CHAPTER 12“Kaya naisipan ko na lang na pumasok dito sa bar. Atleast dito walang mga requirements. Yun nga lang talagang hindi pa ako pinapalad na magkaroon ng customer. Kaya hintay hintay na lang muna ako. Pero okay lang din naman sa akin na wala pa akong customer kasi may bayad na rin naman ako dito at isa pa medyo kinakabahan din kasi talaga ako. Nakakatakot din kasi talaga. Hindi natin alam kung ano ang gawin sa atin ng nga yan,” dagdag pa ni Michelle.Si Michelle kasi ay mag isa na lang nga sa buhay. Ang kanya ngang ama’t ina ay may kani kaniya ng mga pamilya kaya sarili na lang talaga din nya ang aasahan niya ngayon.“Ang hirap talagang maging mahirap,” sabi ni Jillian. “Pero teka nga ilang taon ka na ba?” tanong pa niya.“Twenty na ako. Kakagraduate ko pa lang ng high school kasi patigil tigil ako sa pag-aaral ko. Wala kasing nagpapaaral sa akin. Binibigyan bigyan lang ako minsan ng nanay ko ng pera kaya pinilit ko na lang na makapagtapos kahit high school man lang. Lola ko ang
CHAPTER 13Nanatili lang nga roon si Harold sa kanyang kinauupuan at mag isa nga lang siya na umiinom doon.Maya maya nga ay may lumapit na babae sa kanya kaya naman napatingin nga siya rito.“Hi pogi,” bati ng babae kay Harold. “Parang ngayon lang kita nakita rito ah,” dagdag pa nito. Ngiting ngiti pa nga ang babae na iyon habang kinakausap nga si Harold.Isang pilit na ngiti naman nga ang pinakawalan ni Harold at saka nga siya bumuntong hininga. Alam na kasi niya ang mga ganitong mga babae na bigla na lang lalapit ay mag aalok ng kanilang mga sarili.“Ahm. Hindi ko naman first time dito, miss. Minsan na rin akong pumunta rito kasama ng mga kaibigan ko,” sagot ni Harold dahil kahait ayaw nya sana itong kausapin ay ayaw naman nyang maging bastos dito.“Ohhh. I see,” tumatango tango pa na sabi ng babae. “Ahm. Ako nga pala si April,” pagpapakilala na ng dalaga kay Harold.“Ahm. Sorry miss pero hindi kasi ako kumukuha ng babae. Sa iba na lang ha,” deretsahan ng pagtanggi ni Harold sa dal
CHAPTER 14“Yes girl. May customer ka na. Pero wag kang mag alala dahil ako mismo ang pumili sa kanya. Ewan ko ba nang makita ko kasi ang lalaki na iyon ay ikaw na kaagad ang naisip ko,” nakangiti pa na sagot ni April at saka nga niya hinawakan sa kamay ang dalaga.“Tandaan mo para ito sa iyong ina. Para ito sa pagpapa-opera niya kaya dapat lang na lakasan mo ang loob mo ha. Kaya mo yan,” pagpapatuloy pa nga ni April.Napabuga naman nga ng hangin sa kanyang bibig si Jillian para kahit papaano ay mabawasan nga ang kaba na nararamdaman niya.“H-Hindi ba siya nakakatakot? M-matanda na ba?” sunod sunod pa na tanong ni Jillian.Bigla naman ngang natawa si April dahil sa tanong na iyon ni Jillian.“Don’t worry Jillian. Hindi yun matanda at hindi rin nakakatakot ang mukha. Actually ang gwapo nga niya eh… kaso mukhang hindi ako bet kaya hindi ko na ipinilit pa ang sarili ko. Kaya sinubukan ko na lang na ipakita ka. Mukhang nabighani naman sya kaagad sa’yo kaya go na kaagad,” sagot kaagad ni A
CHAPTER 15Hindi rin naman kasi alam ni April ang dahilan kung bakit nagrequest ng ganito ang binata. Basta ang sabi nito sa kanya kanina ay gusto niya sana ay nakapiring nga si Jillian kapag pumasok sa loob ng silid na iyon. At dahil nga yun ang request ng customer kaya naman sumunod lang din nga si April dito.Bigla naman ngang natahimik si Jillian dahil sa sinabi na iyon ni April. At dahil nga sa pananahimik na iyon ng dalaga ay napabuga nga ng hangin sa kanyang bibig si April.“Jillian baka nakakalimutan mo ang dahilan kung bakit ka narito. Ilang beses na rin naman kita tinanong at pumayag ka naman dahil sa kailangan mo nga ng pera. Sabi ko naman sa’yo di ba? Napagdaanan ko na iyan kaya ikaw nga ang naging priority ko ngayong gabi. Maswerte ka nga na sa unang gabi mo ay may customer ka na kaagad. Kaya hindi na natin kailangan pa na mag inarte dahil may kailangan din naman tayo sa kanila,” sabi pa nga ni April.“S-sorry April. P-pasensya ka na. Natakot lang kasi ako na baka kung a
CHAPTER 16Nakangisi naman nga si Harold habang tinititigan nga niya ang mukha ni Jillian ng malapitan at nanatili nga na nakapiring pa rin ang dalaga.Hanggang ngayon ay hindi nga siya makapaniwala na nasa harapan nga niya ang babae na ito. At mas lalong hindi siya makapaniwala na ginagawa pala ito ng dalaga.Nang hindi na nga nagsalita pa si Jillian ay dahan-dahan nga na inilapit ni Harold ang kanyang labi sa labi ng dalaga. Pero imbes na mag enjoy ay natawa na lang talaga si Harold dahil ni hindi man lang nga tinutugon ng dalaga ang ginagawa niyang paghalik dito at nanatili nga na tikom ang bibig nito.“Miss wag mong sabihin na hindi ka marunong humalik,” tatawa tawa pa na sabi ni Harold.Napalunok naman nga ng sarili nyang laway muli si Jillian bago nga siya dahan dahan na tumango. Ramdam nga niya ang pag iinit ng kanyang mukha dahil sa hiya.Nang makita naman nga ni Harold na tumango si Jillian ay gulat na gulat naman nga siya. At lalo tuloy syang napa-isip kung bakit narito nga
CHAPTER 17“Alam ko naman iyon. Kaya nga takot na takot din talaga ako na gawin itong trabaho na ito. Pero wala eh. No choice ako. Mahirap lang kami at kahit na anong gawin kong pag oovertime sa trabaho ko ay kulang pa rin ang sinasahod ko. Hindi ko mapapaoperahan si nanay kung tutunganga lang ako. Kaya kahit na alam ko na hindi ito tama at maaati akong mapahamak dito ay gagawin ko para kay nanay. Mahal na mahal ko ang nanay ko at siya na lang ang meron ako kaya handa kong gawin ang lahat para sa kanya, para lang makasama ko pa siya ng mas matagal pa,” sagot ni Jillian at pigil nga niya ang kanyang sarili na pumiyok dahil sa totoo lang ay naiiyak na naman siya dahil naalala na naman nga niya ang kalagayan ng kanyang ina ngayon.Tahimik naman nga na nakikinig si Harold sa sinabi na iyon ni Jillian. At parang pakiramdam nga niya ngayon ay kinukurot ang puso niya dahil sa awa sa dalagang nasa harapan niya.Alam niya na napakasipag nga nito sa kanyang kumpanya dahil madalas nga niya itong
CHAPTER 18Tanging pagtango lamang naman ang naging sagot ni Jillian dahil hindi pa rin naman nga niya alam kung babalik din ba siya rito bukas.“Jillian ito sana ang tatandaan mo. Ayaw ko nang nasawsawan na ng ibang lalaki. Ang gusto ko ang akin ay akin lang kaya wag na wag kang sasama sa ibang lalaki. Sana ay nagkakaintindihan tayo,” mahina pa nga na sabi ni Harold.Para namang biglang kinilabutan si Jillian sa sinabi na iyon ni Harold. Hindi nya alam kung bakit ito sinasabi ng lalaki sa kanya gayong alam naman nito ang trabaho niya roon.“O-oo. N-naiintindihan ko,” wala sa sarili na sagot ni Jillian. Marahil sa kaba kaya niya nasabi iyon.“Good. Mamaya mo tanggalin ang piring na iyan kapag wala na ako rito o kaya naman ay kapag pumunta na rito si April,” nakangisi pa na sabi ni Harold at saka nga siya tumayo na. “See you tomorrow Ms. Jillian,” sabi pa niya at saka nga siya naglakad na palabas ng silid na iyon.Nanatili lamang naman nga si Jillian sa kinauupuan niya at hindi nga niy
CHAPTER 19“Ikaw, nasa sa'yo kung gusto mong pumunta ulit dito bukas ay sige lang. Ibibigay ko sa’yo ang number ko para matawagan mo ako kung sakaling pupunta ka. Nagbilin din kasi si pogi na wag kang ibibigay sa iba,” sagot ni April habang may nakakaloko ngang ngiti sa labi nito habang nakatingin kay Jillian. “Ibang klase ka talaga Jillian. Mukhang na-obsess na yata si pogi sa’yo. Ayaw kang pahawakan sa iba,” tatawa tawa pa na sabi ni April.Napapailing na lamang nga si Jillian dahil sa sinabi na iyon ni April. Napaka imposible naman yata ng sinasabi nito na ma-obsess kaagad sa kanya ang lalaki na iyon gayong ngayon lang naman siya nakita nito.******Nauna naman na nga na bumaba ng taxi si April at nagpaderetso naman nga si Jillian sa ospital.Pagkarating nga ni Jillian sa ospital ay agad na nga siyang dumiretso sa silid ng kanyang ina pero bago pa man nga siya pumasok sa loob ay isang malalim na buntong hininga muna nga ang pinakawalan niya bago niya tuluyang binuksan ang pintuan
CHAPTER 38“Sana naman ay good news iyan, Ms. Jillian,” sabi pa nga ni Harold at saglit pa nga niyang binitawan ang hawak niyang mga papeles.Nasa meeting kasi kanina si Harold kaya naman hindi nga niya nasagot ang tawag ni Jillian. At sakto naman nga na pagbalik niya sa kanyang opisina ay nagriring nga ang kanyang cellphone. Unknown number pa nga ang tumatawag na iyon kaya naman pagkasagot nga niya ay hindi kaagad siya nagsalita.“M-Mr. H, t-tinatanggap ko na po ang offer mo. P-pumapayag na po ako sa gusto nyong mangyari,” nauutal pa nga na sagot ni Jillian at pilit pa rin nga niyang pinapalakas ang kanyang loob.Nang marinig nga iyon ni Harold ay napaayos naman nga siya ng kanyang pagkakaupo at bigla ngang nagningning ang kanyang mga mata dahil sa sinabi na iyon ng dalaga.“Really? Tinatanggap mo na ang offer ko? Akala ko ba ay pag iisipan mo muna iyang mabuti? Hindi ko naman akalain na mabilis ka palang magdesisyon. Akala ko pa naman ay aabutin ka pa ng ilang araw o ilang linggo
CHAPTER 37Matiyaga naman nga na naghintay sa labas ng ICU si Jane sa paglabas nga ng kanyang kaibigan.Alam naman niya na napakahirap nga ng sitwasyon ni Jillian at alam din niya na pinipilit na lang nga na magpakatatag nito. Kilalang kilala na kasi niya ang kanyang kaibigan at alam nya na kapag nga madalas itong nananahimik ay may problema nga ito at sinasarili na lang ang bigat na kanyang nararamdaman.Naka ilang beses pa nga na nagpabalik balik ng lakad si Jane. Mahigit kalahating oras na rin nga yata dya na naghintay doon bago nga muling bumukas ang pinto ng ICU at nakita nga niya na lumabas na roon si Jillian.Pinakatitigan nga niya ito at kitang kita nga niya ang pamumugto ng mata nito at alam niya na nag-iiyak nga ito sa loob ng ICU.Napabuntong hininga na nga lang muna si Jane bago nga niya linapitan ang kanyang kaibigan na tulala nang naglalakad papunta sa upuan.“Ayos ka lang ba?” tanong ni Jane kahit na alam naman niya na hindi nga ayos ang kanyang kaibigan.Napatingin nam
CHAPTER 36Ilang minuto rin silang nanatili na ganoon na magkaibigan at hinayaan lang talaga ni Jane na iiyak ni Jillian ang lungkot na nararamdaman nito.Nang medyo nahimasmasan na nga si Jillian ay dahan dahan na nga siyang bumitaw sa pagkakayakap niya kay Jane at saka nga niya pinunasan ang kanyang luha.Isang malalim na buntong hininga naman nga muna ang pinakawalan ni Jillian bago nga siya tumingin kay Jane at saka nga siya tipid na ngumiti rito.“Kaya ko ito, Jane. Ang lahat ng ito ay pagsubok lamang sa amin ni nanay. Alam ko na malalampasan din namin ito,” sabi pa nga ni Jillian.Matamis naman nga na nginitian ni Jane si Jillian.“Alam ko na kaya mo yan Jillian at malalampasan nyo ni nanay Leony ang lahat ng pagsubok na iyan,” sagot naman nga ni Jane. “Sige na. Puntahan mo na si nanay Leony. Pagkatapos mo ay ako naman ang papasok sa loob dahil gusto ko na rin makita si nanay Leony,” dagdag pa nga niya.Tumayo naman na nga si Jillian at saka nga siya naglakad papunta sa harapan
CHAPTER 35Hindi naman nga malaman ni Jillian ang kanyang sasabihin dahil parang bigla nga siyang nablangko at hindi na nga niya alam ang kanyang gagawin ngayon. Napaiyak na lang nga talaga siya dahil sa awa sa kalagayan ngayon ng kanyang ina.Saglit naman nga na katahimikan ang namayani sa kanila roon. At ang maririnig mo nga lang ay ang mahinang pag hikbi ni Jillian. At nang mahimasmasan na rin naman nga siya ay agad na nga siyang nagpunas ng kanyang luha at saka sya huminga ng malalim.“Sige po dok. Gagawa po ako ng paraan para mapa-operahan ko na po si nanay sa lalong madaling panahon,” sabi nga ni Jillian. “ Pero pakiusap po dok, gawin nyo po ang lahat ng makakaya nyo para madugtungan pa po ang buhay ng nanay ko. Siya na lang po ang meron ako. Kaya pakiusap po tulungan nyo po sana siya,” pagsusumamo pa nga ni Jillian at kasabay nga noon ay ang pag-agos ng masaganang luha niya.Seryoso naman nga na tiningnan ng doktor si Jillian at saka nga ito dahan dahan na tumango.“Wag kang ma
CHAPTER 34Kinabukasan nga ay nagising nga si Jillian sa malakas na katok sa kanyang pinto. Kaya naman kahit na gusto pa sana niyang matulog ay napabangon nga siya upang pagbuksan ang kumakatok na iyon. Medyo napangiwi pa nga siya dahil naramdaman nga niya na kumirot ang kanyang pagkababae.“Jillian, andyan ka na ba? Gumising ka na muna. Buksan mo nga muna itong pinto,” sabi ni Jane at sunod-sunod pa nga ang ginawa niyang pagkatok sa pinto ng bahay ni Jillian.“Sandali lang. Andyan na,” sagot naman nga ni Jillian at saka nga niya binuksan ang pinto. Pupungas pungas pa nga siya habang nakatingin kay Jane.“Mabuti naman at nagising ka na. Kanina pa ako kumakatok ng kumakatok dito pero hindi ka naman sumasagot. Tinatawagan ko rin ang number mo pero out of coverage ka,” agad naman nga na bungad ni Jane at bahagya pa nga siyang hinihingal na para bang galing nga ito sa pagtakbo.“Anong problema, Jane? Ang aga aga pa eh,” pipikit pikit pa nga na sabi ni Jillian at napapakamot pa nga siya sa
CHAPTER 33“ Harold, anak hindi mo maipagkakaila iyan sa akin. Amoy na amoy ko sa katawan mo ang amoy ng babae. Kaya umamin ka na sa akin,” sabi pa ni Shirley habang may nakakaloko ngang ngiti sa kanyang labi at bahagya pa nga na nakataas ang isa niyang kilay.Napapailing naman nga si Harold at mahina na lang nga siyang natawa dahil sa sinabi na iyon ng kanyang ina.“Mom naman. H-hindi po ba pwedeng napadikit lang ako sa babae kaya ganito ang amoy ko!?” kakamot kamot nga sa kanyang ulo na sagot ni Harold.“Tsk.. Anak, wag ka nang magkaila pa sa akin. Sa ganitong oras ng gabi sasabihin mo sa akin na napadikit ka lang sa babae," natatawa naman nga na sagot ni Shirley sa kanyang anak. "Hindi naman ako magagalit at isa pa ay nasa tamang edad ka naman na at alam mo naman na rin ang tama at mali. Basta anak siguraduhin mo lang na safe kayo kung hindi ka pa naman sigurado sa kanya,” pagpapatuloy pa nga ni Shirley.Bigla naman ngang nabura ang ngiti sa labi ni Harold at saka nga siya napabunt
CHAPTER 32Bumuntong hininga naman nga si April at saka nga niya hinawakan sa pisngi si Jillian at pinunasan nga niya ang luha nito.“Sa una lang naman yan masakit Jillian. Napagdaanan ko na yan. Kalaunan ay masasanay ka na lang din,” sabi ni April kay Jillian. “Ang mabuti pa ay umuwi ka na muna at magpahinga ka na lang muna sa inyo. Tawagan mo na lang ako ulit kung may balak ka pa na bumalik dito,” pagpapatuloy pa ni April dahil baka nga nagbago na ang isip ng dalaga matapos nito.Dahan dahan naman nga na tumango si Jillian.“S-sige. Uuwi na muna ako April. Tatawagan na lang kita ulit. Salamat nga pala ulit,” mahinang sagot naman nga ni JillianSinamahAn naman nga muna ni April si Jillian sa dressing room para nga makapagpalit na muna ito ng damit bago umalis. At nang makapagbihis na nga si Jillian ay sinamahan na rin nga muna ito ni April na mag abang ng taxi para makauwi na nga muna ito.Pagkarating naman nga ni Jillian sa kanilang bahay ay mabigat pa nga ang bawat hakbang niya at
CHAPTER 31Napatingin naman nga si Harold sa suot nga niya na relo at nakita nga niya na mag ala una na ng madaling araw kaya naman napabuntong hininga na lang nga siya.“Kailangan ko na rin palang umalis. Pag isipan mong mabuti ang sinabi ko sa’yo,” sabi ni Harold at saka nga niya binuhat ang ulo ng dalaga at tinanggal nga niya ito sa pagkakaunan sa kanyang braso.Napaayos naman nga ng pagkakaupo niya si Jillian habang yakap nga niya ang kumot na nakatabon sa kanyang hubad na katawan. Ramdam pa nga niya na tumayo na nga ang binata marahil ay magbibihis na nga ito kaya naman hindi nga muna siya umimik.Matapos nga na makapagbihis ni Harold ay kinuha nga niya ang damit ni Jillian. Balak nya sanang bihisa na nga muna ito dahil nga nakapiring ito at hindi naman niya pwedeng iwan ito ng nakahubad dahil nga baka may pumasok pa na ibang lalaki roon.“A-ako na. Kaya ko naman magbihis mag-isa,” awat nga ni Jillian sa binata nang maramdaman nga niya na bibihisan siya nito.Napabuntong hininga
CHAPTER 30“Diba ginagawa mo ito nang dahil sa nanay mo? Nang dahil sa kailangan mong kumita ng pera?” tanong pa nga ulit ni Harold.“O-oo,” tipid naman nga na sagot ni Jillian kasabay pa nga ng pagtango niya.“Gaya nga ng sinabi ko sa’yo kanina ay may gusto akong i-offer sa iyo,” sagot naman ni Harold.“A-ano naman ang offer mo na iyan?” tanong pa ni Jillian.“Tutal naman ay ginagawa mo ang lahat ng ito para sa iyong ina. Bakit hindi na lang tayo magkaroon ng kasunduan,” sagot ni Harold.Hindi naman nga nagsalita si Jillian at hinintay nga niya ang iba pang sasabihin ng binata.“Handa akong suportahan ang iyong ina sa pagpapagamot nya. Mula sa pagpapa-opera niya, sa mga bills nya sa ospital hanggang sa mga gamot na kakailanganin niya hanggang sa tuluyan na siyang gumaling. Pero syempre may kapalit ang lahat ng iyon,” sabi pa ni Harold.“A-ano naman ang magiging kapalit ng pagtulong mo na iyon?” tanong naman nga ni Jillian at tila ba bigla nga siyang nabuhayan ng dugo dahil nga sa sin