Share

CHAPTER 13

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-04-21 14:25:31

CHAPTER 13

Nanatili lang nga roon si Harold sa kanyang kinauupuan at mag isa nga lang siya na umiinom doon.

Maya maya nga ay may lumapit na babae sa kanya kaya naman napatingin nga siya rito.

“Hi pogi,” bati ng babae kay Harold. “Parang ngayon lang kita nakita rito ah,” dagdag pa nito. Ngiting ngiti pa nga ang babae na iyon habang kinakausap nga si Harold.

Isang pilit na ngiti naman nga ang pinakawalan ni Harold at saka nga siya bumuntong hininga. Alam na kasi niya ang mga ganitong mga babae na bigla na lang lalapit ay mag aalok ng kanilang mga sarili.

“Ahm. Hindi ko naman first time dito, miss. Minsan na rin akong pumunta rito kasama ng mga kaibigan ko,” sagot ni Harold dahil kahait ayaw nya sana itong kausapin ay ayaw naman nyang maging bastos dito.

“Ohhh. I see,” tumatango tango pa na sabi ng babae. “Ahm. Ako nga pala si April,” pagpapakilala na ng dalaga kay Harold.

“Ahm. Sorry miss pero hindi kasi ako kumukuha ng babae. Sa iba na lang ha,” deretsahan ng pagtanggi ni Harold sa dal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 147

    CHAPTER 147Pagkarating naman nga ni Jillian sa kanilang bahay ay nadatnan nga niya ang kanyang mga kaibigan na sila Jane at April doon na mukhang kanina pa siya hinihintay.Inabot din kasi ng ilang oras si Jillian sa unit ni Harold dahil gusto talaga niyang mapag isa kaya nga siya nagpunta roon.“Mabuti naman at narito ka na. Nag alala na kami sa’yo. Saan ka ba kasi nagpunta?” puno ng pag aalala na sabi ni Jane kay Jillian at sinalubong na nga nila ito ng makita nila ang pagdating ng kanilang kaibigan.Bumuntong hininga naman nga si Jillian at isang pilit na ngiti nga ang pumaskil sa kanyang labi.“May pinuntahan lang ako kasi gusto kong mapag isa,” mahinang sagot naman nga ni Jillian.Nagkatinginan naman nga sila April at Jane dahil ramdam nila pareho ang lungkot ng kanilang kaibigan.Imbis nga na dumiretso si Jillian sa loob ng kanilang bahay ay ipinagpaalam nga muna ito ni Jane sa ina nito na pupunta muna sila saglit sa kanilang bahay at agad din naman nga na pumayag si nanay Leon

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 146

    CHAPTER 146At dahil nga ayaw ni Shirley na malaman ni Jillian na pinapatingnan nga ito ng kanyang anak ay nakiusap na lang nga rin siya kay Rose na tingnan tingnan nito si Jillian.“Gusto mo ba na isuot ko iyan sa’yo?” tanong ni Rose kay Jillian. Dahan dahan naman nga na tumango si Jillian at iniabot nga niya kay Rose ang kwintas at saka nga siya tumalikod dito.Agad naman na kinuha ni Rose ang kwintas at isinuot kay Jillian. Napangiti pa nga siya dahil bagay na bagay nga iyon sa dalaga.“Bagay na bagay sa’yo ang kwintas na iyan, Jillian,” nakangiti pa nga na sabi ni Rose.Napahawak naman nga si Jillian sa suot niyang kwintas at muli nga ay napaiyak na lang siya ulit dahil miss na miss na niya si Harold. Masyado na rin kasi siyang naging malapit sa binata lalo na ng magsama sila ng ilang araw sa Bohol noon. Kaya para bang hinahanap na niya ang presensya ng binata.Hinayaan na lamang nga muli ni Rose na umiyak si Jillian at hindi nga niya ito iniwanan doon. Dinamayan na lang din nga

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 145

    CHAPTER 145“Heto, pinipilit na maging maayos kahit na ang totoo ay iniisip ko pa rin talaga si Harold. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon at hindi ko alam kung ayaw na ba niya sa akin o ano na. Bigla na lang kasi siyang nawala matapos niya akong ipakilala sa kanyang mga magulang,” sagot ni Jillian at hindi na nga niya napigilan pa ang kanyang luha ng maalala na naman niya si Harold.“Sana ay nasa maayos lang na lagay si Harold ngayon. Miss na miss ko na siya at gustuhin ko man na makita siya ngayon ay hindi ko alam kung nasaan na ba siya ngayon,” umiiyak pa nga na sbai ni Jillian.Naaawa naman nga na tinitigan ni Rose si Jillian. At alam nya na sobra nga itong nasasaktan dahil bigla na lamang ngang hindi na nito nakita si Harold.“Naiintindihan kita Jillian. Alam ko na nag aalala ka para kay Harold. Pero siguro naman ay nasa maayos siyang lagay ngayon dahil hindi naman siya hahayaan na mapahamak ng mga magulang niya,” sagot ni Rose at saka nga siya tumabi kay Jillian.“May ibib

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 144

    CHAPTER 144“Mag iingat ka roon anak ha. Wag kang mag alala dahil bibisitahin kita roon,” sabi ni Shirley sa kanyang anak at saka nga niya ito yinakap ng mahigpit at hindi na nga talaga niya napigilan ang pagbagsak ng kanyang luha.Bilang isang ina ay mabigat din talaga sa loob niya na mawalay sa isa sa kanyang mga anak. Alam naman niya na malaki na si Harold pero hindi pa rin talaga niya maiwasan na mag alala rito dahil nasanay na nga siya na palagi lang itong nasa kanila.“Opo mom. Mag iingat po ako roon. Mag iingat din po kayo rito ha. Mahal na mahal ko po kayo,” sagot ni Harold at saka nga siya gumanti ng yakap sa kanyang ina at hinalikan pa nga niya ito sa noo.“Wag mong alalahanin si Jillian. Akong bahala sa kanya,” sabi pa ni Shirley at halos pabuling lang nga ang pagkakasabi niya noon sapat na para marinig iyon ni Harold. Alam kasi niya na si Jillian nga ang inaalala ng kanyang anak at dahil nga magaan ang loob niya sa dalaga ay handa nga niyang gawin ang pakiusap ng kanyang a

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 143

    CHAPTER 143“Hindi mo ba sila narinig? Hindi mo ba naintindihan ang paliwanag nila sa’yo? Walang ibang lalaki ang nakakuha kay Jillian. Yun ang unang beses na pumunta siya roon at si Harold ang kumuha sa kanya. Paano mo nasabi na hindi magandang ehemplo si Jillian sa anak natin? Ginawa ni Jillian ang bagay na yun para sa kanyang ina na may sakit. Hindi lahat ng anak kayang gawin ang bagay na iyon para sa kanilang magulang. Hindi lahat ng anak ay kayang magsakripisyo ng kanyang sarili para lang mapagamot ang magulang nila. Sa totoo lang hanga pa nga ako sa bata na iyon dahil sa tapang niya e dahil nagawa niya ang lahat ng iyon,” mariin din naman na sagot ni Shirley sa kanyang asawa. “Intindihin mo kasi sila, Louie. Bakit ba masyado ng sarado yang utak mo at hindi mo sila pinapakinggan?” dagdag pa niya.“Paano ka nakakasigurado na wala ngang ibang nakabili kay Jillian? Paano ka nakakasiguro na malinis pa siya ng makuha sya ng anak mo? Yan din ang hirap sa’yo Shirley. Masyado kang mabili

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 142

    CHAPTER 142“Kailangan mong pumunta sa London dahil kailangan mong i-manage ang isa nating kumpanya roon. Nagkaroon kasi ng problema roon at ikaw ang pinagkakatiwalaan ko na makakapag ayos ng naging problema,” sabi ni Louie. “At tamang tama naman ang timing ng problema na ito dahil kailangan mong layuan ang babae na iyon,” dagdag pa niya.Napabuga naman nga ng hangin sa kanyang bibig si Harold dahil talagang pinagpipilitan ng kanyang ama na papuntahin siya sa ibang bansa.“Okay, fine. Gusto mong pumunta ako sa ibang bansa dad? Sige po susundin ko po kayo. Pero sa isang kundisyon,” sagot ni Harold habang nakatingin siya sa kanyang ama.Nanatili naman nga na nakatingin si Louie sa kanyang anak at hinihintay nga niya ang susunod nitong sasabihin.“Susundin ko po ang gusto mo dad basta po… itutuloy nyo po ang sustento sa nanay ni Jillian hanggang sa tuluyan na po siyang gumaling. At ipangako nyo rin po sa akin na hindi nyo sila papakialaman o sasaktan,” lakas loob na sabi ni Harold dahil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status