Hindi pa siya antok. Kaya nag-scroll muna siya sa social media habang nakahiga sa kama para magpaantok. Tahimik ang paligid at ang tanging ilaw na bukas ay mula sa screen ng kanyang cellphone.
Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang isang post na siyang pipiga sa kanyang dibdib.
May ini-post ang isang kilalang news outlet, larawan ng isang hinihinalang sikat na CEO ng isang malaking kumpanya na kasama si Heather Faulkner, anak ng may-ari ng Faulkner Metalworks.
Sa larawan, nakatalikod ang lalaki, suot ang isang dark blue tuxedo. Hindi kita ang mukha. Ngunit si Heather ay masayang nakakapit sa braso ng lalaki, habang ang isa nitong kamay ay nakalapat sa beywang ng lalaking kasama niya.
May caption ito:
‘Si Heather Faulkner, plus one ng isang CEO ng malaking kumpanya sa charity event na ginanap sa Highcoast.
#HeatherFaulknerPlusOne #CEOPlusOne #GlamAndRichLady
Nag-scroll pa siya. Puno ang social media ng mga post tungkol kina Heather at sa misteryosong lalaki. May mga netizen pang humuhu