Search
Library
Home / Romance / Love Me Harder, Mr. Billionaire / Chapter 6

Chapter 6

Author: Cathy
2025-06-24 21:54:07

"Darren...bakit? Minahal kita ng sobra pero bakit mo ito ginawa sa akin?" mahinang bulong ni Vanilla sa sarili niya. Hindi niya na kaya. Pakiramdam niya, puputok na ang puso niya sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.

Mabilis ang hakbang ni Vanilla. Hilam ang luha sa kanyang mga mata na nagmamadali siyang sumakay ng kanyang kotse. Gusto niyang mapag-isa! Pakiramdam niya sasabog ang puso niya sa sobrang sakit.

Pagkatapos na i-start ni Vanilla ang makina ng sasakyan, hindi na muna siya nagdrive paalis. Pakiramdam niya lutang siya dahil sa sobrang sakit. Gusto niyang umiyak na muna. Gusto niya munang pagaanin ang kalooban niya.

"Darren! Darren! Mahal kita! Mahal kita eh!" muli niyang sambit sa kabila nang pagtangis. Hinampas-hampas niya pa ang manibela ng sasakyan gamit ang dalawa niyang kamay. Walang pagsidlan ang sakit na nararamdaman ng puso niya sa sandaling ito.

Halos kinse minutos din sa loob ng kotse na walang ibang ginawa si Vanilla kundi ang umiyak bago niya pinasibad ang kanyang sasakyan. Ilang saglit lang, laman na siya ng abalang kalsada.

"Darren, ano pa ba ang kulang? Bakit mo ako nagawang lokohin?" patuloy sa pag-iyak si Vanilla habang patuloy sa mabagal na pagtakbo ang sasakyan. Ang make-up na maayos na nakalagay sa kanyang mukha ay tuluyan nang nabura dahil sa kanyang luha.

Minahal niya si Darren ng higit sa kanyang sarili. Nagbabalak na din silang magpakasal pero bakit? Bakit siya nito nagawang lokohin? Bakit?

Dahil mag-isa lang naman siya sa loob ng sasakyan, walang pag-aalinlangan na umatungal siya ng iyak. Sobrang sakit. Sobrang sakit!

Nasa ganoon siyang huwesyo nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone. Habang nakatutok ang mga mata niya sa kalsada, kinapa-kapa niya ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag at nang mahawakan niya iyun, kaagad niyang sinagot ang tawag para lang makaramdam ng pagkadismaya nang mabusisan niya ang nobyo niyang si Darren

"Mahal, nasaan ka na? Nakaalis na din si Zakari. Pwede bang bumalik ka dito sa opisina ko?" kaagad na sagot nito sa kabilang linya. Isang malungkot na ngiti ang kumawala sa labi ni Vanilla bago siya sumagot

"Darren, maghiwalay na tayo." mahina niyang sambit. Mula sa kabilang linya, wala sa sariling naitulak ni Dareen ang babaeng kanina ay katalik niya lang. Nakaupo na naman kasi sa kandungan niya ito at nag-uumpisa na naman siyang painitin

Ang kanyang sekretarya na si Lexi na singtigas yata ng bato ang kukute. Sinabi nang magtrabaho na muna sila eh pero wala nang ibang ginawa ang babaeng ito kundi ang lumingkis sa kanya.

"What? Vanilla, mahal is it a joke? Kung ito man ay isang biro, hindi nakakatuwa." hilaw ang ngiti sa labi na wika ni Darren sa kanyang nobya. Mahal niya si Vanilla pero gustong gusto niya din itong sekretaryang kasama niya ngayun.

Tatlong taon na niyang girlfriend si Vanilla samantalang halos dalawang taon naman ang relasyon nilang dalawa ni Lexie at nahulog siya dito dahil noong una niya itong ginalaw ay virgin pa. Hangang sa regular na lang sa kanila ang magtalik kahit saan sila abutan ng libog. Mapasa -kotse man, opisina or di kaya kahit sa sarili niyang condominium. Kahit saan basta makaraos lang sa init ng katawan.

Si Vanilla naman kasi, napaka conservative. HIndi nito maibigay-bigay ang pangangailangan niya bilang isang lalaki. Gayunpaman, alam ni Darren sa sarili niya na mahal niya si Vanilla at ito ang gusto niyang maging asawa balang araw. Pero sa ngayun, masaya din siyang nakikipaglaro sa kanyang sekretarya kaya hindi niya ito kayang iwasan.

"Tama ang narinig mo. Maghiwalay na tayo." seryoso at walang kagatol-gatul ng bigkas ni Vanilla. Masakit sa kanya na makipaghiwalay sa boyfriend niyang si Darren kaya lang wala siyang magagawa. Nagluko ito at ayaw niyang maging martir.

"No! Hindi! HIndi ako papayag! Vanilla, Mahal, sabihin mo sa akin, may nagawa ba akong kasalanan? Bakit parang may tanrums ka yata ngayun? Nasaan ka na ngayun? Pupuntahan kita?" seryosong sagot naman ni Darren sa kanyang nobya pero ang mga mata niya ay nakatutok sa malusog na dibdib ng kanyang sekretarya.

Nilalandi na naman kasi siya nito. Nakalabas ang dila na para bang nang-aakit habang patuloy ito sa paglamas sa sariling dibdib. Mabuti na lang talaga at kakatapos lang nila kanina at mukhang napagod ang manoy niya kaya hindi pa nagrereact!

Tsaka, ano ba ang nangyayari kay Vanilla? Huwag nitong sabihin na nakita nito kanina ang mga hindi dapat makita dito sa loob ng opisina niya? Shit, hindi pwede iyun! Hindi niya kayang mawala sa kanya ang kanyang nobya.

"Hindi na kailangan! No more looking back, Darren. Man------Ahhhh!" hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Vanilla dahil sumalpok na ang kotse niya sa isa pang kotse na nasa harapan niya. Huli na para maapakan ang brake kaya naman sunod na naramdaman ng dalaga ay ang pagkabagok ng kanyang ulo sa manibela ng sasakyan kasabay ng pagdilim ng buong paligid

Samantalan dinig na dinig naman ni Darren ang ingay na nagmumula sa kabilang linya.

"Hello! Hello! Vanilla! Huwag kang magbiro ng ganiyan. Sumagot ka!'" taranta niyang bigkas pero hindi na nagsalita pa ulit ang dalaga. Muli niya itong tinawagan pero hindi na din ito sumasagot pa.

Lalong nakaramdam ng takot si Darren. Kaagad siyang napatayo mula sa pakakaupo at mabilis na naglakad palabas ng opisina.

Direcho siya sa parking area habang hindi niya namalayan pa na kaagad din namang sumunod sa kanya si Lexi.

"Darren, Darling, ano ang nangyari? Akala ko ba---"

"I think may masamang nangyari kay Vanilla. Tapusin mo na ang mga reports na pinapatapos ko sa iyo..." seryosong wika naman ng binata sa dalaga niyang sekretarya.

"NO! Hindi pwede! Tutulong ako sa paghahanap sa girlfriend mo. Boss Darren, we are playing lang naman diba? Lahat ng namamagitan sa ating dalawa ay init lang naman ng katawan kaya walang dahilan para magselos sa akin ang gilfriend mo!" nakangiting wika ni Lexi sabay dukwang nito kay Darren at binigyan niya ito ng malutong na halik sa labi

"Yes...laro lang ang lahat at hindi dapat seryosohin. Besides, never kong nakita kay Vanilla ang pagdududa. Baka mainit lang ang ulo niya kaya siya nakipaghiwalay sa akin kanina." nakangiting sagot naman ni Darren sa dalaga.

Hindi niya na napansin pa ang kislap ng tuwa sa mga mata ni Lexi pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyun...

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP