Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Aria. Ang karera ng mga sasakyan mamaya, ang alala ng nakakamanghang mga kasuotan ng kanyang tita Regina ay ang mga imaheng nagdulot ng kakaibang sigla sa kanyang puso. Parang may mga naglalaro ng masayang musika sa kanyang kalooban.
Matapos ang paghahanda at pagpapalit ng damit, marahang dinampot ng batang babae ang kanyang cellphone. Ang maliit na aparato, ay tagapagdala ng daigdig sa kanyang mga palad, at naghihintay sa kanyang mga daliri.
Ngunit isang pagkunot ng noo ang sumunod sa ngiti. Sa nakaraan, kapag nagte-text siya sa kanyang tita Regina, agad naman itong sumasagot sa kanya.
Subalit ng mga oras na iyon, kakatapos lang ng batang babae na maligo, nang muli niyang sipyatin ang kanyang cellphone, wala pa ring mensahe ang kanyang tita. May kung anong kirot ang bahagyang dumapi sa kanyang puso, naisip niyang baka galit ito sa kanya.
Dahil dito, dali-dali siyang nagpadala muli ng mensahe kay Regina.
"[Tita, anong problema, galit ka ba?]" panimu