Agad na nilapitan ni Chloe ang general manager at halos isumbong si Selena na parang batang nahuling nagsisinungaling.
“Sir, nakuha mula sa bag ng babaeng ‘yan ang kwintas ko!” dinuru-duro pa siya nito na parang kriminal. “At kasabwat niya ‘yang kasama niya!” sabay turo kay Ophelia.
Sabay na nanlumo sina Selena at Ophelia. Hindi nila inakalang aabot sa ganitong punto ang isang simpleng gabi na dapat sana’y tahimik lang. Ang mga mata sa paligid ay tila mga kutsilyong nakabaon sa kanilang balat.
Sinubukan ni Selena na makipag-usap ng mahinahon, kahit pa nanginginig na sa kaba ang kanyang dibdib.
“Sir, kung puwede sana, pakinggan niyo muna ang panig namin. Hindi ko talaga alam kung paano napunta sa bag ko ang kwintas niya.”
“Oo nga, Sir,” sabat ni Ophelia. “Isa sa mga sikat na 4-star hotel itong hotel n’yo. Siguro naman, may CCTV kayo. Mapapatunayang inosente ang kaibigan ko kung titignan natin ang footage ng aktwal na nangyari.”
Habang nagsasalita si Ophelia, lihim na napangisi si Nessa