Share

TRIPLETS 03: Do or Die?

Author: Isla Bloom
last update Last Updated: 2024-06-28 12:55:44

KABANATA 3: GAGAWIN MO O PAPATAYIN KITA? [Do or Die?]

“H–Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari. Nagkulong si Wesley sa kaniyang kuwarto at ayaw niya akong papasukin. Naisipan ko na hintayin ka na lang para kauspain siya, pero nagulat na lang kami nang biglang may malakas na kalabog ang bumagsak. Hindi ko inakala na siguro sa sobrang kakulitan niya ay magagawa niyang umakyat sa bintana, dahilan ng kaniyang pagkalaglag. Kasalanan ko, Warren, patawarin mo ako…” umiiyak niyang paliwanag.

“Nasaan si Wesley? Nasaan ang anak ko?!” madilim na tanong ni Warren.

Tumabi naman si Scarlet sa daraanan nito saka nanginginig na itinuro si Wesley na naliligo na sa sarili nitong dugo. Ang nakakunot na noo ni Warren ay biglang nagulat dahil sa nakitang kalagayan ng kaniyang anak.

Mabilis na lalong nagdilim ang paningin ni Warren at kwinelyuhan si Scarlet.

“Kapag may nangyaring masama sa anak ko, o kung magkaroon siya ng depekto, at kung mauwi siya sa kamatayan ay papatayin din kita pati na ang buong angkan niyo!” galit na sigaw ni Warren.

Dahilan kung bakit biglang nanghina ang tuhod ni Scarlet at napahagulgol ng iyak dahil sa takot.

Hindi na nagdalawang isip pa si Warren at kaagad na binuhat ang kaniyang anak, saka isinugod sa hospital.

Kilala ang pamilyang Harrison kaya naman nang dumating sila ay kaagad silang hinarap ng may ari ng hospital.

“Ilabas niyo ang pinakamagaling niyong Doctor! Gawin niyo ang lahat para mailigtas ang anak ko!” sigaw ni Warren.

“Opo, Mr. Harrison!” tugon ni Director Esteban na siyang namamahala sa hospital.

Mabuti na lamang at maraming Doctor ang naka-duty nang gabing ‘yon, pero hindi lahat ay may lakas loob para harapin si Warren Harrison. Takot sila rito, at takot silang magkamali dahil buhay nila ang siguradong kabayaran.

Mabilis na nagtungo si Director Esteban sa opisina ng bagong Doctor.

“Doctor Sandoval, narito ako para ipaalam sa iyo na mayroong batang pasyente na kailangan operahan ngayon din.” walang prenong sambit nito. “Nag-iisa itong anak ni Mr. Harrison, kaya kailangan mong mas maging maingat sa pagsagawa ng operasyon, upang hindi magkaroon ng problema ang hospital.”

Sa oras na iyon ang Doctor ay nakasuot ng facemask. Ang kaniyang mahaba at may kulay na buhok ay nakatali, habang ang kaniyang mukha ay walang ekspresyon.

“Ang lahat naman po ng pasyente ay ginagamot at inooperahan ng maayos, kaya gagawin ko ang aking makakaya, pero sinong Mr. Harrison ang inyong tinutukoy?”

“Sino pa ba? Walang iba kundi si Warren Harrison, ang nag-iisang bilyonaryo dito sa bansa natin.”

Bigla ay namutla ang kaniyang mukha, at nakaramdam siya ng panlalamig sa kaniyang katawan. Hindi niya inaasahang pagkalipas ng limang taon, ay narito sa hospital ngayon ang lalaking matagal na niyang hindi nakikita.

“May anak si Warren?” tanong niya.

“Oo, hindi ba't kakasabi ko lang? Apat na taong gulang ang bata at sinabi ko na rin sa iyo na emergency ang case na ito.”

“Pero paano siya nagkaanak? Patay na ang dati niyang asawa, at kahit na anak niya ito sa dating asawa hindi ba't dapat ay limang taon na ito ngayon?”

“Hindi nagmula ang bata sa dating asawa ni Warren. Ang dating asawa nito, ay matagal ng patay. Ang bata ay anak nila ni Olivia Gray panganay na tagapagmana ng pamilyang Gray. Nagising si Olivia mula sa comatose at nagsilang ng isang sanggol. His name is Wesley, and he just turn four years old this year.”

Bigla ay nabura ang malalim niyang pag-iisip.

Ito pala ang anak ni Olivia at Warren.

Taas noo siyang humarap sa Director. “I’m sorry, Director, ngunit hindi ko po magagawa ang operasyon.”

“What? Why?” gulat na reaksyon ng Director. “Akala ko ba ay gagawin mo ang makakaya mo? Bakit tila nagbago naman yata ang isip mo?!”

Hindi nag-abala pang tumingin si Allison sa Director. “Kauuwi ko lang galing Australia, kaya hindi pa maayos ang pakiramdam ko. Puwede kong kausapin si Doctor Anthony, kung gusto niyo?”

Pantay siyang tao, at patas na trumato sa kahit na sino. Ngunit hindi sa ngayon. Hindi para sa anak ni Warren at ni Olivia!

Tumalikod na si Allison at mabilis na umalis ng kaniyang opisina.

Samantala, handa na si Warren sa operating room. Hindi na siya mapalagay dahil habang tumatagal ang oras, ay alam niyang nauubusan ng pag-asang mabuhay pa ang kaniyang anak.

“Nasaan na ba ang Doctor na mago-opera?!” tanong ni Warren sa Director nang dumating ito.

“P–Patawad po, ngunit hindi magagawang operahan ni Doctor Sandoval ang anak niyo.” takot na tugon ng Director.

Mabilis na napakuyom ng kamao si Warren at lumabas ng operating room.

“Hanapin niyo ang Doctor Sandoval na ‘yon at iharap sa akin!” utos ni Warren sa kaniyang mga tauhan.

Mabilis na kumilos ang mga tauhan ni Warren. At hindi naman nahirapan ang mga ito na hanapin si Allison. Kasalukuyan ngayong nakatayo siya at hindi gumagalaw dahil sa matalim na bagay ang nakatutok sa kaniyang tagiliran.

“Warren, noong kailangan kita nang araw na manganak ako ay wala ka. Ultimo kahit mamamatay na ako ay walang kang pakielam at hindi ka dumating. Pagkatapos ngayon ay gusto mong gamutin ko ang anak mo? Manigas ka!” turan ni Allison sa kaniyang isipan.

Lumapit sa kaniya si Warren at nagtama ang kanilang mga mata. Bumalik sa kaniyang alaala kung gaano niya ito kamahal noon, ngunit napupuno na ang galit niya para rito ngayon.

“Ikaw ang pinakamagaling na Doctor dito sa hospital na ‘to. Operahan mo ang anak ko ngayon din.” utos nito.

“Mr. Harrison, masama po ang pakiramdam ko kaya hindi ko magagawa ang operasyon. Si Doctor Anthony, ay isa din namang magaling na Doctor, at maaari siyang mag-opera sa anak niyo.”

Napaawang ang labi ni Warren, dahil tila ba pamilyar sa kaniya ang boses ng Doctor. Hindi niya nakita ang kabuoang mukha nito dahil natatakapan iyon ng facemask, gayon pa man ang amoy at awra nito ay pamilyar sa kaniya.

“Ano ang dapat kong gawin para operahan mo ang anak ko?”

Bumilis ang tibok ng puso ni Allison, at ang lahat ng taong nakapalibot sa kanila ay naghihintay din sa kaniyang tugon.

Ikinuyom niya ang kaniyang kamao. “Wala kang kailangan gawin, dahil kahit patayin mo pa ako ay hindi ko ooperahan ang anak mo!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CEO's Triplets On A Secret Mission   TRIPLETS 16: Nagbabalik!

    KABANATA 16: NAGBABALIK!Nanginig si Scarlet habang nakatitig sa babaeng nasa harapan niya, sa mukhang kahit sa kamatayan ay hindi niya makakalimutan!Sa wakas, naintindihan niya kung bakit pamilyar sa kanya ang itsura ng doktor na ito. Ang babaeng nasa harapan niya ay walang iba kundi si Allison!Paano siya narito?Hindi ba't patay na siya?Biglang parang sumabog ang isipan ni Scarlet. Pinilit niyang ibuka ang kanyang mga mata nang husto, ngunit ang pamilyar na mukha sa harap niya ay nanatiling walang pagbabago — ito nga si Allison!Bumalik siya!Sa isang iglap, kumalat ang takot sa isipan ni Scarlet. Sa wakas, naunawaan niya kung bakit espesyal ang tila pangkaraniwang doktor na ito kay Wesley — si Wesley ay anak niya! Paano magiging parehas ang pagtrato niya kay Wesley sa ibang tao?Hindi nakapagtataka na sobrang galit niya nang makita niyang itinutulak ni Scarlet si Wesley. Kahit na may panganib na mapatalsik siya, ipinaglaban niya ito.Talagang bumalik siya!“I–Ikaw? Paanong buhay

  • CEO's Triplets On A Secret Mission   TRIPLETS 15: Revealing Her Face

    KABANATA 15: REVEALING HER FACE“Patalsikin mo si Doktora Sandoval.” utos ni Scarlet. “Ano? Hindi mo na rin ba ako pakikinggan?”Ang direktor ay sumagot, “Si Doktora Sandoval ay isang nangungunang Doktora na binayaran namin mula sa ibang bansa at may kontrata na rin siya. Hindi ito naaayon sa patakaran.”Muling nagtanong si Scarlet, “Kailangan ko bang tawagin si Mr. Harrison para kausapin ka?”Ang direktor ay nagtanong, “Ito ba ang kagustuhan ni Mr. Harrison?”“Tama, ito ang kagustuhan ni Mr. Harrison. Tungkol kay Doktora Sandoval, magaling siyang gumawa ng operasyon, pero ang kanyang pagkatao ay hindi maaasahan. Hindi ako naniniwala na ang ganitong klaseng doktor ay magkakaroon ng sapat na etika. Kung kailangan mo ng oras, ibibigay ko, pero ayokong makita siya dito sa ospital sa mga susunod na araw.” matatag na sabi ni Scarlet.Lubhang nahirapan ang direktor. Si Allison ay tatlong beses niyang binayaran mula sa ibang bansa gamit ang malaking halaga at itinuturing siyang hiyas ng kani

  • CEO's Triplets On A Secret Mission   TRIPLETS 14: She’s A Threat

    KABANATA 14: SHE’S A THREATNang biglang mamatay ang ilaw ay tila sumakto iyon sa plano ni Allison. Akma na niyang bubuhatin si Wesley nang biglang naramdaman niya ang pagkagat sa kaniyang balikat, at pagkapunit ng kaniyang damit.“Ah! Sh!t!” Nagmura si Allison sa mahinang boses.Sa madilim na gabi, galit na kinurot ng lalaki ang kanyang pisngi: “Mas mabuting huwag mo ng gawin ang binabalak mo.” sambit nito.Nakonsensya si Allison. Gusto niyang kunin si Wesley, ngunit hindi ngayon. Napansin ba ito ni Warren? Imposible.“Bitawan mo ako! Huwag mong gisingin si Wesley.”Itinulak siya ni Allison at sinubukan niyang manatiling kalmado. Si Wesley ay hindi mahimbing na natutulog at maaaring magising anumang oras. Hindi pinansin ni Allison ang pag-aaway nila ni Warren at lumabas upang maghanap ng isang tao.Hindi nagtagal ay binuksan ang kontrol ng ilaw, at bumalik sa liwanag ang paligid. Nakahinga ng maluwag si Allison. Nang babalik na siya sa ward, nakita niya ang isang grupo ng mga tao sa c

  • CEO's Triplets On A Secret Mission   TRIPLETS 13: Walter The Hacker

    KABANATA 13: WALTER THE HACKERHindi alam ni Warren ang gagawin. Inisip niya na baka gusto nito ang kaniyang yakap, ngunit hindi niya inaasahang ang biglang pagsigaw ni Wesley. “Ah! Huwag mo pong patayin ang ilaw! Please, Daddy! Please! Nakikiusap po ako, please!” “Huwag kang matakot, nandito si Daddy. Hinding-hindi kita iiwan.”“No! Ayoko matulog! Ayokong matulog! Daddy, buksan mo yung ilaw… Please… Huhuhu…” umiiyak na sigaw ni Wesley.Ang sigaw ni Wesley ay parang aso na nakakulong sa kulungan. Walang tigil sa pagbagsak ng kaniyang matinis na sigaw sa buong ospital. Ang mga nurse na naka-duty ay tumakbo palabas ng susunod na ward dahil sa gulat.Narinig din ni Allison ang pag-iyak, noong una ay naisip niya na isa ito sa mga batang pasyente. Ngunit nalaman niyang ang pag-iyak ay nagmumula sa ward ni Wesley, at hindi siya nagdalawang isip na tumakbo patungo roon.Sa labas ng pinto, hinarang siya ng dalawang bodyguard.“Tumabi kayo! Papasukin niyo ako! Gusto kong pumasok!”Hindi gum

  • CEO's Triplets On A Secret Mission   TRIPLETS 12: Wesley's Fear

    KABANATA 12: WESLEY'S FEARNakatitig si Warren kay Alisson na may mga mata na tila tumatagos sa kaniyang buong katawan. Ang puso niya ay labis na kinakabahan sa sandaling ito na halos nakalimutan niyang tumibok ito, at ang kanyang paghinga ay tila huminto.“Ano ba itong nangyayari sa akin? Dala ba ito ng takot o pagkahumaling kay Warren?” tanong niya sa kaniyang isipan.“I'm asking you, Doktora. Nakita mo ba ang anak ko? Totoo bang nagpunta nga siya rito sa opisina mo?” tanong ni Warren sa kaniya.“Sagutin mo, Docktora. Dahil hindi ako puwedeng magkamali! Matalas ang mga mata ko kaya sigurado ako sa nakita ko!” saad pa ni Brando.Napatingin si Allison sa mga matang nakatingin sa kaniya— na naghihintay sa kaniyang kasagutan.Talagang nakilala ni Brando ang bata kanina— inakala niyang si Wesley at Walter ay iisa…Tiniis ni Allison ang matinding panggigipit ng mga mata ni Warren, at mga salitang nanggaling kay Brando. Hindi siya papayag na malaman ng mga ito ang tungkol kay Walter. Ina

  • CEO's Triplets On A Secret Mission   TRIPLETS 11: Look A Like (Two Young Master?)

    KABANATA 11: LOOK A LIKE?Dali-dali namang hinila ni Allison si Doctor Anthony papalayo sa kuwarto kung saan naroon si Warren at Wesley.“Narito si Walter?” mahinang tanong niya rito, at ang kaniyang puso ay grabe sa bilis ng tibok ng puso nito.Napakunot naman si Anthony. “Oo, eh, kanina ka pa araw niya tinatawagan, eh. Hindi ka sumasagot, pero bakit parang balisa ka?”Mabilis na kinuha ni Allison ang kaniyang cellphone at nakita na niya na nakawalong missed call nga si Walter at limang text messages. Si Anthony lamang ang nakakakilala kay Walter pero hindi bilang anak niya kundi bilang pamangkin. Marahil ay hindi pa nito napapansin ang pagkakamukha ng dalawa dahil iilang beses pa lang nitong nakikita si Walter.“Naroon siya sa opisina mo sigurado ka? Isinarado mo ba ang pinto?”Tumango si Anthony. “Yes, pero naiwan kong bukas ang pinto, but don’t worry pinaalalahaanan ko naman siya na huwag ng umalis doon at—”Napamura na ng mahina si Allison, at hindi na pinatapos pa ang sinasabi ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status