Share

Chapter 3.1

Author: Raw Ra Quinn
last update Huling Na-update: 2025-06-16 13:33:10

Mina's POV

BUMABA ANG mag kahalong asul at berdeng mga mata nito sa mga labi niya. Matagal itong tumitig doon na parang nahihipnotismo. Nag taas baba din ang adams apple nito.

Nanlaki ang mga mata niya ng unti unting bumababa ang mga labi nito papunta sakanya

"Excuse me sir, mam may napili na po ba kayo?" Sabi ng saleslady na lumapit sakanila.

Natigilan si Kenobi at napakurap kurap mabilis nitong inilayo ang ulo sakanya at mahinang napamura, binitiwan siya nito at hinarap ang tindera.

"Bibilhin ko lahat ng bulaklak dito. Here's my card" dinukot nito ang pitaka at kinuha ang isang black na credit card doon "ipadala mo sa address niya" tinuro siya nito. Pag katapos kunin uli ang credit card nito at walang paalam na lumabas na ng shop.

Nasundan niya nalang ito ng tingin ang papalayong si Kenobi. Kahit kailan ay hindi niya maiintindihan ang ugali nito.

Mula pa ng unang araw na tumapak siya sa loob ng campus ng university naging mainit na ang mga mata nito sakanya.

Naalala niya ang ibinulong nito kahapon

'Because you look like your fucking mother, Charito Alvarez'

Puno ng pag kasuklam ang boses nito at galit habang ibinubulong nito iyon

Pano nito nalaman kung sino ang tunay niyang ina? Anong koneksyon ni Kenobi sa Mama niya?

"Mam.." Pukaw sakanya ng tindera

"Y-yes?"

"Kunin ko po yung address niyo mam"

"Ah.." Inabot niya ang delivery form na hawak nito at ballpen saka sinagutan iyon

Sayang din ang mga bulaklak. Hindi na niya inisip na galing iyon kay Kenobi. Matapos ibalik ang form sa tindera ay binitbit niya na ang mga pinamili niya na nilapag niya kanina sa isang tabi. Pag yuko niya nakita niya pa ang tulips na hawak ni Kenobi kanina. Wala sa loob na kinuha niya yon at inamoy

Kenobi's POV

MABILIS SIYANG lumabas ng flower shop at nag lakad papalayo doon. Daig niya pa ang may hinahabol sa laki ng mga hakbang niya

He almost kiss that bitch at hindi niya alam kung bakit parang nang aanyaya ang mapupulang mga labi nito. Nang matitigan niya yon kanina parang nag laho ang lahat ng nasa paligid niya at dalawa lang silang natira, walang ibang nasa isip niya kundi malaman kung gaano kalambot ang mga labi nito. Napasintido siya, nababaliw na ata siya. Dapat ay pahirapan niya si Hermina Alvarez-De'Marco hindi pag nasahan! Shit . Kung hindi dumating ang tindera kanina baka naipahiya na niya ang sarili sa freak na yon.

Mina's POV

NA LOWBAT na siya kaya naman hindi niya ma text ang driver na sunduin siya sa entrance ng mall.

kaya naman nag pasya nalang siya na mag lakad papuntang parking lot. Kailangan na niyang makauwi agad para ma-i-marinade niya pa ang beef at maibigay ang mga gagamiting decorations nila Shimmer at Shine

Kakapasok niya palang sa parking lot at hindi niya pa matanaw ang kotse nila, malayo kasi ang napag parkingan ng driver niya.

Natigil siya ng may sumulpot na dalawang lalaki na naka itim na jacket sa kung saan. babalewalain niya sana ang mga ito at mag papatuloy nalang sa pag lalakad ng harangin siya ng mga ito

"B-bakit po?" Kinakabahang tanong niya sa mga ito. Napahigpit ang hawak niya sa plastic bag ng pinamili niya. Pasimpleng luminga linga siya, lalo siyang kinabahan ng wala siyang makitang tao sa paligid.

Nag tinginan ang dalawa saka nag senyasan. Napaatras siya ng lumapit sakanya yung mas matangkad at hinawakan ang braso niya.

"A-ano b-ba?!" Piniksi niya ang kamay pero lalong humigpit ang hawak nito sa kanya.

Kinilabutan siya ng ngisihan siya nito.

"Ang kinis nito 'pre" Baling nito sa kasama na malaki rin ang pag kakangisi sakanya "Parang naligo sa gata!" Tumawa pa ito ng nakakaloko

Umahon ang takot sa dibdib niya. "L-let m-me go!"

Sisigaw sana siya pero agad na tinakpan nito ang bibig niya saka siya akmang kakaladkarin ng may hinila dito palayo sakanya. Nawalan siya ng balance at idagdag pa na kanina pa nanginginig ang tuhod niya sa takot kaya naman na pa salampak siya sa semento.

Madilim sa kinaroroonan nila kaya naman niya makita nga ng maayos ang mukha ng tumutulong sakanya. Naaninagan niya lang ang pakikipag bunk nito sa mga lalaking humarang sakanya kanina.

Kahit dalawa ang kalaban nito wala itong kahirap hirap na nagulpi ang mga iyon.

Natulala siya sa mga nasaksihan. Napapitlag nalang siya ng makita ng papalapit na sakanya ang lalaking tumulong sakanya niya. Nang makalapit ito sakanya ng tuluyan ay napanganga siya ng mapagsino ang tumulong sakanya

"K-Kristoff.."

Bakas ang pag aalala sa gwapong mukha nito. Lumuhod ito gamit ang isang tuhod sa harap niya saka masuyong hinawakan ang balikat niya "Ayos ka lang?" Nag aalalang anito. Tinulungan siya nitong tumayo

Hindi niya magawang tumugon sa tanong nito sakanya. Nanatili lamang siyang naka tunghay sa gwapong mukha nito, Hindi siya makapaniwala na ito ang nag ligtas sakanya.

"Hey.." Marahang niyugyog nito ang balikat niya

"O-Oo o-o-okay lang ako" nag iinit ang pisngi na tugon niya.

Nginitian siya nito. Ngiting nag palundag sa puso niya at nag pabilis sa tibok niyon.

"Ma'am Mina!" Napalingon siya sa humahangos na driver niya na papalapit sa kinaroroonan nila. Kasunod nito ang dalawang security guard ng mall "Ayos lang ba kayo mam?"

Tumango siya dito saka bumaling uli kay Kristoff na ngayon ay seryosong nakikipag usap sa dalawang secrurity guard. Pag katapos ay nag lakad ang mga ito papunta sakanya.

Inaya siya ng mga ito para sahan siyang mag report pero magalang siyang tumanggi na siya, kailangan narin kasi niyang umuwi dahil mag aayos pa sila para sa anniversary surprise nilang mag kakapatid sa magulang nila.

"Are you sure?" Paniniguro ni Kristoff sakanya.

Nahihiyang tumango siya dito. Hindi siya makatingin dito ng deretso dahil pakiramdam niya tumatagos ang titig nito sa kaluluwa niya.

"H-Hindi n-naman ako n-nasaktan" dagdag pa niya para makumbinsi ito at hindi na siya kulitin pa na sumama sa presinto

Hinatid siya nito hanggang sa kinapaparadahan ng sasakyan nila.

"Salamat uli sa pag ligtas mo sakin kanina" sabi niya dito bago pumasok sa kotse.

Ngumiti ito sakanya at marahang tinapik ang balikat niya "Be carefully next time"

Tumango siya dito at nahihiyang nginitian. Nang umandar ang sasakyan nilingin niya pa ito nakatanaw parin ito sa kanila at ng mapansin siya ay kumaway pa. Mabilis na umayos siya ng upo. Nakangiting napahawak siya sa dibdib niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • BROKEN Book 1 and 2 (tagalog)   IV - Untamed

    Charito's POV"Hey..."Muli siyang napakurap. Hindi siya nananaginip. Nasa harapan niya si Ethan. Parang nanuyo ang kanyang lalamunan at hindi niya magawang magsalita. Bumuka at sumara ang kanyang bibig. Nagmumukha na siyang tanga, alam niya. Mabilis na nag-init ang kanyang mukha. Lalo na nang makita na unti-unting napalitan ng amusement ang kanina'y galit at pag-aalala na nasa mga mata ng binta."A-ayos lang ako," sa wakas ay nagawa niyang sabihin. Her heart beats faster that before when Ethan smiled at her with dance of joy in his eyes. Inipon niya ang lakas upang mabawi rito ang kanyang mga braso na kanina pa nito hawak."Good," anito. "Let's go." Kinuha nito sa kamay niya ang gamit niya at baliwala siyang inakbayan. Nakita niya ang gulat at bulungan ng mga nakakakita sa kanila. Maging ang dalawang kaibigan nito na nasa di kalayuan ay napataas ang kilay sa kanilang dalawa ni Ethan."S-Sandali..." pigil niya. Tinangka niyang alisin ang kamay nito sa balikat niya ngunit mas humigpit

  • BROKEN Book 1 and 2 (tagalog)   III - Untamed

    Charito's POVMabilis niyang nilikom ang mga gamit. Bell na at huling klase niya na iyon para sa araw na ito. Kinakailangan na niyang umuwi ng maaga para tulungan ang kanyang Lola na maghanda ng hapunan. Ngayon raw ang dating ng mga magulang ni Honoracio kaya umaga pa lang ay abala na sa mansion ng mga De'Marco."Sorry," hinging paumanhin niya ng may makabungguan siya sa may pintuan. Nalaglag ang mga libro niya. Akma niya iyong pupulutin ng may sumipa roon. Umangat nag paa niya mula sa paang sumipa sa libro niya.Mga nakangising mukha nina Angelique at Janice ang nabungaran niya. Hindi na lang siya kumibo at kinuha ang mga gamit niyang nalaglag. Nakayuko siyang tumayo. Balak niya sanang lampasan na ang mga ito ngunit hinarang siya ni Janice. Itinulak nito ang balikat niya kaya wala siyang nagawa kundi mapaatras."A-ano bang kailangan niyo?" tanong niya sa mga ito. Hindi siya nagtatangkang salubungin ang mga mata ng mga ito sa takot na mas lalong magalit nag mga ito sa kanya.Naghagikg

  • BROKEN Book 1 and 2 (tagalog)   II - Untamed

    Honoracio's POV"Hey!""Hey, yourself. What's up?" sagot niya kay Ethan na sumabay sa kanya sa paglalakad. Papunta siya ngayon sa Auditorium."Sama ka sa amin. May party kaming pupuntahan mamaya. May bagong bukas na disco bar sa Makati sina Alfon," anito. Inakbayan pa siya nito. Kasama nito ang Alfon na tinutukoy nito. Napansin niya rin si Sylvo. Kabarkada nito si Alfonso Altierra ang apo ng may-ari nang Westwood - ang University na pinapasukan nila. At si Sylvo Moretti na tahimik lang sa likuran. Puro mga anak ng maiimpluwensiyang tao ang dalawa. No wonder kung bakit malapit sa mga ito si Ethan.Sa ngayon ang tatlong pamilya ang nangunguna sa listahan ng Time magazine ng mga pamilyang maiimpluwensya sa buong Asia."Pass muna 'ko," tanggi niya kay Ethan. "May tatapusin akong thesis.""Tss, ako ng bahala sa thesis mo sumama ka lang."Alam niya naman ang ibig nitong sabihin. May mga scholar itong binabayaran para gumawa ng mga assignment at thesis nito. Kung tutuusin hindi naman na nito

  • BROKEN Book 1 and 2 (tagalog)   Prequel - Untamed

    Honoracio's POV"Mahal kita..." marahan at puno nang pagmamahal na sambit ni Honoracio sa babaeng kaharap niya sa gitna ng madilim na hardin ng kanilang mansion. Abo't abot ang kanyang kaba. Nanginginig pa ang mga palad niyang nakahawak sa malalambot na kamay nito.Bumungisngis si Charito, ang dalagitang apo ni Manang Jesusa, ang nag-alaga sa kanya sapul pagkabata. Dalawang taon pa lang naninirahan dito sa kanila si Charito. Ipinakiusap ng Lola nito na dito na manirahan si Charito. Pumayag naman ang kanyang Mommy at binigyan ng scholarship ang dalagita sa school na pinapasukan niya.Napakamot na lang siya sa batok niya dahil natawa na rin siya. Mahirap hindi mahawa sa pagtawa nito."Ano ba 'yan, paano kang gugustuhin ng nililigawan mo niyan?" anito. Binawi nito ang kamay nitong hawak niya. Naupo ito sa swing na naroroon.Nagtungo naman siya sa likuran nito. Humawak siya sa magkabilang kadena ng swing saka marahan iyong iginiya para umugoy."Hindi pa ba okay? Mukha ba akong katawa-tawa?

  • BROKEN Book 1 and 2 (tagalog)   Special Chapter

    Kenobi's POVFIRST DAY of school. Maraming bagong mukha siyang nakikita. Excited ang karamihan sa mga freshmen, bagay na hindi niya nadama last year ng siya naman ang na sa lugar ng mga ito.Ano bang nakakapanabik sa pagpasok at pakikipagkilala sa ibang tao?Masyado lang iyong hussle. Mas gusto niya ang mag-isa. Nagkaroon nga lang siya ng mga kagrupo nang mag-try out siya sa football team last year.Bagot na iginala niya ang mga mata hanggang sa may nakaagaw ng kanyang pansin.Babaeng may magagandang parehas ng mga mata, na parang palaging iiyak. Maputla ang balat na parang hindi nasisinagan ng araw. Katulad ng mga bampira sa isang mov

  • BROKEN Book 1 and 2 (tagalog)   Wakas

    Mina's POVNAPANGITI si Mina nang tikman ang niluto niya at masarapan sa Timpla niyon.Excited na inayos niya ang lamesa katulong si Loida.Parating na ang mag-aama niya kaya naman minadali na nila ang pag-aayos ng hapag.Saktong tapos na siya sa ginagawa ng bumukas ang pinto at marinig niya ang boses ng kambal na agad na nagtakbuhan sa dining area.Sinugod siya ng yakap at halik ng mga ito. Nasa likuran nito ang nakangiting si Kenobi na may sukbit pang kulay pink na backpack at mga paperbag galing sa isang bookstore."Hi, love!" bati nito sa kanya saka ipinulupot ang kamay sa bay

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status