CHAPTER 12
“Kaya naisipan ko na lang na pumasok dito sa bar. Atleast dito walang mga requirements. Yun nga lang talagang hindi pa ako pinapalad na magkaroon ng customer. Kaya hintay hintay na lang muna ako. Pero okay lang din naman sa akin na wala pa akong customer kasi may bayad na rin naman ako dito at isa pa medyo kinakabahan din kasi talaga ako. Nakakatakot din kasi talaga. Hindi natin alam kung ano ang gawin sa atin ng nga yan,” dagdag pa ni Michelle.
Si Michelle kasi ay mag isa na lang nga sa buhay. Ang kanya ngang ama’t ina ay may kani kaniya ng mga pamilya kaya sarili na lang talaga din nya ang aasahan niya ngayon.
“Ang hirap talagang maging mahirap,” sabi ni Jillian. “Pero teka nga ilang taon ka na ba?” tanong pa niya.
“Twenty na ako. Kakagraduate ko pa lang ng high school kasi patigil tigil ako sa pag-aaral ko. Wala kasing nagpapaaral sa akin. Binibigyan bigyan lang ako minsan ng nanay ko ng pera kaya pinilit ko na lang na makapagtapos kahit high school man lang. Lola ko ang