Share

Chapter 14: P.2

Author: Marifer
last update Last Updated: 2025-04-05 22:44:43

Habang si Luna ay matyagang naghihintay habang nakaupo sa kanyang anak sa ibaba.

Nang mga oras na iyon, tumunog ang screen ng cellphone ni Aria. Isang mensahe ang lumabas sa cellphone ng bata. Nabasa na Luna ang anim na salitang nakasulat sa screen nito, "Mahal ni tita Regina."

Nang mabasa iyon ni Luna, bigla siyang napahinto. Isang bahagyang pagkunot ng noo ang sumilay sa kanyang mukha.

Kahit pa si Aria ay wala pa sa wastong gulang, palagi niyang ginagalang ang personal na cellphone nito, ni minsan ay hindi niya sinubukang silipin ang mga mensahe o tawag nito mula nang magkaroon ito ng cellphone ng kanya.

Ngunit nang mabasa niyang ang isang mensaheng ipinadala mula kay Regina, natigilan siya. Ilang sandali, bago paman niya ito tuluyang mabasa, dahan-dahang kinuha ni Luna ang cellphone habang ang mga daliri ay bahagya pang nanginginig.

At doon napagtanto niya kung bakit madalas magalit sa kanya ang anak niya tuwing umaga.

Mabilis itong binuklat ni Luna at doo'y natagpuan din niya an
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 52: P.2

    Ito ang unang pagkakataong nasilayan ni Lucina ang ganitong tagpo.Sa alaala ng pagkalinga ni Eduardo kay Regina, tumingin siya kay Luna na may dagdag na yabang at pagmamataas sa mga mata.Gayunman, dahil naroroon si Eduardo, hindi naging padalos-dalos si Lucina sa kilos ni salita.Lumapit si Regina, ngunit ang pinuntahan niya ay si Jeriko, at hindi si Luna.Ngumiti si Regina at malumanay na nagsabi, "Mr. Galang, kay gandang pagkakataon at nagtagpo tayong muli." aniya.Ngunit si Jeriko ay ngumiting malamig at may halong pag-iwas, "Oo nga, tunay na nakapagtataka ang ganitong pagkakataon."Ngiti pa rin ang nasa labi ni Regina habang mahinahong nagsabi, "Matagal ko nang balak imbitahan si Mr. Galang sa isang salu-salo, ngunit abala ako nitong mga nakaraang araw at hindi nakahanap ng pagkakataon."Ngunit ang tugon ni Jeriko ay may halong pag-iwas at magalang na paglayo, "Huwag na po kayong magpakumbaba, Binibining Saison. Batid kong kayo’y isang taong lubhang abala sa maraming bagay." mul

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 52: P.1

    Hindi matiyak kung gaano katagal ang lumipas bago nakarating si Aria sa paaralan.Tahimik na bumaba ng sasakyan si Luna upang ihatid siya, habang si Eduardo ay nanatiling nakaupo sa loob, walang anumang kilos.Si Aria ay napatingin sa kanyang ama: "Dad...""May aasikasuhin pa ako." maikling tugon ni Eduardo sa anak."Hays! Okay." sagot lamang ni Aria.Batid ni Luna na noon, tuwing ihahatid nina Eduardo at Regina si Aria sa paaralan, sabay silang bumababa ng sasakyan at isinasamahan ang bata hanggang sa guro.Ngayon, siya na ang nasa gampaning iyon.Hindi niya alam kung totoong may mahalagang lakad ba si Eduardo o sadyang ayaw lang nitong makitang magkasama sila sa harap ng iba.Sa isip na ito, hindi na niya pinilit pa. Tinapunan niya ng tingin si Eduardo na nasa loob pa rin ng sasakyan at mahinahong sinabi,"Mauna ka na. Magta-taxi na lang ako papuntang kompanya mamaya." ani Luna.Pagkarinig ni Eduardo, agad siyang nagsalita, "Madadaanan naman," anito.Ayaw na talagang sumabay ni Luna

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 51: P.2

    Hindi alam ni Luna kung ano ang isasagot. Napayuko na lamang siya, at bahagyang kumunot ang kanyang noo.Bagaman pumayag si Eduardo na tulungan siya kagabi, batid ni Luna na wala na talagang pag-asa para sa kanilang dalawa na muling magkasama.Kaya kung sakaling may nangyari pa sa kanila kagabi, lalo lamang itong magiging mali, isang bagay na wala nang kahihinatnang maganda, kundi dagdag na sakit at kalituhan sa pagitan nila.At ukol naman sa pagkakaroon ng isa pang anak, lalong hindi na maaari.Sapagkat nakatakda na ang kanilang paghihiwalay ni Eduardo.Habang iniisip niya ito, bumaba na mula sa hagdan si Aria.Nang makita niya si Aria, naalala ni Luna ang paghanga at pagmamahal ng bata kay Regina, bahagyang nagbago ang anyo ng kaniyang mukha. Napayuko siya at hindi na nagsalita.Habang kumakain ng almusal, tulad ng nakagawian, umupo si Eduardo sa tabi niya, tahimik ngunit tila likas na lamang ang kilos.Subalit kahit magkatabi, wala ni isa sa kanila ang nagbukas ng bibig upang makip

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 51: P.1

    Tahimik si Luna sa ilang saglit, pinipigilan ang bahagyang pamumula ng kanyang pisngi.Bahagya siyang tumikhim, pilit nilalabanan ang pag-aalangan, at sa huli'y kalmado siyang nagsalita, "Nakalimutan kong kunin ang pantulog ko." mahinahong niyang wika.Bagama’t may bahid ng pagkapahiya, hindi na ito ganoon kabigat sa kanya. Sa paglipas ng mga taon nilang mag-asawa, hindi na bago sa kanila ang ganoong sitwasyon, marami na ring ulit na mas mahigit pa rito ang kanilang pinagsamahan.Sa mga taong lumipas mula nang sila’y ikasal, bagaman hindi niya kailanman tahasang sinabi, palihim na umaasa si Luna, umaasang sa pagdaan ng panahon ay matutunan din siyang mahalin ni Eduardo.Ngunit kailanman, hindi pumasok sa isip ni Luna na akitin o siluin si Eduardo.Kaya't ang mga pajama na madalas niyang isinusuot sa bahay ay payak lamang, karaniwang dalawang pirasong kasuotan, maluwag ang kwelyo, walang kapansin-pansing ganda, tanging kaginhawaan lamang ang isinasaalang-alang.At ang suot niyang pang-

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 50: P.2

    Hindi man kumibo ang apo, hindi rin niya kinailangang sabihan pa, kusang inabot ni Eduardo ang kutsara’t chopsticks at nagsandok ng ilang ulam para kay Luna.Tahimik na tinanggap iyon ni Luna at mahina siyang nagsabi, "Salamat."Idinugtong pa ng matanda, "Nagdala rin ako ng maraming pampalakas. Mamaya pagkatapos kumain, ipapakuha ko ng kaunti para sa inyo ni Eduardo. Kailangan ninyong alagaan ang inyong mga katawan." Hindi nakatanggi si Luna kaya’t sunud-sunod siyang tumango bilang pagsang-ayon.Noong siya’y bata pa, ang Matandang Ginang ay minsang nanirahan sa ibang Lungsod upang maghanapbuhay, at kilala ito sa husay sa pagluluto, lalo na sa paglalaga ng masasarap at masustansyang sabaw.Pagkatapos ng hapunan, siya mismo ang nagbigay ng tagubilin sa mga kasambahay kung paano lulutuin ang mga pampalakas na dala niya para kina Luna at Eduardo.Nais sanang tumulong ni Luna sa kusina, subalit pinigilan siya ng matanda at banayad na itinaboy palabas ng silid-lutuan.Walang nagawa si Luna

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 50: P.1

    Mariing nagkamay si Luna habang pinipigil ang panginginig ng kaniyang katawan. Namumugto na ang kaniyang mga mata, ngunit pinili niyang hindi umiyak. Tinitigan niya si Eduardo nang direkta, saka mahinahong ngunit mariing nagsalita:"Pakiusap lang… kung may halaga pa 'ko sa'yo kahit kaunti, pakiusap… huwag mo silang hayaang tumira sa tapat ng bahay ng tiyuhin ko." Sandaling tumigil siya, huminga nang malalim, at muling nagsalita, mas malinaw at tahasan:"Kahit ano ang gusto mong kapalit… kahit anong kundisyon, tatanggapin ko. Basta pumayag ka." ani Luna.Bago pa man niya lubusang matapos ang kaniyang mga salita, bigla niyang narinig ang tinig ni Eduardo."Sige." anito.Napahinto siya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig, hindi dahil sa galit o takot, kundi dahil sa matinding gulat.Hindi niya inaasahan na agad-agad siyang papayagan. Walang tanong. Walang kondisyon. Walang pagtatalo.Pumuno ng luha ang kaniyang mga mata, at sa isang saglit, tila nagdilim ang lahat sa kaniyang isi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status