UMUWI si Velora na malalim ang iniisip. Una niyang pinuntahan ang kapatid niya sa kuwarto nito. Bago umuwi ay nakapagbihis na siya ng kanyang damit.
"Bakit gising ka pa?" nakangiting tanong niya nang makita si Vanna na nakaupo sa kama. Payat ito, naninilaw ang mga mata at balat dahil sa sakit sa kidney. "Hindi ako makatulog, ate. Bakit maaga ka umuwi ngayon? Di ba, mamaya pa ang tapos ng part time job mo?" Natigilan si Velora. Walang kaalam alam si Vanna tungkol sa kanyang maruming trabaho. Inililihim niya dahil ayaw niyang kasuklaman siya ng sariling kapatid. Lalo pa mataas ang tingin nito sa kanya. "P-Pagod lang ako kaya umuwi na lang ako. Nagpaalam na lang ako sa boss ko," alibi ni Velora, pinilit niyang maging kaswal para hindi mahalatang nagsisinungaling. "May pasalubong ako sa'yo, hamburger at fries. Halika, kain tayo." Gumuhit ang masayang ngiti sa mukha ni Vanna. "Talaga po, ate? Yehey!" Nahawa na rin si Velora sa kasiyahan ng kapatid. Simple lamang ito pero ang laki ng hatid sa kanya. Makita lang niyang masaya ang kapatid niyang maysakit at masayang masaya na rin siya. Nang matapos silang kumain magkapatid ay inihanda na ni Velora ang higaan ni Vanna. Napainom na din niya ito ng gamot. "Matulog ka na, Vanna. Masama sa'yo ang magpuyat." Tumango sa kanya ang kapatid at nginitian siya. "Good night po, ate." "Good night din sa'yo. Mahal ka ni ate," nakangiti ding tugon ni Velora at binigyan ng halik sa noo ang kapatid. "Mahal din po kita, ate." Lumabas si Velora sa kuwarto ng kanyang kapatid. Dumiretso siyang tumungo sa kuwarto niya. Pagkapasok sa loob ay kinuha ang kanyang passbook at tila maliit na vault. Binuksan niya ang kanyang vault, binilang ang mga perang nakatago sa vault. "One hundred thousand pesos... kulang na kulang pa ito para sa pagpapa-opera ng kapatid ko." Nausal niya habang nakatingin sa mga pera at sa kanyang passbook na naglalaman ng three hundred thousand pesos. Malaki pa ang kailangan niya, na halos lagpas sa kalahati ng kabuuang halaga ng pagpapa-opera ni Vanna ng kidney. Parang 'di na niya masikmura ang trabaho niya sa club. Ilang buwan na din siya sa ganoong trabaho. Pero, kulang pa rin ang pangtustos niya sa pagpapagamot niya sa kapatid. Marahas na napabuntong hininga si Velora. Hindi na niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang kapalaran. Alin ang pipiliin niya, ang dangal na iniingatan o ang buhay ng kanyang nag-iisang kapatid? Pumatak ang takas na mga luha sa kanyang mata. Hindi sana magkakaganito ang buhay nilang magkapatid kung hindi sila iniwan ng kanilang mga magulang. Bata pa siya at limang buwan palang si Vanna noong mawala ang mama nila. Pagkatapos ay iniwan na lamang sila ng kanilang ama para sumama sa babae niya. Pinili ng sarili niyang ama na samahan ang ibang tao kaysa sariling mga anak. Kaya ang laki ng galit niya sa ama. Nasa puso niya ang ginawa nitong pag-iwan sa kanila. Maagang gumising si Velora para ihanda ang pagkain ng kapatid. Check din niya ang mga gamot nito na iinumin sa buong maghapon habang wala siya. Baka may kulang o mali ang oras na nakalagay. Mayamaya'y darating ang magbabantay kay Vanna habang nasa trabaho. "Ate Len, nailagay ko na sa lagayan ang mga gamot ni Vanna. May oras na din doon, ipainom mo na lang at 'wag kalimutan. Dapat ay tama sa oras lahat. Kung may anumang problema, itawag mo kaagad sa akin," mga bilin ni Velora sa magbabantay sa kapatid. "Tatandaan ko lahat. 'Wag kang mag-alala kay Vanna dito sa bahay." Napatiim na tumango si Velora sa babae at kinuha ang kanyang bag. "Sisilipin ko lang si Vanna at aalis na ako." Pinuntahan niya ang kapatid sa kuwarto nito. Pinihit ang seradura ng pinto at binuksan ng maliit para masilip si Vanna sa loob. Masarap ang tulog ng kanyang kapatid, kaya di na niya ito inistorbo pa. Lulan ng taxi si Velora papunta sa kanyang trabaho. Sa araw ito ang trabaho niya, bilang isang admin assistant sa kilalang kompanya. Pero, dahil minimum lang ang kanyang sinasahod at kailangan niyang magdoble kayod. Napilitang siyang pumasok bilang guest relation officer, sa madaling salita, G.R.O. siya sa club. Huminto ang taxi sa harap ng isang matayog na gusali. Solara Essence, isang kilalang brand ng pabango, hindi lang sa loob ng bansa, maging sa labas ng bansa. Sa Solara, presentable ang kanyang pananamit. White blouse na top at black mini skirt, tinernuhan lang niya ng flat shoes. Simpleng simple kumpara sa kanyang ayos tuwing gabi sa Maison Rouge. "Oy, Velora. Ang ganda mo ngayon. How to be you po?" Birong bati ni Aster sa kaibigan. Sa itsura niya madalas nga siyang mapagkamalang mayaman. Makinis at maputi. Ang ganda ng mukha na parang santa. Pero hindi nila alam na may itinatago siyang bulok na pagkatao. Aster Venus, kaibigan ni Velora. Ngunit, wala itong alam sa totoong pagkatao niya. Ang trabaho niya sa gabi ay never niyang nabanggit sa pinakamatalik niyang kaibigan. "Aster, 'wag mo na akong bolahin. Dumating na ba si boss?" "Iyong boss nating super sungit? Akala mo parating gustong makipag-away sa lakas ng boses..." bulalas ni Aster saka umiling. "Dinig ko hindi ata papasok ngayon. May pupuntahan daw. Mawawala nga raw ng isang linggo 'yon. Ewan ko lang kung totoo, ha." Ini-on ni Velora ang kanyang computer saka umupo sa kanyang upuan. Parang na-curious siya na biglang nagbakasyon ang CEO ng Solara Essence. "Teka... teka... mawawala siya ng one week? Ano 'yon bakasyon?" Napakibot ng kanyang balikat si Aster. "Ma at pa. Malay ko at pakialam ko!" "Hoy! Kayong dalawa, kapapasok n'yo lang nagma-marites kaagad kayo. Magsipag-trabaho na nga kayo!" Bulyaw na saway ng kanilang department head. Nagulat si Aster at biglang napaupo sa kanyang silya habang si Velora ay kunwari'y nagta-type sa kanyang keyboard. Magkatabi lang ang kanilang mga desk. Encoder si Aster sa Salora. Napatingin siya sa gawi ng kaibigan. Pinipigilan niyang tumawa ng malakas. Dahil tila naging seryoso at nabahiran ng takot ang mukha. "Mapapel talaga 'yan si Miss Amoyo. Palibahasa kasi ayaw sa kanya ni Mr. Hughes." Mahinang bulong ni Aster na dumukwang pa kay Velora para bumulong. "Marinig ka. Pag-iinitan na naman tayo..." saway niya sa kaibigan. Napa-roll ng kanyang mata si Aster saka humalukipkip. "Hmmp.. insecure lang 'yon sa'yo. Ikaw kasi ang pinakamaganda dito sa buong Solara. Iyong anak nga ng presidente gustong ligawan ka. Hindi pa nagsasabi basted mo na agad." "Walang gusto sa akin si Rocco at hindi din siya nanligaw. Kaya hindi ko siya binasted." Napairap si Aster. "Pa-humble ka pa. Kalat sa buong Solara na nag-inom si Sir Rocco dahil binasted mo daw. 'Wag mo ng ikaila, Velora." Napailing na lang siya at itinuon ang mata sa kanyang computer. "Magtrabaho na nga tayo. Kung ano anong pinagsasabi mo. Baka bumalik si halimaw at masigawan na naman tayo," pag-iwas na bulalas ni Velora. Iniiwasang pag-usapan ang issue tungkol sa kanila ni Rocco. Rocco Enriquez, head ng accounting, binata at anak ng presidente ng Solara. Mabait naman ito pero wala talaga sa isip niya ang mag-boyfriend. Mas tinututukan niya ang mga pangangailangan ni Vanna kaysa kanyang sariling kaligayahan. Saka makakapaghintay naman ang pag-ibig. Sa ngayon, ayaw muna niyang pumasok sa isang relasyon hangga't di magaling si Vanna. LUMABAS ng kanyang magarang sasakyan si Dewei, ang tunog ng kanyang branded na leather shoes ay tumama sa sementadong daan. Suot ang kanyang dark-tinted sunglasses, tinanggal niya iyon at walang sabi sabing iniabot sa kanyang personal assistant. Natataranta namang kinuha nito ang kanyang salamin. "Sir, I didn’t know na papasok kayo. You told me—" Hindi na natapos ni Jai, ang kanyang assistant, ang sasabihin dahil biglang bumaling si Dewei sa kanya, ang tingin nito ay sapat na para manliit ang sinuman. "I told you what? Hah?" matigas na sabi ni Dewei, malamig ang titig. "And now you think you know better than me? Who are you again? Tauhan lang kita. So tell me, anong karapatan mong makialam sa mga desisyon ko?" Nanigas si Jai sa kanyang kinatatayuan. Mabilis siyang yumukod habang halos magkandautal sa pagsasalita. "P-Pasensya na po, Sir—" "Shut up," malamig na putol ni Dewei, habang marahan ngunit mariing tinapik ang balikat ni Jai gamit ang daliri. "P.A. ka lang. Alalahanin mo 'yan. You’re not paid to question my decisions. I canceled my leave plans because I had a sudden change of mind. Naiintindihan mo? I don’t owe you or anyone an explanation. At tandaan mo, walang sinuman ang pwedeng magsabi kung kailan ako papasok o hindi. Naiintindihan mo ba, Jai?" Mabilis namang tumango si Jai, na bahagyang namutla. Parang hindi makahinga sa bigat ng presensya ng kanyang amo. Si Dewei Hughes, CEO at nagmamay-ari ng pinakamalaking kompanya ng pabango, ang Solara Essence. Bunsong anak nina Solara at Donny Hughes. Ang ama niya ang nagtayo at nagpalago, na ipinangalan sa kanyang butihing may-bahay na si Solara. Walang sinuman ang may lakas ng loob na sumalungat kay Dewei. Maging ang kanyang mga magulang ay hinahayaan siya sa lahat ng kanyang mga gusto. Nagsitakbuhan ang mga empleyadong nasa lobby nang makita si Dewei. Nag-unahan ang ilan sa pagpila at pagyuko habang dumadaan ang CEO ng Solara Essence. Ganito kalaki ang takot ng mga empleyado sa kanya. Walang pakialam si Dewei sa paligid. Tuloy tuloy lang siyang naglakad papunta sa executive lift na parang wala siyang nakikita. "Do I have appointments today, Jai?" tanong niya nang makapasok sila sa loob ng elevator. Agad na pinindot ni Jai ang close button bago binuklat ang hawak niyang journal. "As of 10 a.m., all your appointments are canceled. But if you want to resume—" Itinaas ni Dewei ang kamay para patahimikin siya. "No. Let it stay that way. I have something to do later," maikli niyang sagot. "Ipatawag mo si Velora. Sabihin mo pumunta siya sa opisina ko." "Noted, sir," sagot ni Jai habang pilit na pinapanatili ang mahinahon niyang boses. Tumunog ang elevator, hudyat na nasa CEO lounge na sila. Bumukas ang pinto, at mag-isang lumabas si Dewei. Dumiretso papunta sa kanyang opisina na hindi nilingon ang kanyang assistant na naiwan sa loob ng lift."SORRY, Vanna," hingi ng paumanhin ni Tony sa dalaga, inilapag ang baso ng juice at ang kanyang baso na may whisky. Hinarang siya ng mga kakilala niya kaya natagalan ang pagbabalik niya. Pekeng ngumiti si Vanna sa binata saka napilitan na tumango. "Okay lang," kahit na labas sa ilong. Hindi naman siya maiinip na matagal si Tony bumalik. Nakakairita lang ang mga kasama niya na walang pakundangan na magpakita ng PDA. Okay lang sana kung wala silang kasama. Saan ba siya naiinis? Sa pagiging clingy nina Alexzander at Drea sa harapan niya o dahil sa parang may kakaibang kirot sa kanya ang mga nakikita? Napailing si Vanna. Ngayon lang naman niya nakilala si Alexzander. Pero, bakit ganito siya kung maka-react? Umupo si Tony sa tabi ni Vanna pero ang isip niya ay wala sa binata. Ginugulo siya ng isipin kung paano ang mga katawan nila ay magkadikit. "Tigilan mo na 'yan, Vanna. Nakakahiya kay Tony, na kasama mo sa event. Dapat siya lang ang iniisip mo," kastigo ng sariling isip.
NAGLALAKAD sina Vanna at Tony palapit sa main hall kung saan nagsisimula na ang program proper. May ilang kilalang personalidad sa business world ang bumabati kay Tony. Mga negosyante, kumpanya heads, investors, at hindi maikakailang sinusulyapan din si Vanna. Ang ilan ay may ngiti ng paghanga at mayroon namang nagmamasid lang sa dalaga. "Tony," bati ng isang middle-aged na lalaki sa tuxedo. "You didn’t tell us you’d be bringing someone this stunning." "Well, now you know. But hands off," sagot ni Tony, nakangiti pero may halong pagprotekta sa tono. Pasimpleng ngumiti lang si Vanna at bahagyang yumuko bilang respeto. Pero nahihiya siya sa papuri sa kanya. Hindi siya sanay na ganito ang atensyon na ibinibigay ng ilan sa kanya at sa corporate world pa. Maraming naririnig si Vanna na bulungan tungkol sa kanya pero hindi niya kayang mag-react. 'Di na lang niya pinansin ang mga 'yon. Huminga lang siya ng malalim at pilit na pinananatiling kalmado ang sarili. Pagkaupo nila sa table na
HAWAK ni Tony ang isang kamay ni Vanna habang naglalakad sila sa loob ng mall, patungo sila sa isang boutique. "Anong ginagawa natin dito?" Natatakang tanong ni Vanna habang palinga-linga sa paligid ng boutique. "Ikaw ang pipili ng susuotin mo," sagot ni Tony, kaswal ang tono pero may halatang excitement sa boses. Napakunot-noo si Vanna. "Anong klaseng event ba kasi ang pupuntahan natin?" "Business event. Gala, actually. Maraming bigating tao sa mundo ng negosyo ang dadalo. Mga executives, CEOs at investors ng iba't ibang malalaking kompanya sa bansa," paliwanag ni Tony habang binubuksan ang pinto ng boutique para sa kanya. Napahinto si Vanna. "Wait, Tony… hindi mo naman sinabi agad. Ang akala ko casual lang. Hindi kaya ako ma-out of place doon?" Ngumiti si Tony at hinawakan siyang muli sa kamay. "Hindi kita dadalhin doon kung alam kong hindi mo kaya. Besides, I want them to see you. I want them to know na ikaw ang kasama ko." "Pero Tony..." napalunok si Vanna, halatang kinakab
NASA mini bar ng mansyon si Tony, nag-iinom kasama si Jai. Inaya niya ang pinsan dahil may gusto siyang aminin. Pero hindi niya magawang magsalita nang diretsahan, kailangan muna niya ng alak, pampalakas ng loob. "Mahal mo na ba talaga siya?" untag ni Jai, sinisiguradong totoo ang nararamdaman ng kanyang pinsan para kay Vanna. Marahang tumango si Tony. "Mahal ko naman siya. Pero hindi mawala sa isip ko na baka hindi ako bagay sa kanya. She's so young, innocent, and gorgeous. Kapatid pa siya ni Velora. Mabait siyang babae, ang gaan niyang kasama. Kaya ang bilis kong nahulog... the first time I saw her. Pero 'yung past ko… hindi ko alam kung matatanggap niya, pati na rin ng kapatid niya." Dahil sa kanyang nakaraan, at sa mga magulang niyang nakakulong, natatakot siyang humarap sa pamilya ng dalaga. Inamin ni Tony kay Jai ang tungkol sa kanila ni Vanna. Ayaw na rin niyang maglihim sa pinsan, kailangan niya ito para palakasin ang loob niya. "Tony, dapat alam mo ang pinapasok mo. Pam
BITBIT ni Zander ang mga plastic ng grocery na binili niya sa supermarket habang papasok sa loob ng bahay. "Maupo ka muna, Drea. Tatawagin ko lang si Nanay," sabi ni Zander. Tumango si Drea at umalis ang binata para tawagin ang ina. Nagpalinga-linga si Drea sa kabuuan sa loob ng bahay nina Zander. Maganda at simple lang pero kitang masinop sa gamit ang mga nakatira, iyon ang nakikita ni Drea. Maya-maya ay naglalakad palapit ang mag-ina sa kanya. Napatayo bigla si Drea nang makita ang ina ni Zander. "Magandang araw po..." magalang na bati ni Drea sa ginang na nasa eddad 50's. "Magandang araw namam sa'yo, hija," ganting bati ni Len saka napabaling ng tingin kay Zander. "Ngayon lang nagdala ng nobya ang anak ko." Napasinghap si Drea sa narinig sa ina ng binata. "Nay, hindi ko po girlfriend si Drea," pagtatama ni Zander. Napaamang si Len at nahilig ang ulo sa pagtataka. "Hindi mo siya girlfriend? E, ngayon ka lang nagdala ng babae dito sa bahay," pambubuko niya pa sa anak habang n
SA loob lang ng isang buwan, mabilis na nagbago ang pamumuhay ni Zander. Binuksan sa kanya ang pinto ng oportunidad. Mabilis ang naging pag-angat niya. Mula sa pagiging team leader, isa na rin siyang manager ngayon sa kompanyang pinapasukan niya. Mayroon na siyang ipagmamalaki sa kanyang mga magulang sa tuwing uuwi siya sa kanila. Hindi na siya iyong pabigat at walang nararating sa buhay. Napabangon si Zander mula sa kama, kinuha ang pakete ng sigarilyo, at sinindihan iyon. Ilang sandali pa, naghithit at bumuga siya ng usok. "Hindi ka makatulog?" tanong ni Drea. Bumangon din ito at niyakap si Zander mula sa likod, inilapat ang baba sa balikat ng binata. Pareho silang wala pang saplot sa katawan. "Nah... I'm just wondering, bakit ka nagtitiyaga sa akin? Ang dami namang iba d'yan at hindi ka naman pangit para hindi magustuhan ng ibang mga lalaki." Simula noong magtrabaho siya sa kompanya ay pansin na niya ang pag-aligid nito sa kanya. Never naman siya nagbigay ng motibo sa isang