Where is she? Where the hell on Midland is she?!..
Ang huling naaalala niya ay magkasama silang umalis ni Asher sa headquarter ng CAU at tumuloy sa isang train station. Gusto niya muna sanang makapag-isip at lumayo kay Daecon kahit ilang araw lang. Hindi pa siya handang harapin ang lalaki at mas lalong hindi niya pa kayang harapin si Zoe. Ang sakit-sakit ng puso niya. Alam niyang magkasama sina Daecon at Zoe ngayon at muli ay ayon na naman ang kirot na dulot ng tila maliliit na karayom na tumutusok at bumubutas nang paulit-ulit sa puso niya.
Nasapo ni Bianca ang naninikip na dibdib kasabay ng muling pagpatak ng mga luha mula