Ika-pitong Bahagi
“Nananaginip ka ba ng gising?” naiinis kong sagot kay prinsipe Lucuis. “At paano mo naman balak makipag-bigkis sa amin ni Marius?” hindi ko napigil na matawa. “Ang proseso nang pagbibigkis ng isang enkantong Dilang Pilak ay nangyayari lamang, isang beses sa kaniyang tanang buhay, at isang tao lang ang kaniyang nakakaparehas. Paano mo nasabing nais mong makipag-bigkis sa amin?!”
“Sa pamamagitan ng isang kapatiran,” sagot niya sa akin. “Sa isang samahan na hindi kayang pigtasin nino mang babae o lalaki.”
“Isang samahan?” ulit ko.
“Oo, isang kasunduan na maging kasangga ninyo at kapatid, habang dumadaloy ang dugo sa aking mga ugat.”
Napatitig ako sa prinsipe ng Ignus, ang kaharian na matagal nang may hidwaan sa aming mga taga-Heilig. Nakatitig siya sa akin, diretso at maliwanag ang tingin ng kaniyang mga mata.
“Isang kapatiran?” tanong kong muli sa kaniya.
Ngunit bago pa man makasagot si prinsipe Lucuis, ay may kaguluhan kaming narinig mula sa gitna ng bulwagan.
May babaeng sumigaw.
“Anong nangyayari?!” pareho kaming napatakbo ni Lucuis pabalik.
“Tulungan ninyo ang mahal na Prinsipe!” sigaw ng mga kawal.
At nakita ko nga si Marius na nakaluhod sa lapag at hawak-hawak ang kaniyang maskara!
May isang babae na nakatayo sa likuran niya. May hawak itong patalim! Nagliliyab ang punyal niya na may bughaw na ningas, at nakatutok ang patalim na iyon sa leeg ng aking kabigkis!
“Marius!” tawag ko sa kaniya. Itinaas ko ang aking kamay at tumawag ng kidlat. Inasinta ko ang punyal, maingat na siniguradong hindi nito matatamaan ang aking mahal!
“Kyaaah!” napasigaw ang babae at nabitawan ang kaniyang armas.
Agad naman akong kumilos at parang kidlat na lumitaw sa tabi ni Marius. “Maayos ba ang iyong kalagayan, Marius?!” tanong ko sa kaniya. “Anong ginawa niya sa iyo?”
“Theo... ang aking maskara...”
Hindi natapos ni Marius ang sasabihin. Nagulat kami nang palibutan ng pader na apoy ang aming paligid!
“Dakipin ninyo silang parehas!” sabi ng isang tinig.
Napatingin ako at nakita ang limang kalalakihan na palapit sa amin. Nakasuot sila ng uniporme ng mga delegante mula sa Ignus.
“Mga hangal! Sa tignin ba ninyo ay ganoon lang kami kadaling hulihin?” galit kong ungol. “Hangin! Gapiin mo ang iyong hininga at patayin ang apoy!”
Mula sa aking palag ay may umikot na ipu-ipo, ngunit sa halip na lumakas ang hangin, ay hinigop nito ang apoy sa paligid hanggang sa mawala ang pader na nakapalibot sa amin.
“Marius!” tawag ko sa aking katabi.
Tumayo si Marius ng diretso at nagsalita. “Maupo ang lahat.” utos niya.
Natigilan ang lahat.
Napayuko ang mga tao at nagsipag-upuan. Ang iba ay naupo sa mga banko, ang iba naman ay sa lapag, at walang natira ni-isang tao na nakatayo sa loob ng balwarte maliban sa aming dalawa.
“Walang sino man ang makakagamit ng mahika sa lugar na ito, maliban sa amin ni Theo,” sabing muli ni Marius sa tabi ko. “At ang mga mapangahas na nagbalak ng aking kapahamakan ay malalagutan nang hininga sa sandali ring ito.”
Bumagsak ang babae sa aming tabi mula sa kaniyang pagkakaupo sa sahig, gayon din ang limang mga kawal na naka uniporme ng Ignus, at sa aming pagkagulat, ay nahulog din ang isa sa mga mahistrado ng aking ama, si duke Malonzo – ang aming ambasador sa Ignus na siyang tiyuhin ni Haring Domingo.
Tahimik ang buong bulwarte.
Mukhang nawala rin ang kalasingan ng mga panauhin, lalo na ng aking ama sa mesa na nanlalaki ang mga mata.
“Marius, pakawalan mo na sila.” sabi ko sa aking kabigkis.
“Bumalik nawa ang lahat sa dati,” sabi ni Marius, at muling nakagalaw ang mga panauhin.
“Marius, anak, maayos ba ang iyong kalagayan?!” tanong ni Haring Domingo na nagmamadaling lumapit sa kaniyang anak.
“Mga kawal! Alisin ang mga mapangahas na ito sa aming harapan!” utos ng ama kong Emperador.
“Prinsipe Theo.” napatingin ako kay prinsipe Lucuis na nasa tabi ko. “Buti at maayos na ang lahat. Kamusta si prinsipe Marius?”
“Maayos naman siya...”
“Ikaw!” tawag ng aking ama, “Kasama ka ng mga Ignus na nagbalak saktan ang prinsipe Marius!”
Napatingin ako sa Emperador.
“Nagkakamali po kayo, mahal na Emperador!” sagot ni prinsipe Lucius, “Hindi po kasapi sa aming deligado ang mga taong ito,” sabi niya, “Sila po ay mula sa isa sa aming mga probinsiya, at hindi sa aming kabisera.”
“Gayun pa man, sila’y galing pa rin sa inyong kaharian!” pilit ng isa sa mga sundalo. “Sumama ka na sa amin upang kayo ay matanong tungkol sa kaganapan na ito!”
Napatingin sa akin si prinsipe Lucius. Napansin kong nagkukumpol sa kaniyang likuran ang mga kawal na kaniyang kasama.
“Prinsipe Lucius,” ika ng isang sundalo na nakasuot ng palamuti ng mga heneral. “Ano ang iyong payo?”
“Wala akong balak na masama sa aming pagbisita rito,” ika ni prinsipe ng Ignus. “Malinis ang aking hangarin at kunsensiya, kaya ako ay kusang loob na sasama at sasagot sa inyong mga katanungan.”
“Mahal na prinsipe Lucius...” ani ng isa pang heneral ng Ignus.
“Huwag kayong mag-alala,” sagot ni prinsipe Lucuis na nakangiting humarap sa kaniyang mga heneral. “Umaasa akong maayos akong itatrato ng mga Ravante. Bilang prinsipe ng Ignus, at katulad nilang maharlika.”
“Kung gayon, ay sasama kami sa aming prinsipe,” sagot ng mga heneral ng Ignus.
“Sumunod kayo sa amin,” sabi naman ng heneral ng aking ama na si Heneral Asistio.
“Huwag kayong mag-alala, ita-trato namin kayo bilang bisitang pangrangal sa kabila nang mga pangyayaring ito,” pahayag ni Haring Domingo. “General Romulo.” tawag niya sa pinaka mataas niyang heneral, “Samahan mo sila sa tore sa Silangan, at siguraduhing maayos ang kanilang kalagayan doon.”
“Masusunod, mahal kong hari.” sagot ni heneral Romulo.
“Maayos ba ang iyong kalagaya, Marius?” tanong kong muli sa aking kabigkis. “Ano ba ang ginawa sa iyo ng babae na iyon?”
“Hiniwa niya ang tali sa aking maskara.” sagot niya na sumandal sa aking d****b. “May hawak siyang pangsapal sa bibig, ngunit nahawakan ko agad ang aking maskara bago pa ito mahulog, at natabig ko ang kaniyang kamay, kaya’t nabitawan niya ang pangsapal...”
“Balak nilang takpan ang iyong bibig?!” singhal ko.
“Oo, at mukhang balak nila akong dakipin...”
“Nais nilang isama tayong dalawa...” sabi ko, naalala ang utos ng isa sa mga kawal nila.
“Ngunit bakit? At napaka lakas ng loob nilang tayo ay atakihin sa sarili nating balwarte!”
“Marius, Theo,” tawag sa amin ni Haring Domingo matapos utusan ang mga kawal na alalayang umuwi ang mga panauhan. “Kamusta ang inyong kalagayan?”
Lumapit na rin sa amin ang aking amang Emperador. “Aking anak, nasaktan ka ba?”
“Maayos po ang kalagayan namin, ama...” tugon ko, at sa aking pag bitaw kay Marius na nakasandal sa akin ay nabitawan naman niya ang kaniyang maskara.
’Klang!’
Nahulog ito sa lapag, at sa pagbungad ng kaniyang mukha ay napatitig ang ama kong Emperador sa aking kabigkis.
Nagsiluhod sa lapag ang ilang taong napatingin sa kaniyang mukha. Lahat sila ay namangha sa kaniyang kagandahan. Ang ilan naman ay nagkandarapa at parang nawala sa sarili at nagpumilit na kapitan ang kaniyang paa.
“Ang iyong maskara!” Napasimangot ako at hinatak si Marius sa aking d****b, tinakpan ko ang kaniyang mukha.
Agad pinulot ni Haring Domingo ang maskara sa lapag at iniabot iyon sa akin.
“Pumanik na rin kayo sa inyong silid,” ani niya.
Itinakip ko ang maskara sa mukha ni Marius. Hinawakan niya iyon.
“Paraanin ninyo kami,” ani niya, at nagmamadaling nagbigay daan ang mga tao sa aming harapan.
Habang papuntang tore sa Timog kung saan naroon ang aming silid, napadaan pa kami kina prinsipe Lucuis. Kakaiba ang tingin niya kay Marius... mukhang nakita rin niya ang kaniyang mukha. Napatingin siya sa akin at bahagyang tumango. Tumango rin ako pabalik sa kaniya.
“Halika na, Theo.” sabi ni Marius sa tabi ko, at madali na kaming umalis.
ʕ•́ᴥ•̀ʔっ♡ can I ask for a vote? ✿ and don't forget to leave a review :) ★✪★✪★✪★✪★✪★✪★✪★✪★✪★✪★✪ ohandbytheway, if you would like to support me further, you could buy me coffee in: https://ko-fi.com/psynoidal
Hello Dear Readers! ʕ•́(ᴥ)•̀ʔっ Maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay sa kuwentong ito! Actually, ito po ay isang side story para sa mas mahabang kuwento (in English) na 'Phasma' whose story actually takes place in the new world, 10,000 years in the future. Ang Phasma po ay isang young adult fantasy adventure novel na on-going dito sa GoodNovel(hindi po ito BL or boys love ʕˆ(ᴥ)ˆʔ ) general patronage po ito, with a bit of dark fantasy here and there. Sana po ay nagustuhan ninyo ang storya na ito, at maisipang basahin din ang Phasma na sigurado po ako, ay magugustuhan din ninyo! Pwede rin po kayong magpakape kung nais pa ninyo ako'ng pasalamatan at suportahan!Hanapin n'yo lang po ako sa ko-fi dot com! look for psynoidal ʕ-(ᴥ)-ʔ may mga specials po at extras doon na naghihintay para lamang sa inyo! Muli po, salamat at mag-ingat po ang lahat! - ako
- 50 -Magkayakap kaming nagpakahulog sa aming kama.Nakabalik na kami sa silid kung saan kami nagising, kung saan kami natulog sa loob ng limang taon!Tumatawang humalik sa aking bumbunan ang pinakamamahal ko’ng kabigkis habang kinukuskos ko sa mabango niya’ng dibdib ang aking ulo.”Napakasarap ng ating pinagsaluhan kanina!” sabi niya na bahagyang nangangamoy alak ang bibig. ”Parang `di pa rin ako makapaniwalang limang taon tayo natulog, pero ibaang sinasabi ng aking tiyan! Gusto ko pa rin kumain hanggang ngayon!””Isabukas na natin iyon, mahal,” sabi ko sa kanya habang pataas ang mga halik ko sa kanyang leeg. ”Ngayong gabi, ikaw lang ang nais ko’ng kainin!”Napahagikhik si Marius.”Hindi pa rin ako makapaniwalang limang taon tayong nawala!” patuloy niya habang hinuhubad ko ang suot niya’ng tunika. &r
- 49 -“At bakit naman ako magiging Emperador?”Iyan ang tanong ko sa dalawang hari sa aming harapan.Napatunganga sa akin si Nico at si Haring Domingo.”Hindi ba’t dapat lang na koronahan ka na namin bilang punong tagapamahala sa bagong mundo’ng ito?” sabi ni Haring Domningo.”Hindi naman ako papayag na mas mataas pa ang posisyon ko sa iyo!” sabi naman ni Nico na sumimangot sa akin. ”Hindi ako pinanganak na dugong bughaw, at sa totoo lang, hindi ko ginusto ang posisyon na `to, kung `di lang `to pinilit sa `kin ng mga tao!””Pero bagay na bagay ito sa `yo!” sabi ni Marius na nakangiti sa kaniya.“Ay, ikay, Dilang Pilak! Ngayon lang kita narinig magsalita, pero `wag mo ako’ng ma-utuasang manatili sa posisyo’ng ito, ha?” biro nito sa aking kabigkis.“Pero, hindi ba’t bagong
- 48 -Nilibot naming dalawa ni Marius ang mga tindahan. May mga nagkakalakal ng damit sa isang tindahan, at kapalit ng suot naming makapal na tunika, ay kumuha kami ni Marius ng tig-isang balabal. Namasyal kami sa paligid at naaliw sa mga tanawin nang mga tao na sama-sama – mapa Heilig, Ravante, o Ignasius man. Lahat sila masayang nagbabatian at nagtutulungan. Binigyan nila kami ng mga pagkain, laruan, at mga palamuti. Isang kumonidad na walang discriminasyon sa isa’t-isa.May grupo ng mga bata na lumapit kay Marius. Mga batang ginto ang buhok ngunit madilim ang kulay ng mga mata. Mga pulang buhok na kasing bughaw ng langit ang mata. Mukhang ito na nga ang pinangarap naming mundo kung saan ang lahat ay pantay-pantay at nagkakaisa.Nagdala ang mga bata ng mababangong bulaklak na ikinuwintas nila sa aking kapares. Tuwang-tuwa naman si Marius na nakipagsayawan at nakipaglaro sa kanila, hanggang sa buma
- 47 -Katabi ko na si Marius sa aking paggising.Nakahiga kami sa malapad at malambot na kama sa isang silid na bago sa akin. Natatakpan kami ng kumot, at kapwa nakasuot ng manipis na tunika na yari sa malambot na tela.Lumapit ako upang siya ay yakapin ng mahigpit. Maayos na ang aking pakiramdam, wala nang pagod. Hinalikan ko ang dulo ng ilong ni Marius at napangiti nang unti-unti siyang dumilat.“Kamusta, mahal?” tanong ko sa kaniya.“Inaantok pa,” sagot niya na nagsumiksik muli sa aking dibdib.“Ayaw ko pa ring bumangon...”Hinawakan ko ang kaniyang baba at itinaas ito upang halikan ang matatamis niyang labi. Nangiti si Marius na gumanti rin ng halik at binalot ang kaniyang mga braso sa aking batok.Lumalim ang aming mga halik. Pumaibabaw ako sa katawan niyang porselana, hinimas ang mala-sutla niyang balat mula leeg papunta sa kaniyang dibdib,
- 46 - “Saan kayo nanggaling!?” tanong ni Haring Domingo na may halong takot at galit. “Dalawang linggo kayo nawala!” “Ha?” gulat na bigkas ni Nico, “Pero wala pa kaming dalawang oras sa kabilang mundo!” “Kabilang mundo?” muling tanong ng hari. “Sinasabi ko na nga ba ipipilit ninyo itong gawin!” “Nagawa naming magbukas ng lagusan papunta sa ibang mundo, ama.” sagot ni Marius sa kaniya. “Maaari tayong manirahan doon hanggang sa mawala ang salot sa hangin dito sa ating mundo.” “Kung may maililikas pa tayo!” sagot ni Haring Domingo. “Bakit po, may nangyari nanaman ba?” tanong ni Nico. “Nang gabi na kayo ay nawala, dumating ang malalaking alon. Nagawa nitong lampasan ang matataas na bahura at bulubundukin na hinarang ni Theodorin.” salaysay ni Haring Domingo. “Bagamat hindi na kasing lakas dahil sa mga harang, marami pa rin ang natupok sa pagbahang dulot ng mga alon.” “Ang