“Cousin-in-law, I need to raise funds. Pwede mo ba akong samahan mamaya? May pupuntahan akong event. Ipagpapaalam kita kay Kuya Anthony.”
“No need. Papayag naman ‘yun for sure. Hindi na natin kailangang magpaalam.” Malamang busy ‘yun kay Brittany!
“Sure ka?”
“Oo naman.”
NAGULAT si Analyn ng sa The Jewel Hotel sila pumunta. Hindi niya alam kung aware ba si Vhance na pag-aari ni Anthony ang nasabing hotel. O maaaring alam niya kaya gusto siyang ipagpaalam nito sa pinsan. Sana lang ay wala sa lugar si Anthony ngayon o wala sanang makapagsabi sa lalaki na nandito siya ngayon.
Pagpasok nila sa loob ng hotel, hindi akalain ni Analyn na si Brittany ang sasalubong sa kanila. Agad na napansin ni Analyn ang eleganteng paglalakad ng babae na palapit sa kanila ni Vhance. Bagay na bagay din dito ang kulay puting bestida na suot niya.
“Vhance, hindi mo naman sinabing kasama mo ngayon si Analyn.”
“Kinakabahan kasi ako, Ate Brittany. Kailangan ko ng moral support.”
“Okay,” pagkatapos ay kumiling an