Share

Chapter Thirty Three

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-04-13 22:37:23
“Selena, hindi mo ba—”

Hindi na natapos ni Ophelia ang sasabihin nang itaas ni Selena ang hintuturo at itinapat sa labi nito.

“Shh,” mahinang sabi niya, pero may diin.

Hindi na nagsalita si Ophelia, pero halata ang kaba sa mukha niya habang nakatingin sa kaibigan.

Bumaba ang tingin ni Selena sa itim na pouch na nahulog mula sa kanyang bag. Nanlalamig ang palad niya habang pinagmamasdan ito. Malakas ang kutob niyang alam na niya kung ano ang laman niyon.

“Ano ‘yang itim na pouch na ‘yan na nahulog mula sa bag mo, Selena?” tanong ni Yve, punong-puno ng hinala sa boses.

“Hindi ko alam,” sagot niya, diretso pero mariin.

“Hindi mo alam? Eh, nakita naming lahat, galing mismo sa bag mo! Akala mo ba bulag kami?!” singhal ni Yve, galit na galit.

Hindi na sumagot si Selena. Tahimik lang siyang nakatayo, pinapanatili ang composure kahit pa binubulungan na siya ng inis at tensyon.

Lihim na napangisi si Nessa. Sa wakas, gumagana na ang plano.

Nagkunwaring nag-aalala, bahagyang n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred One

    Nilunok niya ang laway bago nagpatuloy. "May high-rise condominium project na itatayo sa Skyline City na may orihinal na budget na $16.8 million. Pero umabot sa $39.5 million ang kabuuang naging gastos dahil sa sunod-sunod na advance payments para raw sa materyales at sahod ng mga tauhan. Ayon sa nakalagay sa Change Order Report, idinagdag daw ang mga imported na materyales gaya ng high-grade steel, Italian tiles, at special glass panels pero sa aktwal na inspeksyon, wala ni isa sa mga ito ang natagpuan sa site. Mas mababa pa nga ang klase ng materyales na ginamit."Humugot siya ng malalim na hininga, halos nanginginig na ang tinig. "Bukod doon... pinalobo rin ang gastos dahil sa inflated labor cost at consultancy fees na ipinasa sa tatlong subcontractors na halos walang dokumentadong output. Ang mas nakapagtataka, mahigit $4.2 million ang na-withdraw bilang ‘emergency cash advance’ pero walang supporting receipts o inventory record kung saan ito ginamit. At ang supplier na pinagkunan

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred

    “Hayaan mo na. Ang mahalaga, nautakan rin natin sila kahit pa nagawa nilang mautakan rin tayo,” sabi ni Axel, may bahagyang inis ang tono ng boses.Napanguso sa pagkainis si Silas, halatang determinado pa ring hanapin ang kalabang hacker. “Huwag ka mag-alala, kuya Axel. Hindi ako papayag na matalo ako ng hacker na iyon! Hindi ako magpapatalo at sisiguraduhin kong magwawagi ako!” mariing sigaw nito, galit at puno ng apoy ang tinig.Dahil dito ay mas lumabas pa ang pagiging competitive ni Silas. Ayaw na ayaw talaga nitong natatalo o naiisahan pagdating sa mga laban ng hacking at intelligence.Maging sa simpleng laro ay hindi niya tinatanggap ang pagkatalo, kaya lalong tumindi ang determinasyon niyang mapabagsak ang hacker na umaatake sa system ng kumpanya ni Axel.Nawala bigla ang inis na nararamdaman ni Axel nang marinig niya ang sinabi ng nakababatang kapatid.Sa halip, isang malamig na katahimikan ang namayani sa kabilang linya. “Malalaman din natin kung sino ang may pakana nito. Sa

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Nine

    Sandali siyang napatingin sa loob ng silid bago muling nagsalita. “Kamusta naman kayo habang wala ako? Lalo na ‘yung kambal?”“Mabait sila,” tugon ni Neera na may ngiti. “Umiiyak lang kapag nagugutom.”Tumango-tango si Selena, gumaan ang loob sa narinig.“Oo, wala namang nangyaring kakaiba habang wala ka rito, Mrs. Strathmore,” dagdag pa ni Lucas na tila nag-uulat.Napanatag ang loob ni Selena, nagalak siyang malaman na walang sumunod na nangyaring masama sa mga anak niya habang wala siya.Bigla niyang naalala si Silas.“Ah, oo nga pala. Asan si Silas? Sabi ng kasambahay narito raw siya kasama ninyo magbantay sa kambal.”“Narito nga kanina ‘yong batang pasaway na ‘yon,” sagot ni Neera. “Pero bigla na lang tumakbo pabalik sa kwarto niya.”Nagtaas ng kilay si Selena. “Bakit naman?” puno ng pagtataka ang mukha.“Ang sabi ni Silas, tumawag daw si Mr. Strathmore sa kanya. Siguro natuwa ng husto kaya doon na sila nag-usap sa kwarto niya,” paliwanag ni Lucas.“Ano naman kaya ang pinag-usapan

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Eight

    Pero matigas ang puso ni Veronica. Mariin siyang umiling at nanatiling nakapulupot ang kamay kay Selena, halatang ayaw pang bumalik sa bahay.Tahimik lamang na nakaupo si Selena, pinagmamasdan ang palitan ng mag-lola. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon.Naawa siya kay Deric, na paulit-ulit nang sumusubok makiusap ngunit hindi pa rin natinag ang matanda.Halatang gusto lamang ni Veronica na makaramdam ng kalayaan, kahit pansamantala, mula sa pagkakakulong sa kanilang bahay at buryong.Nakisabat na si Selena sa usapan ng mag-lola nang makita niyang nauubusan na ng palusot si Deric para makumbinsi si Veronica na sumama na sa kaniya pauwi.“Uhm… mas mabuti siguro kung sumama ka na sa kaniya,” mahinahon niyang sabi habang nakatingin kay Veronica.Nawala ang simangot sa mukha ng matanda at napalitan ng tuwa nang lingunin siya nito. “Siguro nga. At isa pa, gutom at inaantok na rin ako. Kanina pa tayo daldal nang daldal,” sagot nito, tanda na sa wakas ay nakumbinsi na rin siya.Nakahinga nang

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Seven

    Mukhang may Alzheimer’s si Veronica.Naawa si Selena. Magulo at paiba-iba ang isip ng matanda. Nagkahalo-halo na sa kanya ang katotohanan at imahinasyon.“Nga pala, mom, may dala ka bang gamit bago ka lumabas papunta sa mall? Siguro naman mayroon,” bigla niyang tanong.“Ang galing mo talaga, anak! Pinaalala mo na naman sa akin ang isa pang importanteng bagay! Teka lang!” ani Veronica, sabay bukas ng dala niyang shoulder bag na halatang mamahalin at mukhang isang luxury brand pa.Tahimik na napailing si Selena, bahagyang natatawa sa inaasta ng matanda.Magulo ang laman ng bag kaya naghalughog muna si Veronica bago sa wakas ay may nailabas itong cellphone mula roon.“Ngayon ko lang naalala na may dala pala akong cellphone,” ani Veronica. Kinuha niya iyon mula sa bag at agad na nag-dial ng numerong naaalala niya.Maya-maya, sinagot na rin ang tawag. “Puwede ba? Matanda na ako. Kaya ko naman mag-isa, hindi ko na kailangan ng tulong n’yo sa tuwing lalabas ako. Maayos lang ako, wala namang

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Six

    Umiling-iling ang matandang babae. “Wala! Wala akong kasama. Ako lang mag-isa ang pumunta rito.”“Ganoon ba… mabuti siguro ay umuwi ka na. Baka mapahamak ka pa sa daan,” aniya, may pag-aalala ang tono ng boses.Biglang ngumiti ng malapad ang matanda. “Ay! Oo! Uuwi na talaga ako kasi nahanap na kita, anak! Tara na, umuwi na tayo! Isasama na kita sa akin!” sabay hawak nito sa braso niya at hatak-hatak siya palayo.Sinubukan ni Selena na alisin ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ng matanda ngunit nag-alinlangan siyang gumamit ng puwersa dahil baka masaktan niya ito ng hindi sinasadya. Kaya naman tumayo lamang siya, nanatiling hindi gumagalaw.“Hindi ako puwedeng sumama sa ‘yo umuwi,” mahinahong sabi niya rito.Biglang nalungkot ang matanda sa kanyang sinabi. “Bakit naman hindi puwede? Anak kita! Kaya dapat lang na sumama ka sa akin pauwi!” pagpupumilit pa rin nito.“Mrs. Strathmore!” mabilis na lumapit si Barry at agad siyang hinawakan dahil nagwawala na ang matanda. Lumalakas ang pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status