoff, hindi lang gwapo. He look like a dashing prince just like Kenobi. But! She don't like him. That jerk tried to hurt her. Subukan lang nitong ulitin iyon makakatikim ito sa kanya.She wonder kung anong klaseng relasyon mayroon si Mina at Kristoff. Mukha kasing battered wife ang alter niy
Hannah's POVHalos pangapusan siya ng hininga ng maglayo ang mga labi nila. Nginitian niya si Kenobi saka hinaplos ang pisngi nito. Ginagap nito ang kamay niyang nasa pisngi nito saka iyon hinalikan. Nakapikit ito habang ginagawa iyon.Lihim siyang napangiti. Ang bilis nitong kumagat sa pain niya. Konting drama at konting kwento bumigay kaagad ito.Buti na lang pala at nakita siya nito sa parking lot kanina at dinala dito. Noong una hinayaan niyang sumama dito dahil attracted siya dito, kahit pa sinaktan siya nito ay hindi nabawasan iyon. Pero nang pumasok siya sa kwarto nito kanina at pakialaman ang mga gamit nito, Nakita niya ang isang picture frame.Si Ethan Sandoval at nasa tabi nito ang magkakapatid na Sandoval. Isa na roon ang nagpakilalang asawa niya at si Kenobi.Tignan mo nga naman ang tadhana. Tuluyan na nga atang nabaliw ang alter niya at hinayaang maikasal sa isang Sandoval? At sa anak pa ni Ethan Sandoval? Ang
Kenobi's POVHindi niya alam kung maniniwala siya o hindi sa sinasabi ng kaharap. Sinubukan lang naman niya itong sindakin. Hindi naman niya alam na may malalaman siyang lihim.Dissociative Identity Disorder- Parang ang hirap paniwalaan. Pero mas katanggap-tanggap iyon kaysa sa biglaang pagbabago ni Mina."Si Mina at ako ay iisa. Si Mina ay ako at ako si Mina."Ani ng babaeng kaharap niya. Matagal siyang napatitig dito. Mukha ni Mina ang nakikita niya, pero magkaiba ang mga mata ng mga ito.Sa babaeng kaharap ay walang pag-aalinlangan ito kung tumitig sa kanya. Iba sa Mina na kilala niya. Mina will always bow her head at hindi kayang makipagtitigan nang matagal. Kaya pala parang iba ito, iba sa Mina na nakilala niya. Iba sa Mina na...na mahal mo?- tudyo ng isip niya. Oo iba sa Mina na minahal niya. Sa inosenteng Mina na nagpalambot ng puso niya.Muli niyang pinaandar ang kotse niy
Hanna's POV"LET'S PLAY!" aniya sa lalaki nang makasakay na rin ito sa loob ng kotse."Play?" ulit nito."Ahhuh," aniya at tumango-tango. Mayroon siyang mas dapat unahin, pero Hindi niya mapigilan ang sariling unahing landiin ang lalaking ito. Sayang kasi e, he's so hot talaga and so fuckable! Napakalinamnam para tanggihan! At tao lang siya, mahina sa tukso."Anong laro? " Nakakunot ang makinis na noo nito pero may munting ngiti sa sulok ng mga labi.Napangiti rin siya. "Kunya-kunyarian!" aniya.Malutong na natawa ito. "Kunya- What?""Ang bobo mo naman, di mo alam yung kunya-kunyarian?" eksaheradang tanong niya dito. "Kunya-kunyarian. Yung magkukunyari tayong hindi kilala ang isa't isa. Kunwari ngayon lang tayo nagkakilala," paliwanag niya dito.Sumimangot ito. "That's stupid."Naipaikot niya na lang ang eyeballs niya. Ang hirap namang utuin ng letse na to! Halata naman na kilala nito si Mina pe