Share

Epilogue

Author: amvernheart
last update Last Updated: 2021-12-03 00:01:55

Stacey's POV

Proposal ng isang CEO palpak matapos muntikang makunan ang girlfriend!

When a proposal gone wrong!

Trending! The unforgettable proposal!

Proposal of the year!

Napangiwi na lang ako nang mabasa ko ang mga headline. Viral na rin ang video ng proposal ni Lance. Naka-live pala ang proposal niya kahapon.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at tinungo ang terrace. Bagot na bagot na ako. 

Gusto ko sanang lumabas kahit halos  kauuwi lang namin mula sa hospital. Ayos na ayos naman ang pakiramdam ko. Para ngang mas lalo akong magkakasakit kung nandito lang ako sa bahay.

Ayon sa doctor, ayos lang naman daw ang baby. Huwag lang daw akong bigyan ng stress.

At nakita ko kagabi kung paano nagsisi si Lance na gano'n pa ang naisip niyang pakulo sa proposal.

"Sweetie, ba't bumangon ka?" Taranta itong lumapit sa'kin.

"Hindi ka dapat kilos ng kilos. Baka mapa'no ang baby n

amvernheart

Maraming-maraming salamat sa pagsubaybay. Isa na namang kwento ang natapos. Isang kwentong pwedeng presyuhan pero para sa isang manunulat ang kanyang akda ay para niyang sariling laman kung saan dumadaloy ang kanyang kamalayan. Nakalimbag ang halaga nitong hindi kayang tumbasan ng kayamanan.

| 3
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Marilou Deguzman
subrang Ganda ng story mo author..keep it po
goodnovel comment avatar
Fatima Sato
Salamat author sa magandang story na iniwan mo sa Aming mga readers..gid bless po
goodnovel comment avatar
amvernheart
Thank you so much po for reading my work. Sobra po akong na inspire dahil sa mga ganitong comment..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Name Your Price   Epilogue

    Stacey's POV Proposal ng isang CEO palpak matapos muntikang makunan ang girlfriend! When a proposal gone wrong! Trending! The unforgettable proposal! Proposal of the year! Napangiwi na lang ako nang mabasa ko ang mga headline. Viral na rin ang video ng proposal ni Lance. Naka-live pala ang proposal niya kahapon. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at tinungo ang terrace. Bagot na bagot na ako. Gusto ko sanang lumabas kahit halos kauuwi lang namin mula sa hospital. Ayos na ayos naman ang pakiramdam ko. Para ngang mas lalo akong magkakasakit kung nandito lang ako sa bahay. Ayon sa doctor, ayos lang naman daw ang baby. Huwag lang daw akong bigyan ng stress. At nakita ko kagabi kung paano nagsisi si Lance na gano'n pa ang naisip niyang pakulo sa proposal. "Sweetie, ba't bumangon ka?" Taranta itong lumapit sa'kin. "Hindi ka dapat kilos ng kilos. Baka mapa'no ang baby n

  • Name Your Price   Chapter 33.2

    Stacey's POVNapsulyap ako sa bilog na wall clock na nakasabit sa dingding ng sala. Pasado alas otso na rin ng gabi pero wala pa si Lance. Ngayon lang siya na-late ng uwi. Madalas nga ay under time siya sa trabaho. Minsan half day lang siya o kaya kapag sinumpong ay absent siya. Kapag sobrang importante ay sinasama niya ako.Nabalik-balik ako ng lakad para mabawasan ang pagbayo ng dibdib ko.Ano bang nangyari? Bakit hanggang ngayon, wala pa siya?Muntik na akong mapatili nang biglang mag-ring ang cellphone.Mabilis kong sinunggaban iyon sa pag-aakalang si Lance iyon.Ngunit gano'n na lamang ang pagkadismaya ko nang makita ko ang screen.Red Bernoulli calling...Hindi ko sinagot. Hinayaan kong matapos ang tawag.Kung hindi kasi pang-aasar ang sadya niya, siguradong tsismis lang ang hanap niya.Ilang sandali lang ay muling nag-ring ang cellphone ko.Si Red ulit ang tumatawag.Hays

  • Name Your Price   Chapter 33

    Stacey's POV "Hey, sweetie? Are you alright?" turan ni Lance na hinalikan ako sa noo at lalong niyakap.I can feel his warmth under this white sheets.We are both naked and just done with our multiple orgasm.I felt his hardness poking my thigh.Gagong 'to! May energy pa yatang natitira.Kailan ba siya mapapagod?"Lumayo ka nga ng kaunti sa'kin." Pagsusungit ko sa kanya. Bahagya ko rin siyang itinulak.Defense mechanism lang. Baka mamaya bumigay na naman ang beauty kong marupok. Isang haplos lang niya at siguradong talo na naman ako. "Naaalibadbaran ako sa'yo!" Nakita ko naman ang pagkalukot ng mukha niya."Nagsusungit ka na naman, sweetie. Gusto mo ba pa ng isa pang round?" Nakatawang biro niya.Pinandilatan ko siya."Baka gusto mo ng sapak?" Iniambaan ko siya ng suntok."Ito naman. Joke lang naman."Agad akong tumayo sa kama at hinablot ang robe na nakakalat sa sahig. Kaagad kong isinuot iyon."Huwag mo akong

  • Name Your Price   Chapter 32

    Stacey's POVPagkaalis pa lang ni Lance sa mesa namin ay siya namang paglapit ng waiter sa table namin.May inilapag itong orange juice sa mesa. Matingkad ang kulay no'n. Bigla tuloy akong natakam. Paborito ko pa naman ang orange juice."Para sa inyo daw ma'am" Matamis ang ngiti nito."Salamat." Binigyan ko siya ng tipid na ngiti.Yumukod naman siya bilang tugon bago siya humakbang paalis.Kinuha ko ang juice at tinikman iyon. Matamis at masarap. Nagawa kong mainom ang kulang-kulang na kalahati ng laman ng baso."Pa'no kaya nalaman ni Lance na paborito ko ang orange juice?" Usal ko sa isip ko.Habang hinihintay ko siya ay pasimple kong iginala ang tingin ko sa paligid. Mangilan-ngalan lang ang costumer na pawang magkakapareha.Ipinilig ko ang ulo ko nang maramdam ko ang panlalabo ng paligid. Tila hinihila ang mata kong pumikit.Kumurap-kurap ako. Ramdam kong may mali. Alam kon

  • Name Your Price   Chapter 31.2

    Lance Mcneil's POV Nahilo si Stacey? Nakaramdam ako ng pag-aalala. Mukha naman siyang okay kanina. Parang gusto ko tuloy magsisi na iniwan ko pa siya. Napunta ang tingin ko sa hawak kong calling card. Nandito pala si Yvonne sa restaurant, hindi ko napansin. At siya pa ang tumulong kay Stacey. Hinugot ko ang cellphone ko at kaagad na nagtipa. Bago ko pa magawang tawagan ang number na nasa calling card ay nakatanggap na ako ng mensahe mula kay Yvonne. Nanlamig ako nang makita ko ang litratong ipinadala niya. Litrato iyon ni Stacey. May busal ito sa bibig. Nakaupo ito at nakatali sa silya. Suot pa rin niya ang bestidang suot niya kanina pero magulo ang buhok nito. Sa ibaba ng ipinadala niyang larawan ay may ipinadala siyang mensahe. Come back to me or she will die. Para akong tinakasan ng kaluluwa. Hindi pala tinulungan ni Yvonne si Stacey kundi kinidnap niya. Kaag

  • Name Your Price   Chapter 31

    Stacey's POV Mabilis kong itinulak si Red at umayos ng tayo. Napasipol si Thirdy. Napatikhim naman si Denver. Nanatili namang nakatayo roon si Lance. Nakasimangot. "Aray naman! Matapos kitang saluhin, tratratuhin mo ako ng ganyan!" Humawak ito sa d****b niya kung saan ko siya tinulak. "Sobrang sakit sa heart." Inambaan ko siya ng suntok. "Black eye, gusto mo? Gigil na talaga ako sa'yo eh!" "Ang sama talaga ng ugali mo! Tumanda ka sanang dalaga!" Nakanguso pa ito. Ang sarap niya sanang hambalusin. Bumaling ito kay Zach. "Pa'no, Zach? Uwi na kami. Pinapalayas na kami eh." I rolled my eyes. "Okay. I'll send you outside." Ibinaba ni Zach ang trophy sa mesa. Nagpatiuna na rin ito sa paglalakad. Sumunod sa kanya si Red na bubulong-bulong na napakasama raw ng ugali ko. Sumunod naman si Thirdy sa kanila. "We gotta go, Stacey." Paalam ni Denver na tinugon ko na lang ng tango. Nang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status