LOGIN"Darren...bakit? Minahal kita ng sobra pero bakit mo ito ginawa sa akin?" mahinang bulong ni Vanilla sa sarili niya. Hindi niya na kaya. Pakiramdam niya, puputok na ang puso niya sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.
Mabilis ang hakbang ni Vanilla. Hilam ang luha sa kanyang mga mata na nagmamadali siyang sumakay ng kanyang kotse. Gusto niyang mapag-isa! Pakiramdam niya sasabog ang puso niya sa sobrang sakit. Pagkatapos na i-start ni Vanilla ang makina ng sasakyan, hindi na muna siya nagdrive paalis. Pakiramdam niya lutang siya dahil sa sobrang sakit. Gusto niyang umiyak na muna. Gusto niya munang pagaanin ang kalooban niya. "Darren! Darren! Mahal kita! Mahal kita eh!" muli niyang sambit sa kabila nang pagtangis. Hinampas-hampas niya pa ang manibela ng sasakyan gamit ang dalawa niyang kamay. Walang pagsidlan ang sakit na nararamdaman ng puso niya sa sandaling ito. Halos kinse minutos din sa loob ng kotse na walang ibang ginawa si Vanilla kundi ang umiyak bago niya pinasibad ang kanyang sasakyan. Ilang saglit lang, laman na siya ng abalang kalsada. "Darren, ano pa ba ang kulang? Bakit mo ako nagawang lokohin?" patuloy sa pag-iyak si Vanilla habang patuloy sa mabagal na pagtakbo ang sasakyan. Ang make-up na maayos na nakalagay sa kanyang mukha ay tuluyan nang nabura dahil sa kanyang luha. Minahal niya si Darren ng higit sa kanyang sarili. Nagbabalak na din silang magpakasal pero bakit? Bakit siya nito nagawang lokohin? Bakit? Dahil mag-isa lang naman siya sa loob ng sasakyan, walang pag-aalinlangan na umatungal siya ng iyak. Sobrang sakit. Sobrang sakit! Nasa ganoon siyang huwesyo nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone. Habang nakatutok ang mga mata niya sa kalsada, kinapa-kapa niya ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag at nang mahawakan niya iyun, kaagad niyang sinagot ang tawag para lang makaramdam ng pagkadismaya nang mabusisan niya ang nobyo niyang si Darren "Mahal, nasaan ka na? Nakaalis na din si Zakari. Pwede bang bumalik ka dito sa opisina ko?" kaagad na sagot nito sa kabilang linya. Isang malungkot na ngiti ang kumawala sa labi ni Vanilla bago siya sumagot "Darren, maghiwalay na tayo." mahina niyang sambit. Mula sa kabilang linya, wala sa sariling naitulak ni Dareen ang babaeng kanina ay katalik niya lang. Nakaupo na naman kasi sa kandungan niya ito at nag-uumpisa na naman siyang painitin Ang kanyang sekretarya na si Lexi na singtigas yata ng bato ang kukute. Sinabi nang magtrabaho na muna sila eh pero wala nang ibang ginawa ang babaeng ito kundi ang lumingkis sa kanya. "What? Vanilla, mahal is it a joke? Kung ito man ay isang biro, hindi nakakatuwa." hilaw ang ngiti sa labi na wika ni Darren sa kanyang nobya. Mahal niya si Vanilla pero gustong gusto niya din itong sekretaryang kasama niya ngayun. Tatlong taon na niyang girlfriend si Vanilla samantalang halos dalawang taon naman ang relasyon nilang dalawa ni Lexie at nahulog siya dito dahil noong una niya itong ginalaw ay virgin pa. Hangang sa regular na lang sa kanila ang magtalik kahit saan sila abutan ng libog. Mapasa -kotse man, opisina or di kaya kahit sa sarili niyang condominium. Kahit saan basta makaraos lang sa init ng katawan. Si Vanilla naman kasi, napaka conservative. HIndi nito maibigay-bigay ang pangangailangan niya bilang isang lalaki. Gayunpaman, alam ni Darren sa sarili niya na mahal niya si Vanilla at ito ang gusto niyang maging asawa balang araw. Pero sa ngayun, masaya din siyang nakikipaglaro sa kanyang sekretarya kaya hindi niya ito kayang iwasan. "Tama ang narinig mo. Maghiwalay na tayo." seryoso at walang kagatol-gatul ng bigkas ni Vanilla. Masakit sa kanya na makipaghiwalay sa boyfriend niyang si Darren kaya lang wala siyang magagawa. Nagluko ito at ayaw niyang maging martir. "No! Hindi! HIndi ako papayag! Vanilla, Mahal, sabihin mo sa akin, may nagawa ba akong kasalanan? Bakit parang may tanrums ka yata ngayun? Nasaan ka na ngayun? Pupuntahan kita?" seryosong sagot naman ni Darren sa kanyang nobya pero ang mga mata niya ay nakatutok sa malusog na dibdib ng kanyang sekretarya. Nilalandi na naman kasi siya nito. Nakalabas ang dila na para bang nang-aakit habang patuloy ito sa paglamas sa sariling dibdib. Mabuti na lang talaga at kakatapos lang nila kanina at mukhang napagod ang manoy niya kaya hindi pa nagrereact! Tsaka, ano ba ang nangyayari kay Vanilla? Huwag nitong sabihin na nakita nito kanina ang mga hindi dapat makita dito sa loob ng opisina niya? Shit, hindi pwede iyun! Hindi niya kayang mawala sa kanya ang kanyang nobya. "Hindi na kailangan! No more looking back, Darren. Man------Ahhhh!" hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Vanilla dahil sumalpok na ang kotse niya sa isa pang kotse na nasa harapan niya. Huli na para maapakan ang brake kaya naman sunod na naramdaman ng dalaga ay ang pagkabagok ng kanyang ulo sa manibela ng sasakyan kasabay ng pagdilim ng buong paligid Samantalan dinig na dinig naman ni Darren ang ingay na nagmumula sa kabilang linya. "Hello! Hello! Vanilla! Huwag kang magbiro ng ganiyan. Sumagot ka!'" taranta niyang bigkas pero hindi na nagsalita pa ulit ang dalaga. Muli niya itong tinawagan pero hindi na din ito sumasagot pa. Lalong nakaramdam ng takot si Darren. Kaagad siyang napatayo mula sa pakakaupo at mabilis na naglakad palabas ng opisina. Direcho siya sa parking area habang hindi niya namalayan pa na kaagad din namang sumunod sa kanya si Lexi. "Darren, Darling, ano ang nangyari? Akala ko ba---" "I think may masamang nangyari kay Vanilla. Tapusin mo na ang mga reports na pinapatapos ko sa iyo..." seryosong wika naman ng binata sa dalaga niyang sekretarya. "NO! Hindi pwede! Tutulong ako sa paghahanap sa girlfriend mo. Boss Darren, we are playing lang naman diba? Lahat ng namamagitan sa ating dalawa ay init lang naman ng katawan kaya walang dahilan para magselos sa akin ang gilfriend mo!" nakangiting wika ni Lexi sabay dukwang nito kay Darren at binigyan niya ito ng malutong na halik sa labi "Yes...laro lang ang lahat at hindi dapat seryosohin. Besides, never kong nakita kay Vanilla ang pagdududa. Baka mainit lang ang ulo niya kaya siya nakipaghiwalay sa akin kanina." nakangiting sagot naman ni Darren sa dalaga. Hindi niya na napansin pa ang kislap ng tuwa sa mga mata ni Lexi pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyun...VENUS POV HINDI ko maitago ang lungkot na nararamdaman ng puso ko habang naglalakad ako pabalik ng kwarto ni Darren. Tapos na kaming mag-usap ni Madam kung saan, kinumpirma nga nito sa akin na inaayos na lang ang visa ng mga ito at lilipad na patungo sa America ang buong pamilya para sa pagpapagamot ni Darren. Malungkot ako, oo dahil biglaan ang naging deisyon ng mga ito pero sino ba naman ako para umapela diba? Siguro, ganoon talaga ang buhay. Walang permanente sa mundo “Hey, anong nangyari? Lumabas ako galing ng banyo na wala ka tapos makikita na lang kita ngayun na para bang sobrang lungkot mo. May problema ba?” seryosong tanong ni Darren sa akin pagkapasok ko pa lang sa kwarto nito. Pilit naman akong ngumiti dito. Ayaw kong ipahalata dito ang kalungkutan ko. “Here…pasalubong ko sa iyo.” Wika ko sabay abot ko dito ng dala kong paper bag. Kaagad naman nitong tinangap. “Wow…ano ito ha?” nakangiti nitong wika habang inilalabas nito sa loob ng paper bag ang dala kong pasalubo
VENUS POV Kaagad naman umalma si Darren. Ayaw talaga patalo at akala mo boyfriend ko ito kung makaprotekta sa akin laban sa mga kaibigan nito. "NAGPAPAKILALA ka ng kusa at hindi magandang tingnan iyun, Bro. Tsaka, ayaw kong titigan mo ng ganiyan ang nurse ko. Nakakainit ng ulo.” narinig kong sagot naman ni Darren sa kaibigan nito. Pigil ko ang sarili kong mapangiti. Nakita ko na para bang gusto akong protektahan ni Darren laban sa mga kaibigan nito at hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko ngayun. Para akong kinikilig na ewan. “Ipakilala mo naman kami sa kanya, Bro. Ikaw talaga ngayun ka nga lang nagpakita sa amin dapos pagdadamutan mo pa kami? Nasaan ang hustisya, Bro?” ani naman ng isa pa. “No need na. Alam niyo na nga na Venus ang pangalan niya diba?" seryosong wika ni Darren sa kaibigan nito sabay baling ng tingin sa akin sabay ngiti. "Venus, mga makukulit ko nga palang mga kaibigan. Sila Grey, Cooper at Elvis. Ingat ka sa mga iyan, mga bad guys sila kaya huwag ka m
VENUS POV “IYAN ang mabait na pamankin. Nanlilibre sa mga kamag-anak. Hindi kagaya ng iba diyan na kapag sahod, napupunta sa alak ang pera. Ni hindi man lang marunong manlibre kahit pandesal lang sa aming mga may edad na.” ani ng isa kong tiyahin na si Tita Claire. Halatang masaya ito sa kinain na agahan dahil wala itong bukambibig kundi ipinagmamalaki niya daw ako, Iniwasan ko na lang magkumento at baka sabihin ng iba ko pang mga pinsan na mayabang ako Actually, sobra-sobra ng mga pagkain inorder ko. Ang para sa kapatid kong si Emmie ay nakatabi na din at ang iba pa ay inuwi na mga Tita’s. Tama nga ang naisip ko kanina dahil pagkatapos magsikainan, isa-isang nag-alisan na silang lahat. May mga pasok din kasi sa trabaho ang ilan sa mga pinsan ko kaya naman nagsipag-gayak na. Mabuti na lang talaga at baka magpalibre pa ng alak eh. Hangang mamayang hapon lang ako dito. Wala akong balak na magpaabot ng gabi at baka mayaya pa ako ng mga iyun sa inuman which is hindi maaari. Siguro,
VENUS POV “Venus, anak, ikaw ba iyan? Diyos ko Rudy, ang anak mo. Nandito ang anak mo.” Sigaw ni Nanay nang makita nito ang pagdating ko. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Mukhang may lakad si Nanay dahil nakabihis ito at nandito na ito sa labas ng bahay .Mabuti na lang pala talaga at naabutan ko ito bago nakaalis. “Nanay, kumusta po? Mano po!” nakangiti kong wika. Naglakad ako palapit kay Nanay, nagmano at pagkatapos mahigpit na yumakap dito. Ilang saglit lang din naman, dumating na din si Tatay. Tuwang tuwa nang makita ang pagdating ko. ‘”Venus, anak, ikaw na ba iyan? Diyos ko, salamat naman at nakadalaw ka sa amin. Miss na miss ka na namin, anak.” Nakangiting wika din ni Tatay. Kagaya ng kay Nanay, nagmano din ako dito, mahigpit na niyakap habang hindi nawala-wala ang ngiti sa labi “Tatay, Nanay, kumusta po kayo dito? Nandito po kasi sa Manila ang alaga ko for check-up kaya naman pinayagan akong mag day-off ngayun.” Nakangiti kong sagot. Natatawa namang tinitigan ako
VENUS POV KINABUKASAN, maaga na akong gumayak para sa day-off ko. Alam na nila Madam Laura at Sir Lemuel ang tungkol sa day-off ko kaya naman wala nang problema Bago ako umalis, nagpasya akong daanan na muna si Darren sa kwarto nito. Baka kasi may iuutos pa eh. Isa pa, kailangan ko ding magpaalam dito Pagkapasok ko sa kwarto nito, nadatnan ko itong gising na. Saktong kakatapos lang nitong makipag-usap sa kung kanino sa telepono at nang mapansin nito ang presensya ko, automatiko na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito “Wow, ang ganda ng nurse ko ah?” nakangiti nitong sambit. Ewan ko lang kung isa iyung biro or hindi dahil huling huli ko kung paano naglakbay ang paningin nito sa kabuuan ko. Naka-maong na pantalon ako at naka-croptop. Malayong malayo ang suot ko ngayun kumpara sa uniform ng nurse na suot ko sa pang-araw-araw. “Siyempre, day-off eh. Pagkakataon ko na para umawra.” Pabiro kong sagot kahit ang totoo, naiilang ako sa paraan ng pagkakatitig nito sa akin. Ewan ko
VENUS POV KINABUKASAN, maaga kaming pumunta ng hospital. Pagdating namin, kaagad din namang inasikaso si Darren ng mga Doctor at dahil cooperative na si Darren sa lahat ng check-ups nito, naging smooth ang lahat-lahat. Halata din naman kay Darren na gusto na nitong gumaling. Na gusto na din bumalik sa dati ang buhay nito kaya naman todo suporta sa kanya ang mga magulang nito na sila Madam Laura at Sir Lemuel. Kaagad na ini-schedule ang mga surgery ni Darren para makalakad. May kinausap din na plastic surgeon para muling ibalik ang dating structure ng kabilang pisngi. Matindi kasi ang naging pinsala noon dulot ng sunog kaya kailangan din na maisaayos ang lahat Pagkatapos ng medyo mahaba-habang oras namin sa hospital, nagyaya si Darren na kakain daw kami sa labas. Siyempre, kung ano ang gusto nito, sinusunod talaga ng mga magulang. Lalo na at nasa mood si Darren buong oras. Sa isang kilalang mall kami dumirecho. Ang personal bodyguard ni Darren ang tagatulak ng wheelchair nito kaya







