Coleen Santos had it all—successful career, luxury lifestyle, and a dream wedding. Pero isang iglap, gumuho ang mundo niya. Nahuli niya ang fiancé niyang si James Martinez sa pagtataksil, kaya tinakasan niya ang sakit sa bisig ng isang estranghero—si Gregory Alvarez. Isang misteryoso, dominante, at may madilim na lihim, si Gregory ay higit pa sa isang mapusok na distraction. He’s dangerous, powerful, and out for revenge—at ang target? Ang pamilya ni Coleen. Pero paano kung sa gitna ng kasinungalingan at paghihiganti, isang hindi inaasahang koneksyon ang magtali sa kanila? Love or vengeance? Sa isang larong puno ng panlilinlang, kailan nagiging sapat ang pag-ibig para kalimutan ang lahat?
View More“Wear something decent,” maikling bilin ni Gregory habang isinusukbit ang coat niya.Napatitig lang ako sa kanya mula sa salamin. Kakagaling lang namin sa panibagong argument, pero he acts like nothing happened. As always.“Where are we going?” tanong ko, kahit wala naman talaga akong interest. Pero gusto ko pa ring malaman kung saan niya ako ipapahiya sa susunod.“Lucas’s birthday party. He’s a close friend. I want you there.”Napakunot ang noo ko. He wants me there? Hindi naman kami close. At lalong hindi siya mahilig magsama ng ‘asawang’ tulad ko sa mga event niya.“What for?” I asked, slowly turning to face him. “To parade me around like a trophy wife you never wanted?”“Don’t start, Coleen.” Tumalim ang tingin niya. “Just dress up and behave.”Tumikhim ako, pinilit pigilan ang pag-ikot ng sikmura ko. May parte sa akin na gustong tumanggi, pero alam ko na rin ang ending—ako pa rin ang matatalo. Kaya't ilang minuto lang ay nasa harap na ako ng salamin, nakasuot ng itim na backless
Madilim na ang langit nang marinig ko ang pagbukas ng gate. Sa likod ng mga kurtina, lihim akong sumilip mula sa bintana ng sala. Tila ba sinadya ng gabi na magsilbing saksi sa panibagong sakit na ipapalasap sa akin ni Gregory.And there he was. Tall, composed, arrogant as ever. But he wasn't alone.Nakapulupot sa braso niya ang isang babae—maputi, sexy, halos wala nang saplot. Halos masubsob ito sa kanyang leeg habang magkahinang ang kanilang mga labi. Walang pakundangan. Walang hiya.Hindi ko napigilang mapaatras mula sa bintana. Kumakabog ang dibdib ko, hindi dahil sa selos—dahil sa isang bagay na mas masakit. Pagkabigo.So this is what my marriage has come to.Hindi pa man niya tuluyang nasisira ang mundo ko, sinisigurado niyang dudurugin niya ito ng buo.Mabilis kong pinunasan ang mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo. Naramdaman kong nanginginig ang kamay ko, pero pinilit kong lakasan ang loob ko. I won't let him humiliate me like this in my own cage—our so-called home.Pagkarinig k
"Gregory, bitawan mo ako!" sigaw ko habang pilit kong pinipigilan ang marahas niyang paghila sa akin papasok ng mansyon. Pero hindi siya nakinig. Parang wala siyang naririnig kundi ang sariling galit na pumupuno sa kanyang sistema.Bawat hakbang namin ay may kasamang sakit. Mahigpit ang pagkakapit niya sa aking braso—parang bakal ang pagkakahawak niya. Pakiramdam ko'y mamumula ito o baka nga bukas ay mag-iwan ng marka.Pagkapasok namin sa living room, ibinalibag niya ako sa malambot na sofa. Napasinghap ako, ramdam ang sakit sa likod ko ngunit wala akong oras para makabawi dahil ilang segundo pa lamang ay sinundan niya na ako.Mabigat ang kanyang katawan na pumatong sa akin, isinakdal ang sarili niya sa ibabaw ko."Gregory, please..." bulong ko, nanginginig ang tinig. Hindi ko alam kung ano ang mas nangingibabaw—ang takot o ang galit.Ngunit hindi siya nakinig. Sa halip, marahas niyang sinapo ang aking mukha gamit ang dalawang palad, saka idinuldol ang kanyang mga labi sa akin.Ang hal
Pagmulat ng aking mga mata, naramdaman ko agad ang kirot sa aking katawan—isang paalala ng gabing puno ng init, galit, at kawalan ng kontrol. Napakagat ako sa labi, pinipigilan ang sarili na damhin ang bawat sakit at hapdi na iniwan ni Gregory sa akin.Ang silid ay tahimik, maliban sa marahang tunog ng hangin na pumapasok mula sa bintanang bahagyang nakabukas. Sa loob ng ilang segundo, pinilit kong iproseso ang lahat ng nangyari. Ang kasal. Ang mga pangyayari kagabi. Ang halik, ang kanyang mapang-angking mga kamay, at ang paraan ng pagtrato niya sa akin na parang isang pag-aari lamang—hindi isang tunay na asawa.Tumayo ako, pilit na inaayos ang gusot na kobrekama at ang sariling emosyon. Ngunit isang bagay ang agad na nakakuha ng aking pansin.Isang maliit na papel ang nakapatong sa nightstand sa tabi ng kama.Agad akong kinabahan.Nang basahin ko ang sulat, bumigat ang dibdib ko.“Huwag kang umasa ng masyado, Mrs. Alvarez. Ang pagiging asawa ko ay hindi isang pribilehiyo—isa itong kap
Nakaawang pa rin ang labi ko habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin. Sa harap ko, isang babaeng hindi ko na halos makilala—nakaputing wedding dress, walang bahid ng saya sa mga mata, at may bigat ng rehas sa bawat paghinga.Kinasal ako ngayon. Sa isang lalaking hindi ko mahal at hindi ko lubos na kilala.Napapikit ako, pinipilit na pigilan ang mga luha. Hindi ito ang pangarap kong kasal. Hindi ito ang araw na matagal kong inisip na magiging pinakamasaya sa buhay ko. Hindi ko dapat ito ginusto. Pero wala akong pagpipilian.“Mrs. Alvarez.”Napapitlag ako sa mababang boses na iyon, puno ng pangingibabaw. Dahan-dahan akong humarap. Nakatayo si Gregory sa pinto ng kwarto, nakasuot pa rin ng itim na suit na masyadong perpekto sa kanya. Para siyang isang hari—isang hari ng dilim, isang lalaking sanay sa paghawak ng kapangyarihan.Naglakad siya papasok, walang pag-aalinlangan sa kanyang hakbang. Nang tuluyang mawala ang distansya namin, itinukod niya ang isang kamay sa dingding sa t
“Marry me.”Halos malaglag ang hawak kong wine glass sa narinig kong mga salita mula kay Gregory. Nasa harapan ko siya ngayon, nakasandal sa mamahaling leather chair, hawak ang isang baso ng whiskey habang hindi inaalis ang titig niya sa akin.Nasa isang private lounge kami ng isang five-star hotel—hindi ko alam kung paano ako napunta rito, pero isang tawag lang mula sa kanya kanina, at ngayon, nasa harapan ko na siya muli.Nag-angat ako ng tingin, sinusubukang basahin ang mga intensyon niya, pero tulad ng dati, isang misteryo pa rin ang kanyang mukha.“Excuse me?” inis kong tanong.Umangat ang sulok ng kanyang labi sa isang mapanganib na ngiti. “Narinig mo ako, Coleen.”Napabuntong-hininga ako, pinilit panatilihing kalmado ang sarili. “Gregory, hindi ko alam kung anong laro ang nilalaro mo, pero hindi ako interesado.”I thought I was done with him. Akala ko, pagkatapos ng gabing iyon, magiging isang alaala na lang siya—isang pagkakamaling hindi ko na uulitin. Pero ngayon, he’s back, a
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments