Search
Library
Home / Romance / Love Me Harder, Mr. Billionaire / Chapter 7

Chapter 7

Author: Cathy
2025-06-25 10:16:12

Masakit ang buong katawan at may benda sa ulo. Iyun ang unang naramdaman ni Vanilla sa pagmulat niya ng kanyang mga mata.

Akmang babangon na sana siya nang bigla na lang siyang pigilan ng kung sino at nang ibaling niya ang kanyang tingin ay kaagad na sumaulubong sa paningin niya ang mga kaibigan niyang sila Jenna at Devi.

"Ano ang nangyari?" nagtataka niyang tanong sa kanyang mga kaibigan. Nagkatitigan pa ang dalawa bago sumagot

"Naaksidente ka. Binangga mo ang sasakyan na nasa harapan mo. Mabuti na lang talaga at maliban sa galos at bukol sa ulo, wala nang iba pang problema sa katawan mo." si Devi na ang sumagot. Isa itong doctor at hindi nakakapagtaka kung bakit to the rescue kaagad ito sa kanya.

"Naaksidente ako? Paanong nangyari iyun gayung maingat naman akong magmaneho ah?" seryosong niyang tanong sa kaibigan. Napakapa pa siya sa kanyang ulo at hindi niya mapigilan ang mapangiwi nang maramdaman niya ang pagkirot sa bahaging iyun.

"Isipin mo kung ano nga ba ang nagyari? Naku, ikaw Vanilla ha? Sa susunod, mag-ingat ka na. Mabuti na lang talaga at may nag rescue sa iyo na pogi kaya hindi ka napuruhan. Nagliyab kasi ang kotse mo at kung hindi ka kaagad nailabas sa loob, baka naging tusatadong virgin ka na," pabirong sagot ni Janna sa kaibigan.

Samantalng bigla namang nanahimik si Vanilla. Pilit niyang iniisip kung ano nga ba ang nangyari bago ang aksidente at nang maalala niya ang panluluko ng kanyang boyfriend hindi niya na mapigilan pa ang maluha na siyang nakita naman ng kanyang mga kaibigan.

"Teka lang, ano ang nangyari? Umiiyak ka ba? Naalala mo na ang dahilan kung bakit ka---

"Yes, naalala ko na. Niluko ako ni Darren." mahinang sambit ng dalaga sa kanyang mga kaibigan. Gulat naman na nagkatitigan ang dalawa bago nakasagot

"What? I mean...paanong nangyari iyun? Imposible naman yata iyan, Vanilla. Saksi kami kung gaano ka kamahal ni Darren." si Devi na ang unang sumagot

"Hindi imposible ang lahat-lahat dahil huling huli ko siya. Nadatnan ko siyang ka-sex ang sarili niyang secretary sa loob ng kanyang opisina." umiiyak nang sambit ni Vanilla sa mga kaibigan niya. Muling nanumbalik ang sama ng loob na nararamdaman niya kani-kanina lang.

"Ang walang hiyang iyun! Peste siya! Nagawa ka pa talaga niyang lokohin?" galit na wika ni Devi. Nakikita na sa mga mata nito ang galit kaya kaagad na din itong hinawakan ni Janna para pakalmahin.

"Hey relax! Kung maka-react ka naman diyan akala mo ikaw ang niluko eh." natatawang saway nito sa kaibigan

"Ano ka ba? Kung niluko niya si Vanilla, damay na din tayo doon. Kulang na lang na lumabas tayo sa iisang pwerta para masabi na magkapatid tayo noh?" yamot na sagot ni Janna dito.

Lalo namang napaiyak si Vanilla dahil sa mga narinig niya mula sa kanyang mga kaibigan. Hindi siya makapaniwala na dadamayan siya ng mga ito ngayun.

"Huwag ka nang umiyak, Vanilla. Ang mga manlolokong tao ay hindi dapat pag-aksayahan ng luha. Hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa balat ng lupa." pang-aalo ni Janna sa kaibigan niya samantalang si Devi naman ay kusa na nitong pinunasan ang luha sa mga mata ng kaibigan na sawi sa pag-ibig.

"Masakit ang malaman na niluko niya ako pero tama kayo. Kailangan kong tangapin ang katotohanan na hindi na kami pwede. Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa akin." umiiyak na wika ni Vanilla sa mga kaiibigan niya.

"TAma! Tama iyan! Maganda iyan Vanilla. Hindi ka dapat paapekto. Lalaki lang siya at marami diyan na pwedeng ipalit sa kanya." sagot naman kaagad ni Janna. Hinawakan pa nito ang kamay ng kaibigan para maiparamdam niya dito na nandito lang sila na handang dumamay sa lahat ng oras.

Hangang sa sabay silang napatingin sa pintuan ng silid dahil bigla na lang bumukas iyun at hindi maiwasan na magulat ni Vanilla nang masilayan niya ang taksil niyang nobyo.

Lalong nadagdagan ang galit sa puso niya dahil isinama pa talaga nito ang sekretarya nito na kanina lang ay katalik nito at kung makaasta ngayun sa harapan niya akala mo walang ginawang pagkakamali eh.

"Vanilla? Kumusta? Ano ang nangyari? May masakit ba sa iyo? Sabihin mo sa akin?" nag-aalalang tanon ni Darren sa kanyang nobya. Pigil naman ni Vanilla ang mapataas ng kilay.

Ang galing magkunwari ng lalaking ito. Ni hindi niya nga alam kung totoo ba talagang nag-aalala ito sa kanya. Manluluko!

Pero, hindi! Hindi siya papayag na ganoon-ganoon na lang. Niluko siya nito kaya bakit nga ba hindi niya din ito lulukuhin ngayun? Lintik lang ang walang ganti!

"Sino ka?" malamig at puno ng pagtataka sa boses ni Vanilla na tanong sa kanyang nobyo. Pagkagulat naman ang kaagad na rumihistro sa mukha ni Darren. Nagtataka siyang napatitig sa kanyang kasintahan na si Vanilla habang tahimik lang sa tabi niya si Lexi. Nakikiramdam habang may mumunting ngiti na nakaguhit sa labi.

Samantalang sila Devi at Janna naman ay nagulat din. Sabay pa silang napatingin kay Vanilla na noon ay walang nababasa na kahit na anong emosyon sa mukha nito

"Hindi ka nakakaalala? Hind mo ako naalala?" nagtatakang tanong naman ni Darren sa kanyang nobya.

"Yes...hindi siya nakakaalala. Kahit kami na mga kaibigan niya, hindi niya din maalala. I think may temporary amnesia si Vanilla dahil sa nangyaring aksidente." seryosong wika naman ni Devi. Alam niyang maniniwala ang mga ito dahil isa siyang doctor. Gets niya na din kung ano ang nais ni Vanilla na mangyari kaya sasakyan nila itong dalawa ni Janna ngayun. Aba't matalik yata silang magkaibigan. Kabisado nila ang ugali ng isa't isa at ang ganitong mga bagay ay sisiw lang sa kanila.

Matalik silang magkaibigan at nagdadamayan sila sa lahat ng oras.

"Sino ba kayo? Mga kaibigan ko ba kayo?" kunwari muling tanong ni Vanilla sa mga bisita.

"Kami.....Vanilla, Ako lang naman ang boyfriend...I mean-----siya! Siya ang boyfriend mo!" seryosong wika ni Dareen sabay turo sa kakapasok lang na si Zakari dito sa loob ng kwarto.

Yes, si Zakari na naman! Ang bilyonaryong si Zakari na nagmamay-ari ng hospital kung nasaan siya ngayun. Ang Zakari na kanina lang ay basta na lang siyang hinalikan. Ang Zakari na naging saksi sa panluluko ni Darrens sa kanya kanina. Ang bastos na si Zakari.

Paanong nagawang ituro ni Darren ang sarili niyang kaibigan bilang nobyo niya? Ganoon na ba ito kawalang hiya para gawin ito sa kanya? Pinapaniwala siya sa isang kasinungalingan sa pag-aakala na may amnesia sya?

Samantalang pagkagulat naman ang kaagad na rumihistro sa mukha ni Zakari. Hindi niya kasi akalain na ituturo siya ni Dareen bilang nobyo ng sarili nitong girfriend.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP