Share

Chapter Ninety Two

Author: FourStars
last update Huling Na-update: 2025-06-24 22:19:29

Tinulungan siyang makatayo ni Tyler. “Salamat, Mr. Moore. Buti na lang nandyan kayo ni Barry. Natakot talaga ako sa posibleng mangyari sa pinagbubuntis ko,” aniya, habang napahimas sa kanyang tiyan sa tindi ng kaba.

Bigla siyang niyakap ni Ophelia. “Selena! Ayos ka lang ba? Yung baby natin, ayos lang din ba?” anito habang hinahaplos ang tiyan ni Selena.

Niyakap niya pabalik si Ophelia. “Oo naman. Tara, umuwi na tayo sa mansyon ninyo.”

Masaya siya at nagpapasalamat na walang masamang nangyari sa kanila dahil sa tulong nina Barry at Tyler. Ngunit isang bagay ang hindi mawala sa isip niyaay kung sino ang tumulak sa kanila.

Ni hindi man lang nila nakita ang mukha ng taong gumawa no’n. Maraming tao sa mall, maraming nagkakasalubong, pero malinaw sa pakiramdam niya sinadya iyon. May kamay siyang naramdaman. Hindi iyon simpleng pagkakatulak ng aksidente.

Palaisipan pa rin sa kanya kung sino ang gustong mapahamak sila.

Napailing si Selena. Tahimik silang naglakad papunta sa parking lot
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
FourStars
8,000 views na tayo mga lalabs! Ayiiieee~ natutuwa sila Axel at Selena dahil sinusuportahan niyo sila sa kanilang kwento. ... Sana hanggang dulo kasama pa rin namin kayo patungo sa happy ending nilang dalawa.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Eight

    Nagsalitan ng putok ang magkapatid na Russell at River sa kampo ni Klyde. Dalawa lamang sila, ngunit nagawa nilang mapaatras ang mga tauhan nito. Ilan sa mga ito ang napatay kaya naman, wala nang pagpipilian si Klyde kundi ang umurong. Lumabas na sila mula sa ship’s bridge—nakuha na rin naman nila ang kanilang pakay kay Axel.Ngayon, si Selena naman ang balak nitong hanapin upang makuha ang pirma o fingerprint niya, sakaling pumalag o manlaban ito.Mabilis na lumabas si Klyde, mahigpit ang hawak sa papel ng transfer agreement habang papatakas. Sinubukan siyang tamaan ng bala ng magkapatid, ngunit mahigpit ang depensa ng mga tauhan nito na nagsilbing panangga, kaya tuluyan siyang nakatakas.Huminto sa pagpapaputok ang dalawa at agad na lumingon pabalik kay Axel upang tulungan itong makatayo.Nang makabangon si Axel, sabay-sabay na silang lumabas ng ship’s bridge. Habang tumatakbo at sinusundan si Klyde at ang mga tauhan nito, binuksan niya ang kanyang walkie-talkie upang tawagan si Tyl

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Seven

    Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Lyka. Saglit siyang nawalan ng boses.“H-hawak namin ang buhay ng mag-iina mo kaya—”“Sa tingin mo ba,” putol ni Axel, “matatakot mo ako ng gano’n lang?” Bahagya siyang ngumisi. “Paano kung ayaw kong pumirma?”Napanganga si Lyka, halatang hindi inaasahan ang sagot.Napangisi siya sandali bago tumalim ang tingin. “Wala kaming pakialam. Pipirmahan mo ’yan ngayon din—sa ayaw at sa gusto mo!” sigaw niya. “Hawakan niyo siya!”Agad kumilos ang mga tauhan ni Klyde. Mahigpit nilang hinawakan ang magkabilang braso at paa ni Axel, walang puwang para makawala. Sapilitan siyang pinaluhod, pilit pinipigilan sa bawat pagpupumiglas niya.Dahan-dahang lumapit si Klyde, hawak ang walkie-talkie, nakangisi na parang nagwagi na siya.“Axel,” sambit niya, pinindot ang aparato. “Nasa kabilang linya ang mag-iina mo. Kasama nila ang mga tauhan ko.” Bahagyang yumuko siya para magpantay ang mga mata nila.“Kung hindi ka pa rin pipirma at magmamatigas ka

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Six

    “Mr. Strathmore, pupunta muna ako sa security room at titingnan ang mga live footage. Baka sakaling may nahagip ang camera—kung sino ang kumuha sa kambal pati na rin kay Mrs. Strathmore,” sabi ni Tyler.“Sige. Tawagan mo agad kami kapag may nakita ka,” tugon ni Axel.Matapos iyon, mabilis na tumakbo si Tyler palabas at nagtungo sa security room upang mag-imbestiga.“Kayo dalawa, tulungan ninyo ang mga caretaker at ilagay sila sa higaan, tapos maghanap kayo ng—”Hindi pa man natatapos ni Axel ang kanyang sasabihin ay may narinig silang boses.Sabay-sabay silang napalingon at hinanap ang pinanggagalingan ng ingay, hanggang sa mapansin nila ang isang walkie-talkie na nasa ilalim ng higaan.Kinuha iyon ni Russell at agad na iniabot kay Axel. Nabalot ng matinding kuryosidad si Axel—wala namang iniwang walkie-talkie ang alinman sa kanila—kaya lalo siyang nagtaka. Dahan-dahan niya itong binuksan at nagsalita.“Hello?”Pagkasabi niya n’yon ay may agad na sumagot sa kabilang linya.“Oh, mabuti

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Five

    Si Lyka, na nasa kabilang linya, ay bahagyang nakakunot ang noo matapos patayan siya ni Nessa nang hindi man lamang hinihintay ang sasabihin niya. Hindi niya napigilang mainis nang maalala ang huling sinabi nito.“Sa tingin niya ba, matatakot kami sa pagbabanta niyang iyon?” bulong niya.Agad niyang kinuha ang walkie-talkie at tinawagan si Klyde.“Mr. Strathmore,” tawag niya. “Dadalhin na ni Nessa si Selena sa tuktok ng barko.”Sa kabilang linya, relax na nakaupo si Klyde sa malambot na sofa habang marahang umiinom ng champagne. “At ang mga anak nila?” malamig nitong tanong.Napatingin si Lyka sa dalawang sanggol na mahimbing na natutulog sa loob ng crib. “Kasama ko,” sagot niya.Katatapos lamang niyang looban ang private suite nina Axel at Selena. Ang target niya—ang kambal na anak ng mag-asawa—at matagumpay niyang naisagawa ang utos na ibinigay sa kanya ni Klyde.“Dalhin mo rin ang mga bata sa helipad,” mariing utos ni Klyde.“Masusunod, Mr. Strathmore,” tugon ni Lyka bago patayi

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Four

    Isang patalim ang dahan-dahang idinikit ni Nessa sa kanyang leeg.“Subukan mo lang sumigaw,” bulong ni Nessa, halos didikit ang labi sa tainga ni Selena, “at babaon ang kutsilyong ito sa lalamunan mo.”Bahagyang idiniin niya ang talim, sapat para maramdaman ni Selena ang lamig nito sa balat.“At huwag kang mag-alala,” dagdag niya habang nakangising tumatawa, “hindi ka mag-iisa sa kabilang buhay. Isasama ko pa ang mga anak mo.”Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Selena. Nanlambot ang kanyang mga tuhod. Kumirot ang dibdib niya sa takot—hindi para sa sarili niya, kundi para sa kanyang mga anak.“Huwag… huwag ang mga anak ko,” umiiyak niyang pagsusumamo. “Nessa, maawa ka. Mga pamangkin mo pa rin sila…”Ngunit sa mga mata ni Nessa, wala nang bakas ng kahit anong awa—tanging isang babaeng handang wasakin ang lahat para sa sarili niyang paghihiganti.“Aba, at bakit naman ako maaawa sa’yo at sa mga anak mo?” tumaas ang kilay ni Nessa. “Ikaw ang dahilan ng lahat ng paghi

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Ninety Three

    Tumaas ang kilay ni Lyka, halatang hindi impressed sa mga tanong niya. “Simple lang ang kailangan mong gawin. Gusto ni Mr. Strathmore na magmanman ka para sa kanya.”Natigilan si Nessa nang marinig ang apelyido.“Mr. Strathmore?” ulit niya, unti-unting bumababa ang kutsilyo sa pagkakahawak. “Sino sa mga Strathmore ang tinutukoy mo? Kasi ang kilala ko lang… si Klyde.”Sandaling natahimik si Lyka bago tuluyang sumagot. “Siya nga.”Napangisi si Nessa, malamig at puno ng hinanakit. “Ano naman ang kailangan sa akin ng manggagamit na ’yon?” tanong niya, halata sa boses ang matinding galit kay Klyde.“Bago ’yon,” putol ni Lyka, “hindi ba’t matagal mo nang gustong maghiganti sa stepsister mo?” Sandaling tumigil ito bago muling nagsalita. “Pinapunta ako rito ni Mr. Strathmore. Kailangan niya ang tulong mo para pabagsakin ang sarili niyang pinsan.”Bahagyang tumaas ang kilay ni Nessa. “Ano naman ang kinalaman ko sa away niya at ng pinsan niya?”“Ang pinsan ni Mr. Strathmore—si Axelius Strathmor

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status