LOGINMasakit ang buong katawan at may benda sa ulo. Iyun ang unang naramdaman ni Vanilla sa pagmulat niya ng kanyang mga mata.
Akmang babangon na sana siya nang bigla na lang siyang pigilan ng kung sino at nang ibaling niya ang kanyang tingin ay kaagad na sumaulubong sa paningin niya ang mga kaibigan niyang sila Jenna at Devi. "Ano ang nangyari?" nagtataka niyang tanong sa kanyang mga kaibigan. Nagkatitigan pa ang dalawa bago sumagot "Naaksidente ka. Binangga mo ang sasakyan na nasa harapan mo. Mabuti na lang talaga at maliban sa galos at bukol sa ulo, wala nang iba pang problema sa katawan mo." si Devi na ang sumagot. Isa itong doctor at hindi nakakapagtaka kung bakit to the rescue kaagad ito sa kanya. "Naaksidente ako? Paanong nangyari iyun gayung maingat naman akong magmaneho ah?" seryosong niyang tanong sa kaibigan. Napakapa pa siya sa kanyang ulo at hindi niya mapigilan ang mapangiwi nang maramdaman niya ang pagkirot sa bahaging iyun. "Isipin mo kung ano nga ba ang nagyari? Naku, ikaw Vanilla ha? Sa susunod, mag-ingat ka na. Mabuti na lang talaga at may nag rescue sa iyo na pogi kaya hindi ka napuruhan. Nagliyab kasi ang kotse mo at kung hindi ka kaagad nailabas sa loob, baka naging tusatadong virgin ka na," pabirong sagot ni Janna sa kaibigan. Samantalng bigla namang nanahimik si Vanilla. Pilit niyang iniisip kung ano nga ba ang nangyari bago ang aksidente at nang maalala niya ang panluluko ng kanyang boyfriend hindi niya na mapigilan pa ang maluha na siyang nakita naman ng kanyang mga kaibigan. "Teka lang, ano ang nangyari? Umiiyak ka ba? Naalala mo na ang dahilan kung bakit ka--- "Yes, naalala ko na. Niluko ako ni Darren." mahinang sambit ng dalaga sa kanyang mga kaibigan. Gulat naman na nagkatitigan ang dalawa bago nakasagot "What? I mean...paanong nangyari iyun? Imposible naman yata iyan, Vanilla. Saksi kami kung gaano ka kamahal ni Darren." si Devi na ang unang sumagot "Hindi imposible ang lahat-lahat dahil huling huli ko siya. Nadatnan ko siyang ka-sex ang sarili niyang secretary sa loob ng kanyang opisina." umiiyak nang sambit ni Vanilla sa mga kaibigan niya. Muling nanumbalik ang sama ng loob na nararamdaman niya kani-kanina lang. "Ang walang hiyang iyun! Peste siya! Nagawa ka pa talaga niyang lokohin?" galit na wika ni Devi. Nakikita na sa mga mata nito ang galit kaya kaagad na din itong hinawakan ni Janna para pakalmahin. "Hey relax! Kung maka-react ka naman diyan akala mo ikaw ang niluko eh." natatawang saway nito sa kaibigan "Ano ka ba? Kung niluko niya si Vanilla, damay na din tayo doon. Kulang na lang na lumabas tayo sa iisang pwerta para masabi na magkapatid tayo noh?" yamot na sagot ni Janna dito. Lalo namang napaiyak si Vanilla dahil sa mga narinig niya mula sa kanyang mga kaibigan. Hindi siya makapaniwala na dadamayan siya ng mga ito ngayun. "Huwag ka nang umiyak, Vanilla. Ang mga manlolokong tao ay hindi dapat pag-aksayahan ng luha. Hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa balat ng lupa." pang-aalo ni Janna sa kaibigan niya samantalang si Devi naman ay kusa na nitong pinunasan ang luha sa mga mata ng kaibigan na sawi sa pag-ibig. "Masakit ang malaman na niluko niya ako pero tama kayo. Kailangan kong tangapin ang katotohanan na hindi na kami pwede. Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa akin." umiiyak na wika ni Vanilla sa mga kaiibigan niya. "TAma! Tama iyan! Maganda iyan Vanilla. Hindi ka dapat paapekto. Lalaki lang siya at marami diyan na pwedeng ipalit sa kanya." sagot naman kaagad ni Janna. Hinawakan pa nito ang kamay ng kaibigan para maiparamdam niya dito na nandito lang sila na handang dumamay sa lahat ng oras. Hangang sa sabay silang napatingin sa pintuan ng silid dahil bigla na lang bumukas iyun at hindi maiwasan na magulat ni Vanilla nang masilayan niya ang taksil niyang nobyo. Lalong nadagdagan ang galit sa puso niya dahil isinama pa talaga nito ang sekretarya nito na kanina lang ay katalik nito at kung makaasta ngayun sa harapan niya akala mo walang ginawang pagkakamali eh. "Vanilla? Kumusta? Ano ang nangyari? May masakit ba sa iyo? Sabihin mo sa akin?" nag-aalalang tanon ni Darren sa kanyang nobya. Pigil naman ni Vanilla ang mapataas ng kilay. Ang galing magkunwari ng lalaking ito. Ni hindi niya nga alam kung totoo ba talagang nag-aalala ito sa kanya. Manluluko! Pero, hindi! Hindi siya papayag na ganoon-ganoon na lang. Niluko siya nito kaya bakit nga ba hindi niya din ito lulukuhin ngayun? Lintik lang ang walang ganti! "Sino ka?" malamig at puno ng pagtataka sa boses ni Vanilla na tanong sa kanyang nobyo. Pagkagulat naman ang kaagad na rumihistro sa mukha ni Darren. Nagtataka siyang napatitig sa kanyang kasintahan na si Vanilla habang tahimik lang sa tabi niya si Lexi. Nakikiramdam habang may mumunting ngiti na nakaguhit sa labi. Samantalang sila Devi at Janna naman ay nagulat din. Sabay pa silang napatingin kay Vanilla na noon ay walang nababasa na kahit na anong emosyon sa mukha nito "Hindi ka nakakaalala? Hind mo ako naalala?" nagtatakang tanong naman ni Darren sa kanyang nobya. "Yes...hindi siya nakakaalala. Kahit kami na mga kaibigan niya, hindi niya din maalala. I think may temporary amnesia si Vanilla dahil sa nangyaring aksidente." seryosong wika naman ni Devi. Alam niyang maniniwala ang mga ito dahil isa siyang doctor. Gets niya na din kung ano ang nais ni Vanilla na mangyari kaya sasakyan nila itong dalawa ni Janna ngayun. Aba't matalik yata silang magkaibigan. Kabisado nila ang ugali ng isa't isa at ang ganitong mga bagay ay sisiw lang sa kanila. Matalik silang magkaibigan at nagdadamayan sila sa lahat ng oras. "Sino ba kayo? Mga kaibigan ko ba kayo?" kunwari muling tanong ni Vanilla sa mga bisita. "Kami.....Vanilla, Ako lang naman ang boyfriend...I mean-----siya! Siya ang boyfriend mo!" seryosong wika ni Dareen sabay turo sa kakapasok lang na si Zakari dito sa loob ng kwarto. Yes, si Zakari na naman! Ang bilyonaryong si Zakari na nagmamay-ari ng hospital kung nasaan siya ngayun. Ang Zakari na kanina lang ay basta na lang siyang hinalikan. Ang Zakari na naging saksi sa panluluko ni Darrens sa kanya kanina. Ang bastos na si Zakari. Paanong nagawang ituro ni Darren ang sarili niyang kaibigan bilang nobyo niya? Ganoon na ba ito kawalang hiya para gawin ito sa kanya? Pinapaniwala siya sa isang kasinungalingan sa pag-aakala na may amnesia sya? Samantalang pagkagulat naman ang kaagad na rumihistro sa mukha ni Zakari. Hindi niya kasi akalain na ituturo siya ni Dareen bilang nobyo ng sarili nitong girfriend.DARREN POV THREE YEARS LATER "Ano ba iyan, Darren, tama na nga iyan. Ako itong nahihilo sa iyo eh. Maupo ka nga dito at magrelax." saway sa akin ni Mommy. Paano ba naman kasi, kanina pa ako paroon at parito. Hindi ako mapalagay dahil sobrang nag-aalala ako. "Mom,hindi mo ako masisisi kung bakit ganito. Nag-aalala ako sa asawa ko. Nakita ko kanina sa mga mata niya ang sakit dahil sa---- "At normal lang iyun sa isang babaeng mangnganak. Come on, Lemuel, hawakan mo nga iyang anak mo o di kaya igapos mo. Pati ako na stress kapag nakikita kong nai-stress ang lalaking iyan eh." reklamo ni Mommy Nandito kaming tatlo sa labas ng delivery room. Nasa loob na si Venus at kasalukuyang inaasikaso ng mga doctor dahil manganganak na. Pwede naman sana akong pumasok sa loob pero ayaw ko, hindi ko kayang makita na nahihirapan ang asawa ko. "Hindi ka pa rin ba nasanay? Pangalawa niyo na ito ni Venus at alam na ni Venus ang gagawin niya." muling bigkas ni MOmmy Wala sa sariling napahil
VENUS POV "SA wakas, congratulations sa inyong dalawa ng anak kong si Darren, Iha." nakangiting wika ni Madam Laura. "Darren, ingatan mo ang asawa mo ha? Mahalin mo siya ng tapat at huwag mo siyang paiyakin." dagdag pa nito at si Darren na naman ang hinarap nito "Mom, of course...i will love her forever, Mom. Naipromise ko na po ito sa inyong dalawa ni Daddy, kila Nanay at Tatay pati na din sa kapatid ni Venus and of course, sa harap ng mga Ninong at Ninang at mga guest pati na din sa harap ng altar. I will love her forever and ever, Mom." nakangiting sagot naman ni Darren sa Ina "Good! Very good! And, Venus, iha...welcome to our family. Magmahalan kayo ng anak ko at sana, soon, mabigyan niyo na kami ng apo." nakangiting wika naman nito sa akin. Nahihiya naman akong napangiti dito Hangang ngayun, hindi pa rin kayang i-absorb ng utak ko na heto na...na ikinasal kami ni Darren pagkatapos ng halos dalawang buwan naming magkasama sa yate. Sobrang bilis ng pangyayari pero masaya ak
VENUS POV PARANG isang panaginip lang ang lahat-lahat. Simula kanina sa yate hangang dito sa harap ng simabahan, lutang ako. As in super lutang ako. Kanina, nilapitan na ako nila Tatay at Nanay, kinumusta, kinang-gratulate pero wala ako masyadong naintindihan. Hindi ko alam kung nakakabubo ba ang palaging pagsisex namin ni Darren pero parang iyun na yata ang nangyayari sa akin. Lahat yata ng susutansiya sa utak ko ay naubos sa halos dalawang buwan na paglalayag naming dalawa ni Darren na wala kaming ginawa kundi ang i-enjoy ang isa't- isa. Nauna nang magmartsa ang entourage ng aking kasal. Bride daw ang huling papasok ng simbahan para magmartsa sa gitna ng Isle palapit sa aking groom na nasa harap na ng altar na kanina pa daw naghihintay sa aking pagdating. "Si Darren! Si Darren ang aking groom na wala na yatang ibang alam na gawin kundi ang i-supresa ako. Wala sa sariling napatingin ako sa aking orasang pambisig. Paano ba naman kasi, late ako ng sampung minuto. Kung bakit
VENUS POV Halos isang buwan na wala kaming ginawa ni Darren kundi ang libutin ang karagatan bago kami nakarating sa isang Isla kung saan ko ito unang nakilala. Yes...hindi ko akalain na babalik pa kami sa naturang Isla pero hindi din naman kami nagtagal doon. After a week, muli kaming sumakay ng yate at bumiyahe na ulit pabalik ng Manila. Sa halos dalawang buwan kaming magkasama ni Darren na walang ibang ginawa kundi ang i-enjoy ang isa't- isa, feeling ko, pagkadaong ng yate namin sa Manila, hindi ko na yata kilala ang sarili ko. Feeling ko, marami ang mabago sa akin at ibang Venus na yata ako. Iba na ang gusto ko at parang ayaw ko nang humiwalay pa kay Darren Sa halos dalawang buwan na magkasama kami, feeling ko naka depende na ako kay Darren. Nasanay na din akong ito ang katabi ko sa pagtulog at lalong lalo nang nasanay ako na sa pagmulat ng aking mga mata kinaumagahan, siya pa rin ang una kong nasisilayan. Kaya nga ngayun pa lang, iisipin ko nang maghihiwalay na pala a
DARREN POV HINDI KO mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ko ang mahimbing na natutulog na si Venus. Hindi ko akalain na darating pa ako sa ganitong klaseng senaryo ng buhay ko. Ang akala ko talaga noon, wala nang pag-asa ang buhay ko. Sa kabila ng dagok at pagkalugmok na nangyari buhay ko, hindi ko inaasahan na may isang babaeng darating at magpabago sa lahat ng aking paniniwala tungkol sa pag-ibig. Noong mga panahon na para bang gusto ko nang tapusin ang lahat sa akin lalo na at akala ko talaga, hindi na ako magiging masaya, may nag-iiisang Venus na biglang dumating at pina-realized sa akin na ayos lang. Na kahit na ilang beses pang nadapa, pwede naman bumangon eh. Na kahit na ilang beses pang nagkasala, pwede namang humingi ng tawad at magbago. Hindi ako naging isang mabuting tao. Alam ko iyun, aminado ako doon. Kaya nga siguro, pinarusahan din ako ng langit. Buti nga, parusa lang eh. Hindi pa ako tuluyang namatay kung hindi baka nagin
VENUS POV SA PAGLIPAS ng mga araw...naging langit ang pakiramdam ko sa piling ni Darren. Wala akong masabi sa ginagawa nitong pag-aalaga sa akin kaya naman tuluyan nang nahulog ang loob ko dito Ganoon lang kadali. Feeling ko, nasa honeymoon stage kami at talagang sinusulit namin ang mga araw na lumipas para mas makilala namin ang isa't-isa. Mabait naman itong si Darren eh. Sweet at higit sa lahat, palagi nitong isinaalang-alang ang kalagayan ko "Venus, I love you!" malambing na wika ni Darren sa akin. Nandito kami sa upper deck ng yate, nakahiga sa malambot na mattress at parehong nakatutok ang paningin sa maaliwalas na kalangitan. "I love you too, Darren." walang pag-aalinlangan ko ding sagot dito. May puwang pa ba ang pagpapakipot ko gayung nakuha na nito ang lahat sa akin? WAla na...bahala na ang kapalaran sa aming dalawa at siguro, hindi naman ako masasaktan lalo na at ramdam ko naman ang pagpapahalaga nito sa akin. Aasa na lang ako sa mga positibong bagay, kumbaga.







