Lance's POV
"Mom, pinapauwi mo raw ako? What's the matter this time?" bungad ko pagkarating na pagkarating ko sa mansiyon."Loko kang bata ka! You spend fifty million just for a night." Hinampas ako ni mommy ng hawak niyang magazine.Arghh! Ano ba yan? Ang aga-aga."Mom, pera ko naman 'yon eh," turan kong umatras para maiwasan ang palo niya."Kahit na! Dapat 'yong fifty million na 'yon ginamit mo na lang sa future wife mo!" nanggigigil na turan ni mommy at tsaka ako kinurot sa tagiliran ko."Ouch! Mom, hindi pa ba kayo tapos sa arrange marriage na 'yan?" nakangiwing turan ko. Akala ko ba nasa democratic country tayo? Eh bakit pinipilit nila akong pakasalan ang kung sinumang babaeng 'yon."Hay naku! Ikaw talagang bata ka!" gigil na saad ni mommy. Akmang kukurutin na naman niya ako pero nakaatras ako."Mabuti pa, Honey, tigilan mo na mo na 'yang anak mo. Barya lang naman niya ang ginastos niya." My dad winked at me. I'm really thankful, I have a very cool dad."Kaya namimihasa ang anak mong 'yan kasi lagi mong kinakampihan. Palibhasa, sa'yo nagmana yan , Alex!" asik ni mommy kay daddy."Hindi ba tama lang naman na gastusan ang mga babae?Ikaw ba, don't you want me to spend millions for you?" mahinahong turan ni Dad habang nakatingin sa kanya.Huli ka ngayon ,Mom!"G-gusto. Dapat lang naman talaga." Naging malumanay na rin sa pagsasalita si mommy. Galing talaga ni Dad!"I'm home!" Napalingon ako sa nagsalita. Ang kuya kong hindi masyadong kagwapuhan kapag tumabi sa'kin , si Kuya Zach. "Kuya," sambit ko. Sinalubong ko siya at nakipag-chest bump."How's your business trip, son?" nakangiting tanong ni Dad. "It went good, Dad."Madalas wala si kuya. Lagi siyang may business trip. Minsan tuloy iniisip kong nagdadahilan lang siya kaso pa'no ko sasabihin 'yon kung napaka-successful naman ng kompanya niya. Kumikita ng milyon-milyon.Although mas malaki ang net ng business ko, hindi ko pa rin maiwasang idolohin si kuya. Sa pamilya kasi namin, siya ang mabuti at masunuring anak at ako naman ang pasaway at barumbado. Pero take note, ako ang pinakagwapo. Walang-wala sina Kuya at Dad kapag tumabi sila sa'kin."Kuyaaaaa.! You're back! Na-miss kita kuya!" tili ni Venice na patakbong yumakap kay kuya.Buti na lamang at may kapatid kaming weird at childish, hindi ako nagmumukhang sampid sa pamilya namin.Tsk! Eighteen years old na siya pero sa hitsura niyang tumakbo palapit kay Kuya Zach mukha itong batang paslit.Napangiwi ako nang makita ang suot niya. Nakasuot siya ng pink tube na may ternong maiksing palda tapos nakamedyas ito ng stripe na hanggang tuhod. Her outfit is combination of pink and white."I know what you're thinking, Kuya Lance. Tsk! Palibhasa, mga tipo mong suot ng babae, 'yong damit na labas ang kaluluwa," asik niya sa'kin. Nahuli pala niya akong nakatingin sa kanya."Kaysa naman sa suot mong pambata," pang-aasar ko sa kanya."Mommy!" baling niya kay mommy sa tonong nagsusumbong."Naku tama na 'yan. Mag-agahan na tayo ng sabay-sabay ngayong kumpleto tayo." saway ni Dad."Oo nga, matagal na rin no'ng huli tayong magsabay-sabay kumain," saad naman ni mommy."Nag-agahan na po ako," maagap kong turan kahit hindi pa naman. Ayoko lang magtagal dito, siguradong kukulitin nila ako sa arrange marriage."Minsan lang mangyari 'to. Just join the family for breakfast," saad ni Kuya na tinapik ako sa likod."That's right! Because aside from breakfast, we will talk about an important matter," walang kangiti-ngiting turan ni dad.Nang tumalikod sila patungong kusina, wala na akong nagawa kundi sumunod na lang."Kung ang pag-uusapan natin ay tungkol sa arrange marriage, then pareho lang ang sasabihin ko. Ayoko siyang pakasalan."Hindi nila pinansin ang sinabi ko sa halip ay nagsiupo lamang sila. "My decision is final," sunod kong turan."Maupo ka na at nang makapagdasal na tayo," saad ni Mom sa halip na pansinin nila ang sinabi ko.Umupo na lang ako pero nang pumikit sila at i-lead ni kuya ang maikling dasal, pinanood ko lang sila.
"Amen." Sabay-sabay nilang sambit. Pinanood ko sila nang magsimula silang kumain. Bigla tuloy may pumasok na brilliant idea sa utak ko."Bakit 'di nalang si kuya ang ipakasal ninyo sa kanya? " natigil sa pagkuha ng bacon si Kuya Zach. Awtomatikong napatingin siya sa'kin."Tutal twenty-nine na si Kuya. It's the ideal age to get married. Wala naman yata siyang girlfriend, kaya tama lang na si Kuya ang i-arrange niyo," pagpapatuloy ko kahit seryoso ang expression ng mukha niya."I'm still young. I'm just twenty-five, so please, let me enjoy the life of being single," sunod kong turan.Kawawa naman ang mga hot chick na patay na patay sa'kin. Siguradong magluluksa sila kapag ikinasal ako."After the wedding, we want to establish a company merging. At ang company mo ang nakikita kong pag-asa para makabangon ulit ang business nila," kalmadong saad ni Dad."Malaki ang utang na loob natin sa kanila. Ang pamilya nila ang tumulong sa'min ng Daddy ninyo noong nagsisimula pa lamang kami sa negosyo," segunda naman ni mommy.Si daddy pa rin ang CEO ng business na sinasabi ni Mommy. Pero dahil independent kami ni Kuya, napagkasunduan namin na ang kompanyang ipinundar ng parents namin ay ipapamana kay Venice balang araw.
"Okay. I will agree to the merging but not to the marriage. Kapag pumayag si Kuya na pakasalan siya, makikipag-merge ang company ko sa company nila."Sorry na lang sila, talagang matigas ang ulo ko.
"Bago ka tumanggi, wala ka man lang bang planong alamin kung sino ang pakakasalan mo?" turan ni Dad na ibinaba pa ang hawak niyang kubyertos at saka matamang tumingin sa'kin."Mom, Dad, huwag na nating pilitin si Lance," mahinahong sabad ni Kuya."Since ako naman po ang panganay sa pamilya, let me take the responsibility." "Oh son!" Sa tono ni mommy, parang na-touch siya sa tinuran ni kuya. Sinserong hinaplos ng palad niya ang pisngi nito.Tsk! Mga ganyang aktingan ang hindi ko masisikmura. Kaya bilib ako kay Kuya, masyado siyang pa-Hero.
"For sure, you'll regret. Sayang! Ang ganda pa naman ni Ate Belle," nakangusong turan ni Venice habang nakatingin sa'kin."Hindi ako magsisisi, I swear! Because last night, I already met the most beautiful woman in the world."She has an alluring beauty, and damn so hot. Pero mukha yatang may pagka-brutal siya. Sa dinami-dami ng babaeng nakilala ko, siya lang ang nangahas na gawin sa'kin 'yon. Pero 'di naman iyon kadisma-dismaya. 'Di bale, sisingilin ko na lang siya pag nakita ko siya ulit. And I'll make sure, she will enjoy my pleasurable punishment."Ah kaya pala, gumastos ng milyon," saad ni Dad na may pilyong ngiti."Do I need to know something?" saad ni Kuya. He is in his usual serious aura."Wala naman, Kuya. It's just the woman I dated last night.""You spent million on that date?" Nakakunot-noo siya."Yeah." Pilit akong ngumiti." Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit tumanggi ka sa arrange marriage," sunod niyang turan bago bumalik sa pagkain.Sumubo at ngumuya siya ng pagkain bago siya muling nagsalita."You know what, my brother. I also have this woman whom I consider the most beautiful." Agad akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi niya.Teka! Don't tell na babawiin niya ang pagpayag niya sa arrange marriage?"Unfortunately, she's getting married." Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi niya."Ouchy! That so sad, Kuya. It feels like I wanna cry," Exaggerated na turan ni Venice."Baka ibig sabihin niyan, may ibang nakalaan sa'yo, son." Saad naman ni Dad.Sumilay naman ang pilit na ngiti sa labi ni kuya."Ano na nga ulit ang pangalan ng papakasalan ni Lance, Mom? I mean pakakasalan ko." saad ni Kuya sa halip na mag-react sa sinabi ni Dad. Mukhang umiiwas ito sa topic na 'yon."Belle. Her name is Belle." "Beautiful name! Siguro nga, we're meant for each other. And from now on, I will forget my most beautiful woman and start believing that I am meant for the arrange marriage with that woman with a beautiful name," nakangiting saad ni Kuya.Napangiti na rin ako.Yes! Sa wakassss malaya na akooooo!Stacey's POV Proposal ng isang CEO palpak matapos muntikang makunan ang girlfriend! When a proposal gone wrong! Trending! The unforgettable proposal! Proposal of the year! Napangiwi na lang ako nang mabasa ko ang mga headline. Viral na rin ang video ng proposal ni Lance. Naka-live pala ang proposal niya kahapon. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at tinungo ang terrace. Bagot na bagot na ako. Gusto ko sanang lumabas kahit halos kauuwi lang namin mula sa hospital. Ayos na ayos naman ang pakiramdam ko. Para ngang mas lalo akong magkakasakit kung nandito lang ako sa bahay. Ayon sa doctor, ayos lang naman daw ang baby. Huwag lang daw akong bigyan ng stress. At nakita ko kagabi kung paano nagsisi si Lance na gano'n pa ang naisip niyang pakulo sa proposal. "Sweetie, ba't bumangon ka?" Taranta itong lumapit sa'kin. "Hindi ka dapat kilos ng kilos. Baka mapa'no ang baby n
Stacey's POVNapsulyap ako sa bilog na wall clock na nakasabit sa dingding ng sala. Pasado alas otso na rin ng gabi pero wala pa si Lance. Ngayon lang siya na-late ng uwi. Madalas nga ay under time siya sa trabaho. Minsan half day lang siya o kaya kapag sinumpong ay absent siya. Kapag sobrang importante ay sinasama niya ako.Nabalik-balik ako ng lakad para mabawasan ang pagbayo ng dibdib ko.Ano bang nangyari? Bakit hanggang ngayon, wala pa siya?Muntik na akong mapatili nang biglang mag-ring ang cellphone.Mabilis kong sinunggaban iyon sa pag-aakalang si Lance iyon.Ngunit gano'n na lamang ang pagkadismaya ko nang makita ko ang screen.Red Bernoulli calling...Hindi ko sinagot. Hinayaan kong matapos ang tawag.Kung hindi kasi pang-aasar ang sadya niya, siguradong tsismis lang ang hanap niya.Ilang sandali lang ay muling nag-ring ang cellphone ko.Si Red ulit ang tumatawag.Hays
Stacey's POV "Hey, sweetie? Are you alright?" turan ni Lance na hinalikan ako sa noo at lalong niyakap.I can feel his warmth under this white sheets.We are both naked and just done with our multiple orgasm.I felt his hardness poking my thigh.Gagong 'to! May energy pa yatang natitira.Kailan ba siya mapapagod?"Lumayo ka nga ng kaunti sa'kin." Pagsusungit ko sa kanya. Bahagya ko rin siyang itinulak.Defense mechanism lang. Baka mamaya bumigay na naman ang beauty kong marupok. Isang haplos lang niya at siguradong talo na naman ako. "Naaalibadbaran ako sa'yo!" Nakita ko naman ang pagkalukot ng mukha niya."Nagsusungit ka na naman, sweetie. Gusto mo ba pa ng isa pang round?" Nakatawang biro niya.Pinandilatan ko siya."Baka gusto mo ng sapak?" Iniambaan ko siya ng suntok."Ito naman. Joke lang naman."Agad akong tumayo sa kama at hinablot ang robe na nakakalat sa sahig. Kaagad kong isinuot iyon."Huwag mo akong
Stacey's POVPagkaalis pa lang ni Lance sa mesa namin ay siya namang paglapit ng waiter sa table namin.May inilapag itong orange juice sa mesa. Matingkad ang kulay no'n. Bigla tuloy akong natakam. Paborito ko pa naman ang orange juice."Para sa inyo daw ma'am" Matamis ang ngiti nito."Salamat." Binigyan ko siya ng tipid na ngiti.Yumukod naman siya bilang tugon bago siya humakbang paalis.Kinuha ko ang juice at tinikman iyon. Matamis at masarap. Nagawa kong mainom ang kulang-kulang na kalahati ng laman ng baso."Pa'no kaya nalaman ni Lance na paborito ko ang orange juice?" Usal ko sa isip ko.Habang hinihintay ko siya ay pasimple kong iginala ang tingin ko sa paligid. Mangilan-ngalan lang ang costumer na pawang magkakapareha.Ipinilig ko ang ulo ko nang maramdam ko ang panlalabo ng paligid. Tila hinihila ang mata kong pumikit.Kumurap-kurap ako. Ramdam kong may mali. Alam kon
Lance Mcneil's POV Nahilo si Stacey? Nakaramdam ako ng pag-aalala. Mukha naman siyang okay kanina. Parang gusto ko tuloy magsisi na iniwan ko pa siya. Napunta ang tingin ko sa hawak kong calling card. Nandito pala si Yvonne sa restaurant, hindi ko napansin. At siya pa ang tumulong kay Stacey. Hinugot ko ang cellphone ko at kaagad na nagtipa. Bago ko pa magawang tawagan ang number na nasa calling card ay nakatanggap na ako ng mensahe mula kay Yvonne. Nanlamig ako nang makita ko ang litratong ipinadala niya. Litrato iyon ni Stacey. May busal ito sa bibig. Nakaupo ito at nakatali sa silya. Suot pa rin niya ang bestidang suot niya kanina pero magulo ang buhok nito. Sa ibaba ng ipinadala niyang larawan ay may ipinadala siyang mensahe. Come back to me or she will die. Para akong tinakasan ng kaluluwa. Hindi pala tinulungan ni Yvonne si Stacey kundi kinidnap niya. Kaag
Stacey's POV Mabilis kong itinulak si Red at umayos ng tayo. Napasipol si Thirdy. Napatikhim naman si Denver. Nanatili namang nakatayo roon si Lance. Nakasimangot. "Aray naman! Matapos kitang saluhin, tratratuhin mo ako ng ganyan!" Humawak ito sa d****b niya kung saan ko siya tinulak. "Sobrang sakit sa heart." Inambaan ko siya ng suntok. "Black eye, gusto mo? Gigil na talaga ako sa'yo eh!" "Ang sama talaga ng ugali mo! Tumanda ka sanang dalaga!" Nakanguso pa ito. Ang sarap niya sanang hambalusin. Bumaling ito kay Zach. "Pa'no, Zach? Uwi na kami. Pinapalayas na kami eh." I rolled my eyes. "Okay. I'll send you outside." Ibinaba ni Zach ang trophy sa mesa. Nagpatiuna na rin ito sa paglalakad. Sumunod sa kanya si Red na bubulong-bulong na napakasama raw ng ugali ko. Sumunod naman si Thirdy sa kanila. "We gotta go, Stacey." Paalam ni Denver na tinugon ko na lang ng tango. Nang